PANUNTUNAN (Mechanics):
1) Makalikha ng isang tula sa wikang Filipino/Tagalog.
2) Ito ay may kabuuan sa minimum na apat (4) saknong (stanzas) na may apat (4) na linya o taludtod (lines) sa isang saknong. Ito ang sa inaakala kong madali para sa lahat.
3) Magkatulad ang rima (rhyme) sa bawat dulo ng dalawang linya.
4) Ito ay nasa sukat o nakametro. KUNG HINDI NAKA-METRO O HINDI NAKASUKAT, MAAARING IBALIK SA INYO UPANG AYUSIN AT MAIBALIK SA TAMANG ORAS NG DEADLINE. KUNG HINDI BABAGUHIN, AUTOMATICALLY DISQUALIFIED.
5) Kailangan ay mayroong bantas na gagamitin katulad ng kuwit (,), tuldok (.) upang maging maayos ang pagbabasa sa bawat linya hanggang sa kabuuan ng tula.
6) Hanggang maaari ay puntuhan ang paraan upang mangyari ang balaking pagbabago.
7) Ang lahat ng lahok na ipapasa ay kailangang bagong gawa at hindi pa naipapaskil sa wattpad o saan mang website na katulad nito.
8) Ang lahat na lahok ay ipapasa sa private message ng CBC_2015.
9) Anomang tula na ipinasa na ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin. Ang copyright ay nananatili pa rin sa orihinal na manunulat.
10) Ang maaaring sumali ay ang mga miyembro lamang ng CBC na nakapagrehistro sa Best Ten Poets at kasali sa pairings.
MAHALAGA: KAILANGANG SUMUNOD SA TEMA UPANG MAIWASAN ANG MALAKING PUNTOS NA BAWAS.
Para sa lahat na nagparehistro ng best ten poets, please add our FB Group : The Best Ten (CBC) for updates.
PAMANTAYAN (Criteria):
Pamagat: 10% - Minsan, gaya ng sa isang kuwento, sa pamagat pa lang ay umaakit na sa mambabasa.
Katawan ng Tula: 30% - Ito ang kabuuan ng tula na magpapakilala ayon sa pamagat.
Mga salitang ginamit: 30% - Bokabularyo ang pangunahing makikita. Maraming salitang hindi umuulit, mas malaking puntos ang makakamit.
Indayog at Ritmo: 20% - Mga kumbinasyon ng salita, sa pagkakasunud-sunod, at may mga puntong tila duyan na umuugoy.
Akit ng Tula: 10% - Sa pambungad pa lamang ay mahahatak ka na ituloy na basahin ito at hindi mangingiming tapusin.
PREMYO:
First Prize - 100 pesos load + 20 chapters flood votes
Second Prize - 60 pesos load + 20 chapters flood votes
Third Prize - 30 pesos load + 20 chapters flood votes
MGA ESPESYAL NA GANTIMPALA
Tangi ng Isponsor - 30 pesos load + flood votes (10 chapters)
Tangi ng mga Huwes - 30 pesos load +flood votes (10 chapters)
Tangi ng mga Admins - 30 pesos load +flood votes (10 chapters)
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga Likhang Tula tungkol sa pag-ibig na nawala at naibalik. O isang tulang nabigong pag-ibig at hindi naipagtapat.