LOKAKOHAN (Chapter1)
"Ayoko na ng buhay ko! Gusto ko ng mamatay!" sabi ng isang demonyo.
"Tanga! Kaya ka nga nandito sa Impyerno kasi nagpakamatay ka, remember?" paalala ng isa pang demonyo.
"Oo nga noh? Pero nakakainis, gusto ko pumunta sa earth at maghasik ng lagim," sabi ng naunang demonyo.
"Bakit hindi mo kausapin si Papa Satan?" sabi naman ng pangalawang demonyo.
"Alam ko na yun. Doon na nga ako patungo ngayon. Hay, nami-miss ko na ang pag-aakyat bahay," sabi ng First Demon.
"Aba demonyo ka na pala noon pa. Parehas lang tayo Bro," sabi ng Second Demon.
"Ano ka ba dati sa lupa?" tanong ng naunang Demonyo.
"Parehas tayo ng propesyon, edukado lang ako. Isa akong pulitiko," sagot ng ikalawang Demonyo.
"Wow! Isa kang public enemy no. 1," hulaan mo kung sinong nagsalita.
"DING-DONG ARRIVING IN FLOOR NO. 13 SECTION 666," may boses babae na biglang nagsalita.
Lumabas na ang naunang Demonyo sa elevator at naglakad sa kadiliman. Nakakita siya ng 'itim' na pintuan. Pumasok siya sa loob at nakakita ng isang Duwende at isang Kapre na nakikipag-usap kay Papa Satan.
"Papa Satan, tulungan nyo po kami," sabi ni Duwende.
"NAIS PO NAMING MAGPAKASAL," sabi naman ni Kapre.
"Bahala kayo, paramihin nyo ang inyong lahi! BWAHAHAHAHA!" sabi naman ni Satan.
"Kaso po ginugulo po kami ni Manananggal," sabi ng maliit na boses ni Duwende.
"Manananggal?" tanong ni Satan at tumingin kay Kapre "Hindi ba't girlfriend mo noon si Manananggal? Nanggaling na rin kayo rito at binalaan kong hindi magwo-workout ang relationship nyo; pero ang sabi mo 'ang mahalaga'y nagmamahalan kayo?'"
"OO NGA PO. PERO NAG-SPLIT NA PO KAMI NANG MAPAG-ALAMAN KONG NALAGLAG NIYA ANG ANAK NAMIN NANG MINSAN SIYANG LUMIPAD AT IWAN ANG KALAHATI NIYANG KATAWAN," malakas na pagkukwento ni Kapre.
"At ngayon si Duwende na ang pakakasalan mo?" tanong ni Satan kay Kapre.
"OPO," sagot naman ni Kapre.
"Paano mo bibinhian yan?" tanong ni Satan.
"Ang mahalaga po ay nagmamahalan kami" sabi naman ni Duwende sabay yakap sa hintuturo ni Kapre.
"OPO. ANG MAHALAGA'Y MAHAL NAMIN ANG ISA'T-ISA," sabi ni Kapre at hinalikan si Duwende.
Sa sobrang tindi ng kissing scene ay naisubo ni Kapre si Duwende at nailunok. Nagtatakang umalis si Kapre na hinahanap si Duwende.
"BWAHAHAHAHA! NEXT!" sigaw ni Satan.
Dumating ang naunang Demonyo kanina at nakipag-usap kay Satan.
"Anong maipaglilingkod ko sa'yo? BWAHAHAHAHA!" tanong ni Satan sa Demonyo."
"Alam mo kasi Papa Satan, gusto ko pong maghasik ng lagim sa earth," sagot ng Demonyo.
"Alam mo marami ng gumagawa nyan sa earth. Marami na akong naipadala roon. Actually karamihan sa kanila may katungkulan pa. Gusto mo dumagdag?" tanong ni Satan.
"Wala po akong alam sa pulitika. May iba pa bang choice?" tanong ng Demonyo kay Satan.
"Well kung gusto mo bumuo ka ng kulto, maging faith healer ka o kaya manghuhula!" sagot naman ni Satan.
"Mukhang mahirap po 'yun. Wala po bang madali? Yung parang easy as 1-3-4 at A-D-C. Teka, mali yata 1-2-4 yata 'yun," sabi ng Demonyo at sinisisi ang sarili kung bakit absent sya sa school nang ituro ang mga yun.
"Well I see the problem. Nakakapagtakang nandito ka. Alam mo bang karamihan ay mga matatalino pa ang napapadpad dito?" sabi naman ni Satan sa Demoyo."Wala na po bang pag-asa?" tanong ng Demonyo.
"Meron naman. Ipupunta kita sa earth at bibigyan ng misyon. Kailangang magdala ka ng isang bata, siguro teenager. Dadalhin mo siya rito sa Impyerno," sagot naman ni Satan.
"Paano?" tanong ng Demonyo habang pilit inaalala kung itinuro rin ba 'yun sa school at absent na naman siya.
"Hindi mo naiintindihan. Kung paano ka nakarating dito, ganun din ang ipapagawa mo sa kanya," sabi ni Satan.
"Kailangang magpakamatay siya?" tanong ng Demonyo.
"Tama! Bibigyan kita ng codename; parang Matrix, para astig habang nasa misyon ka. Ikaw ay si CINOMED!" sabi ni Satan.
Tumayo ang Demonyo sa gitna ng kwarto at unti-unting umaakyat papuntang earth.
"Lalabas ka sa Bermuda Triangle Maghasik ka ng lagim, Cinomed! BWAHA- HAHAHA! BWAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHA!" as usual tumawa na naman si Satan.
At ngayon, si Cinomed ay papunta na sa earth para maghasik ng lagim.
BWAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHA! Sounds familiar?

BINABASA MO ANG
LOKAKOHAN
Teen FictionBadtrip na lovelife, nakakasawang buhay, eto na marahil ang buhay ng karamihan, tulad ni Celso. Ngunit ang lahat ay biglang magbabago dahil sa isang hindi inaasahang pagti-trip ng Kapalaran. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao upang mahanap ang t...