VI - Ang Mall Ay Hindi Bahay Pero Libre Ang Aircon

41 5 1
                                    


Lokakohan (Chapter 6)

(13:55)

Sa isang mall na puno lagi ng tao para sa libreng aircon at ilang free taste, na tambayan ng mga manloloko at ilang estudyante na nagka-cutting classes, ay narito ang ating bida. Walang pakialam si Celso sa mga ito. Meron siyang misyon na dapat gampanan. Isang misyon na worth dying for.

Samantala busy naman si Cinomed sa pagtingin sa mga X-rated na pelikula sa sinehan. Nakakita rin sya ng isang congressman na kasama ang kabit nito na nagsa-shopping. Sa di naman kalayuan ay naroon ang tunay na asawa ng congressman kasama naman ang dance instructor nito sa ballroom. Parehas silang pupunta sa isang resto kung saan magaganap ang bistuhan scene.

"Nice place ang napili mo, bro. Akalain mong dito ka pa sa mall magpapakamatay. Sosyalero kang bata ka, dito ka pa sa Glorieta," sabi ni Cinomed habang tinitingnan ang bangayan ng congressman at asawa nito.

"Pwede ba wag ka masyadong maingay," sabi ni Celso kay Cinomed.

"If I know kaya gusto mo rito kasi gusto mo maging sikat. Imagine, ikaw ang kauna-unahang teenager na nagpakamatay sa mall sa Philippine history," sabi ni Cinomed kay Celso.

Di na pinansin ni Celso si Cinomed, lumilipad na naman ang utak niya. Iniisip niya na sayang, aalis na siya sa mundo nang 'di man lang nakikitang umaahon sa kahirapan ang Pilipinas.

Biglang may tumunog, ringtone. Nasira ang pagse-senti ni Celso. Kinuha ni Cinomed ang cellphone niya.

"Ano yun? 'Teach me How To Dougie' ang ringtone mo?" tanong ni Celso out of curiousity at umupo sa isang bench. "Uso pala cellphone sa inyo?"

"High-tech na kami ngayon. Every week nagpapalit kami ng ringtone. Last week 'Wrecking Ball' ang ringtone namin," sabi ni Cinomed na umupo na rin sa bench at sinagot ang tawag sa cellphone.

"Hello! Sino 'to? Busy ako ngayon. Sorry 'di ako pwede makipag-eyeball ngayon," sabi ni Cinomed sa kausap sa phone.

"Asaness ka, si Monde 'to" sagot ni Monde sa kabilang linya ng phone.

"Astig pare, musta na? tagal na natin 'di nagkita, miss na kita kaagad. Mga isang oras na rin ang lumipas. How's life?" tanong ni Cinomed kay Monde na parang matagal nya nang kakilala at ilang taon nang di nakikita.

"Mabuti naman ako at heto mapera na naman dahil naipadeliver ko na ang mga drugs sa isang congressman. Wait, 'di yun ang dahilan ng pagtawag ko. Nakakita ka na ba ng target mo?" tanong ni Monde at iniba ang usapan.

"Oo naman ako pa! Itong target ko, ayos lang buhay pa. Wag ka mag-alala hindi na rin naman ito magtatagal" sabi ni Cinomed na humuli sa atensyon ni Celso.

"Good. Pero may malaki kang problema. Naalala mo ba ang babala ko sa iyo? Ang nasabing agent galing sa 'Heaven Forces' ay nagsisimula nang gumawa ng counter plan para sa iyo," sabi ng seryosong tono ni Monde.

"Talaga? Anong pangalan ng pangahas?" tanong ng nagseryo na rin na si Cinomed.

"Ang pangalan niya ay............." Sabi ni monde na talagang seryoso na.

"Sino?" tanong ni Cinomed na maiihi na yata sa suspense.

"Siya ay si -----------------" di na natuloy ni Monde ang sasabihin dahil naputol ang linya.

"Whattaness na cellphone yan, kainis!" sambit ni Cinomed sa pagkainis at pagkaputol ng suspense.

"Anong nangyari?" tanong ni Celso kay Cinomed. "Na-lowbat ka ba?"

"Naubusan ng load ang kausap ko. Nagtataka ako ang yaman-yaman niya hindi siya magpa-line, prepaid card pa rin ang gamit." sabi ng dismayadong si Cinomed.

LOKAKOHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon