PAALAM
Kung ngayo'y ito ay iyong nababasa,
Baka nangyari na ang nakatadhana.
Patawarin mo sana aking nagawa,
Dahil ikaw ay naiwan kong mag-isa.Gusto ko sanang magpaliwanag sa'yo,
Dahil ang pag-ibig mo'y tinanggihan ko.
At kahit pa ikaw ay nasasaktan ko,
Hindi ka pa rin nawala sa tabi ko.Ang totoo'y bihag mo rin ang puso ko;
Sa'yo lamang umiikot ang mundo ko.
Noon ay hindi ko lang masabi sa'yo,
Ang puso mo'y madudurog ko ng todo.Matagal ko itong itinago sa'yo,
Na tadhana'y nakaukit na sa bato.
Natatakot kasi akong malaman mo,
Iilang araw na lamang ang buhay ko.At ngayo'y nagpapaalam na sa iyo,
Masayang alaala ang pabaon mo.
Kung saan man ang huling hahantungan ko,
Ngiti mo'y nakatatak na sa isip ko.Marahil ako ngayo'y namayapa na.
Kaya ito'y maaga kong inihanda.
Para kahit na sa tabi ko'y wala ka,
Masabi ko sa iyo na mahal kita.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga Likhang Tula tungkol sa pag-ibig na nawala at naibalik. O isang tulang nabigong pag-ibig at hindi naipagtapat.