LOKAKOHAN (Chapter 4)
[13:00]
"Nang-iinis ka ba talaga?" tanong ni Celso.
"Nagmamagandang loob lang naman ako. Gusto ko lang makatulong," sabi ni Cinomed kasabay ng isang evil smile at beautiful eyes.
"Lumayo ka sa akin, di kita kilala", sabi ni Celso.
"Ako si Cinomed", pagpapakilala ni Cinomed at humingi ng handshake.
"Talk to your hands," sabi ni Celso kay Cinomed.
"Ngayon kilala mo na ako, hindi na ako stranger. Tutulungan na kitang magpakamatay!" sabi ni Cinomed na nakangiting aso kay Celso.
Naglabas ng piso si Celso at binigay kay Cinomed.
"Heto piso, maghanap ka ng kausap mo. Bayaran mo", sabi ni Celso.
Binalik ni Cinomed kay Celso ang bigay nitong piso.
"Bakit mo binalik?" tanong ni Celso na nagtataka.
"Bayad ko sayo", sagot ni Cinomed.
Medyo naiinis na si Celso sa nagaganap. Samantala ginamit ni Cinomed and mind reading ability nya kay Celso.
"Lumayo ka nga, babangasan kita!" sabi ni Celso at umastang aalis palayo kay Cinomed. Hindi niya trip kausap si Cinomed.
"Ang drama pala ng buhay mo," sabi bigla ni Cinomed na kumuha ng atensyon ni Celso.
Napahinto si Celso sa paglalakad at napatingin kay Cinomed. Doon niya nakita ang lungkot ng mga mata ni Cinomed na parang isang aso na naghihingi ng pakain sa amo, paawa effect.
"Alam kong puro kamalasan ang naganap sa iyo sa araw na ito.Hindi ba't ang pinakamatinding banat sayo ni Kapal ay nang iwanan ka ng girlfriend mo?" tanong ng nakakaawang si Cinomed.
Pa-papaano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Celso na di makapaniwala sa narinig. "saka sino si Kapal?"
"Si Kapalaran, di mo kilala yun? Pero ang totoo nyan, ang kailangan mo ay isang kaibigan na masasandalan, kaya naman nandito ako" sabi ni Cinomed.
"Masasandalan? Ano ka bench?" tanong ni Celso.
"Hindi, para akong left and right. Always at your side" pakornihang banat ni Cinomed na napulot nya yata sa text.
"Tigilan mo nga ako", sabi ni Celso at nagsimula nang maglakad papalayo.
"Matagal na kitang kilala at narito ako para tulungan ka Celso," sabi ni Cinomed na muling nagpatigil sa naglalakad na si Celso.
"Paano mo ko nakilala? May kamag-anak ka bang artista? Ang OA mo eh. Bakit parang lahat ng information tungkol sa akin alam mo? Pinaglihi ka ba sa agent ng CIA o baka pinaglihi kay Cristy Fermin?" tanong ni Celso kay Cinomed na kaunti nalang ay trip nang kotongan ang kausap.
"Hindi. Pinaglihi ako sa tsismosa naming kapitbahay na pati mga ex-boyfriend ni Vice Ganda kabisado", sagot naman ni Cinomed.
"Lokohin mo leleng mo. SIguro pinaglihi ka kay Madam Auring", sabi ni Celso na trip ng manakit ng kausap.
"Bahala ka, its your choice (wow English). Sa maniwala ka man o sa hindi, ito na ang tamang panahon para mamatay ka", sambit ni Cinomed.
"Pwede ba tatantanan mo na ako", sabi ni Celso na naiinis na talaga. Samantala naglabas ng dyaryo si Cinomed sa likod nya at pinakita nya 'yun kay Celso. Clue: basta bastos ang pangalan ng dyaryo.
"Basahin mo ang horoscope mo sa dyaryong ito" sinabi ni Cinomed at iniabot ang dyaryo kay Celso. Binasa naman ito ni Celso, uto-uto.
"Taurus. Masyadong makulay ang buhay mo ngayon at puro kamalasan ang magaganap. Kung ako sayo, magpakamatay ka na. Lucky color: NONE", pagbabasa ni Celso sa dyaryong code name: TOROTOT.
"Di ba ang kulay ng buhay mo? At isa pa ang buhay mo ay nababalutan ng kamatayan at suicide", sabi ni Cinomed.
"Kalokohan!" sabi ni Celso. "Lumayo ka nga abnormalities!"
"Hindi naman sa niloloko kita, pero, sinong paboritiong artista ng tatay mo?" tanong ni Cinomed at tumaas ang isang kilay ni Celso.
"Patay na eh. Si Robin Williams", sagot ni Celso na di alam bakit sinagot niya ang tanong ni Cinomed, nagpauto na naman sya.
"Di ba nag-suicide yun? Sinong kinaaayawan ng nanay mo sa politika?"
"Si Mirriam Defensor", sagot ni Celso na walang pakialam sa politika.
"Nagsuicide rin ang anak nun. Sino yung idol ng lolo mo na dahilan kaya siya sinagot ng lola mo?" tanong muli ni Cinomed.
"Si Elvis Presley", sagot ni Celso at nang maalala yun ay biglang kinilabutan sa kajologan ng lolo nya. Eewww!
"May theory na nagsasabing nag-suicide siya. At saan noon nagtrabaho ang tatay mo?" tanong ni Cinomed.
"Sa Iraq. Teka anong kinalaman nun?" nagtatakang tanong ni Celso.
"Maraming suicide bomber don. Ano? Di ba? See? Do you believe in me now?" tanong ni Cinomed sa elib na elib na si Celso.
Halos di talaga makapaniwala si Celso. Totoo ang mga sinasabi ni Cinomed. Nagtataka na ngayon si Celso kung sino ba talaga si Cinomed.
"Sino ka ba talaga?" tanong ni Celso na naiintriga na kay Cinomed.
"Over OA naman kung sasabihin kong, "AKO ANG IYONG KONSENSYA!" Kaya mas gusto ko pang tawagin mo akong kaibigan" sabi ni Cinomed.
"Paano mo ako nakilala? Bakit marami kang alam tungkol sa akin?" tanong ni Celso na lubusan nang nahihiwagan kay Cinomed.
"Sabihin natin isa kang superhero, kunwari ikaw si Son Gokou. Kahit ikaw ang bida, kailangan ka pa rin mamatay para mas exciting ang istorya", sabi ni Cinomed sabay smile.
"Anong koneksyon nun?" tanong ni Celso kay Cinomed.
"Wala lang. Favorite ko lang kasi si Son Gokou. Sa kabilang banda, may good effect naman ang pagpapakamatay mo kaya wag kang mag-alala", sabi ni Cinomed.
"Good effect? At ano naman?" naguguluhang tanong ni Celso.
"Di ba hirap ka na sa buhay mo? Kapag namatay ka, wala ka ng poproblemahin pa," sabi ni Cinomed na lumalabas na ang pagiging demonyo.
"Hindi magandang dahilan yon", sabi naman ni Celso. "naka-drugs ka ba?"
"Ok gusto mo ng economical? Eto, bagsak na ang ekonomiya natin dahil sa lumolobong populasyon. Kapag namatay ka, mababawasan ang populasyon natin", pagpapaliwanag ni Cinomed.
"Alam mo ba na sa bawat isang tao na namamatay, may tatlong sanggol na ipinapanganak?" tanong ni Celso kay Cinomed. "sure ako di mo yun alam".
"E di maging suicide bomber ka. Atleast hindi lang isa ang mawawala", sabi naman ni Cinomed "astig kung sa Malacañang mo gagawin!"
"Terorista ka ba? Ganyan ba talaga kayo mang-brainwash?" tanong ni Celso na iniisip kung anong klaseng terorista ang lokong kausap nya.
"Anong brainwash? Uso na ba yun ngayon? Pinaliliguan pati utak?" tanong ni Cinomed na iniisip ano ang koneksyon ng 'brainwash' sa 'mouthwash'.
"Ah ewan. Pwede ba umalis ka na dahil papunta na ako sa mall ngayon. Dahil sa pagkabangga mo sa akin, nahulog ang wallet ko sa kanal!" sabi ni Celso.
"Ano naman? Di ba wala naming lamang pera yun? Hindi ba Celso?" sabi ni Cinomed at ngumiting parang demonyo.
Nagulat si Celso dahil tama si Cinomed. Papaano nya yun nalaman?
"Naniniwala ka na ba na hindi ako ordinaryo? Ako ang TAGASUNDO mo at oras mo na ngayon. Sa ayaw mo man o sa hindi, MAMAMATAY KA NA!" sabi ni Cinomed na lumalakas bigla ang boses.
Nangilabot si Celso sa narinig ngunit kinokontrol nya ang sarili.
"Maniwala sayo tanga!" sabi ni Celso na nilalabanan ang takot.
"Tumitingin ka sa harapan natin", sabi ni Cinomed.
Naging uto-uto na naman sa ikatlong pagkakataon si Celso at tumingin sa harapan nila ni Cinomed. Isang malaking salamin ang naroon. Nakikita ni Celso ang sarili niya ngunit ang katabing si Cinomed, WALA.
Tumindig ang balahibo ni Celso at hindi malaman kung sisigaw ba siya. Hindi niya alam kung maniniwala siya na si Kamatayan ang kausap ngayon. Fashion trender na rin pala si Kamatayan dahil sa japorms outfit and looks nito. Napanganga na lang si Celso. Tumingin muli si Celso kay Cinomed. Kinawayan naman ni Cinomed si Celso at ngumiting parang demonyo.
"Naniniwala na ako ngayon", sabi ni Celso na pinipigilan pa rin ang takot.
"Edi tanga ka pala", sabi ni Cinomed.
"SINO KA BA TALAGA? BAKIT MO AKO SINUSUNDAN?" tanong ni Celso na napasigaw na dahil sa takot at sing-bilis ng jeep na tibok ng puso.
"Sinabi ko na sa'yo, sinusundo na kita!" sagot ni Cinomed sabay smile.
"Pero buhay pa ako", sabi ni Celso na maluluha na yata sa takot.
"May bagong rule na kasi ngayon. Lahat naman nagbabago 'di ba? PAKITA MUNA BAGO SUNDO. Tingnan mo ako. Ang looks at style ko hindi mapaghahalataang manununundo di'ba?" sabi ni Cinomed na inayos pa ang suot.
"Puro ka 'diba'. Hindi ako makapaniwala. Panagip lang ba 'to?" tanong ni Celso na nag-iisip paano nya tatakasan si Cinomed.
"Hindi ito bato, este panaginip. Totoo ito at wala ka ng magagawa. Ito ang iyong tadhana", sabi ni Cinomed na hobby na ang pagngiti.
"HINDI! AYOKOOO!!!!!" Sigaw ni Celso.
Biglang may lumapit na bata kay Celso at nagtanong sa kanyang Mommy ng, "Mommy bakit sya nagsasalita mag-isa?"
"Wag mo yan kausapin. Layuan mo yan anak sabog yan sa rugby", sabi ng mommy ng bata at umalis dala-dala ang isang cough syrup.
"Pasensya na. Hindi ko nasabi sa'yo na ikaw lang ang nakakakita sa akin," sabi ni Cinomed at unti-unting inilabas ang sungay nito.
"Tuluyan nang natakot si Celso at tumakbo nang mabilis papunta sa park. Wala na siyang pakialam, ang mahalaga'y makalayo siya sa lugar na iyon, palayo kay Cinomed. Hinahabol niya ang kaniyang paghinga dahil sa pagod at naupo sa isang bench.
"Sabi ko naman sa'yo, hindi ka na makakaiwas. Ito na ang iyong tadhana. Ito ang nakalaan sa'yo, Celso," sabi ni Cinomed na biglang sumulpot sa kawalan at katabi na ni Celso ngunit wala na ang sungay nito.
"AAAAAHHHHHHHH!!!!!" sigaw ni Celso.
"Alam mo-", sabi ni Cinomed pero di naituloy ang sasabihin.
"AAAAAHHHHHHHH!!!!!" sigaw ni Celso.
"Ganito kasi---", sabi ni Cinomed at nabitin nananamn sa sasabihin.
"AAAAAHHHHHHHH!!!!!" sumisigaw pa rin si Celso.
"Celso!" sabi ni Cinomed na naiirita na sa korning sigaw ni Celso.
"AAAAAHHHHHHHH!!!!!" sigaw parin ni Celso.
"AAAAAHH---" at tumigil na sa pagsigaw si Celso nang tapalan ito ng tnapay ni Cinomed fresh from Red Ribbon Bakeshop.
Nasarapan si Celso sa tinapay at dahil hindi pa naman siya kumakain, tsinibog na niya ang tinapay. Ang mahal kaya ng tinapay sa Red Ribbon.
"Tanggapin mo na ang katotohanan. Celso, oras mo na", sabi ni Cinomed.
Hindi makasagot si Celso at minabuting lunukin na ang tinapay. Mabuti sa ngayon ay kalmado na ito. Hindi ito makapa-isip ng maayos. Naisip niya, ano nga ba ang halaga ng buhay niya? Puro kamalasan lang naman ang nangyayari sa kanya. Kung mawawala siya, wala na siyang iintindihin pang problema. Kamatayan ang katapusan ng lahat.
Nang tumingin si Celso kay Cinomed ay tumutugtog na ito ng violin dahil sa kasentihan ni Celso.
"Sige payag na ako mamatay!" sagot ni Celso "Pero paano?"
"Magpapakamatay ka! Sagot ni Cinomed sabay smile.
BINABASA MO ANG
LOKAKOHAN
Novela JuvenilBadtrip na lovelife, nakakasawang buhay, eto na marahil ang buhay ng karamihan, tulad ni Celso. Ngunit ang lahat ay biglang magbabago dahil sa isang hindi inaasahang pagti-trip ng Kapalaran. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao upang mahanap ang t...