Entry #4

1.8K 13 4
                                    

PUSONG MARTIR

Nasaan na ang iyong pangako,
Na ako lang ang mamahalin mo?
Bakit mo hinayaang mabigo,
Ang pag-ibig na iyong binuo?

Dati'y araw ka sa 'king umaga,
Bituin sa langit sa 'king gabi,
Ngayon ika'y hindi na makita,
Dahil wala ka na sa 'king tabi.

Hanggang kailan kita hihintayin?
Bumalik ka na sa aking piling.
Kahit sinakta'y mahal ka pa rin,
Nitong pusong nagpapakamartir.

Isang araw, ika'y nagpakita,
Mahal ko, alam kong babalik ka.
Sa harapan ko'y ika'y lumuhod,
Binigkas ang salitang, Patawad.

Ngayon tayo'y muling magkasama,
Gaya ng dati'y tayo'y masaya.
Kung sakaling muli'y iiwan mo,
Asahan mong maghihintay ako.

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon