TAAS-KAMAY
Usapang matino sa 'tin 'di uso.
Munting usapan tungong argumento.
Mga gawi at ideyang nagbubunggo,
Pilitan man 'di tal'ga magkasundo.Batuhan ng maanghang na salita,
Pambungad sa t'wing magkikita.
Matatalim na titig ng mga mata,
Sa isipan ika'y pinapatay na.Anila, tayo'y tila aso't pusa,
Tubig at apoy; 'di pwede magsama.
Ako ang s'yang langis, ikaw ang tubig,
'Di magtugma, ano pa sa pag-ibig?Sa gitna ng ating gyera, nadapa,
Natigilan at tunay na nabigla!
Sa puso tila yata may nag-iba?
Oh, Diyos ko! Huwag naman po sana!Realisasyong sa 'king ibinato,
Nanaisin pang mataga ng bolo.
Nang mga sandaling yaon napagtanto,
Ako pala sayo'y nagkakagusto!Buwan, lumipas; pagtangi, lumalim,
Pagsinta pa rin sa'yo kinikimkim.
Tunay ngang hindi 'to nakakaaliw,
Tama na! Ako yata ay mababaliw!Itong pagsintang hindi napapansin,
Iyong matang sa iba nakatingin.
Iba ang mga kislap; iba ang ningning!
Ikaw nga'y kailangan ng limutin.Aking aminin man, 'di magbabago,
Tanging dilag -- hawak ang iyong puso.
Taas-kamay; ako'y natalo,
Larong simula'y siya na panalo.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga Likhang Tula tungkol sa pag-ibig na nawala at naibalik. O isang tulang nabigong pag-ibig at hindi naipagtapat.