Entry #1

3.5K 32 7
                                    

PUGAD NG PAG-IBIG

Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?
Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad
Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,
Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,
Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon