HIRAM NA ALAALA
Halik. Tila ba't kay tamis, o ka'y sigla.
Sa bawat pagpikit ng kanilang mata,
puso'y nagdaop sa humpay ng segundo
Ala-alang tangan sa tangi nyang mundoYakap. Sa gabing panglaw, tila ba'y yungib
Ito'y init na bumulaslas sa dibdib
Dibdib na hinulma upang maging isa
Sayong yakap ay tuluyang payapaSalita. Bawat pag-amin ng 'yong labi,
oh sa ngusap ng mata mo'y nabighani,
paghinga'y nasantabi't tila ba pipi,
sayong sambit "Mahal kita hanggang huli"Halik, yakap, pag-amin ng iyong puso
Ka'y tamis, ka'y init ng bawat pagsukbo
Kay sarap damahin, ano pa't lasapin
Nais angkinin, sana ikaw ay akinIkaw, siya, at ako na dumudungaw
sa matamis nyong mundo't saking palahaw
Sa agos ng pagkakatao'y nangamba
Ngayo'y nagtitiis, sa aking parusa
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga Likhang Tula tungkol sa pag-ibig na nawala at naibalik. O isang tulang nabigong pag-ibig at hindi naipagtapat.