XII - Nakapag Fast And The Furious Ka Na Ba?

43 2 0
                                    


LOKAKOHAN (Chapter 12)

[16:00]

Kapag may usok, may apoy. Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may happenings, may tsismis. Kaya naman nagkumpulan ang mga tsismoso at uzusera in all ages sa labas ng isang bangko kung saan may holdapan na nagaganap. Kitang-kita nila Drew, Cilegna at Jessa kung papaanong lumabas ang holdaper na dala-dala ang hostage nitong si Celso. (Dear Reader: Wag na magtaka.)

Naalala ni Drew na pumunta lang sila sa bangko para makiusyoso dahil sabi ni Cilegna may shooting daw dun si Michael Jackson. Sa huli na lang narealize ni Drew na naging utu-uto na naman siya.

"Pwede nyo bang ipaliwanag sa akin kung anong nagaganap?" nakatulalang tanong ni Jessa habang nakatingin sa holdaper na bitbit si Celso sa di kalayuan.

"Bulag ka ba? Tingnan mo mabuti, nakidnap si Celso at ngyon hostage na sa bangko!" sagot naman ni Drew kay Jessa. " Naman kasi, napaka obvious na eh,"

Tumingin ng masama si Jessa kay Drew at tumahimik ito.

"Kailangan natin mailigtas si Celso," sabi naman ni Cilegna.

"May baril ang kidnapper.Paano natin sya malalapitan?" tanong ni Jessa.

"Malamang maglalakad tayo papunta roon. Ano ba naman yan obvious na eh. Ano gusto mo lilipad tayo? Ano ka airplane?" sabi ni Drew na nakitang unti-unti na naman umaapoy ang mata ni Jessa. "Peace?"

"Maghihintay tayo ng tamang tiyempo," sagot naman ni Cilegna habang bumagsak naman sa lupa si Drew dahil sa pagsuntok ni Jessa.

Balik kay Celso at sa kidnapper/ holdapper na mabaho ang kili-kili. Tuwang-tuwa si Totoy dahil sa wala man lang kahit isang pulis ang naghhintay sa labas ng bangko. Puro mga uzusero at mga chikadora lang ang naroon.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" halakhak ng tirador ng mga bisaya na kidnapper at napapikit sa tuwa. Pagdilat niya ay napapalibutan na ang buong bangko ng mga police cars.

"Akala ko walang kwenta ang mga pulis sa Pilipinas?"naguguluhang tanong ni Totoy kay Celso matapos Makita ang mga police cars.

"Akala ko rin eh. It's a miracle," pagsang-ayon ni Celso na nagulat din.

"Pero hindi ako magpapatalo. Pumasok ka sa kotse," utos ni Totoy kay Celso sabay tulak kay Celso papasok sa kotse at handa nang tumakas.

"Ano ng gagawin natin? Pinasok na si Celso sa kotse!" sabi ni Drew sa kalayuan at pinagmamasdan ang nagaganap.

"Kailangan natin silang sundan," sabi naman ni Cilegna.

"Hostage na naman si Celso. Sa lahat naman kasi ng hobby, bakit iyun pa ang napagtripan nya. Paano natin sya liligtas? PAANO? PAANO???" at sumigaw na si Drew.

"Kailangan natin ng kotse para masundan sila. Kaiangan natin magplano para mailigtas si Celso. Drew wag ka magulo. Pwede bang tumahimik ka!" sabi ni Jessa na nauuubos na ang pasensya kay Drew.

"KAILANGAN MAGPLANO! KAILANGAN NG PLANO! BASTA WAG MAGPAPANIC! WAG MAGPANIC! WAG TAYO MAGPANIC!!!" natataranta at di mapakaling sigaw ni Drew.

"Drew tumahimik ka!" sabi ni Jessa kasunod ng sabay na pagsampal sa magkabilang pisngi ni Drew at tumumba sa lupa. Knockout ang loko!

"Ito ba?" tanong bigla ni Cilegna at itinuro ang isang kotse na bigla na lamang lumitaw sa harapan nila. "Masusundan na natin si Celso at ang holdapper."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOKAKOHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon