TUNAY NA PAGMAMAHAL
Text, unang nakilala't nakakwentuhan,
Tuwa at kulita'y sa'yo naranasan.
Tawag, mapang-akit mong boses narinig,
Taranta sa tinig na nakaiibig.Pier, ngiti mo'y aking unang nasilayan,
Puso'y ramdam tunay na kaligayahan.
Parke, lugar tayo ay unang namasyal,
Puso'y bilis tibok, utak ko'y bumagal.Pagmamahalan, sa 'tin ito'y dumatol,
Pigilan man puso'y patuloy pagtambol.
Pangako, pait at tamis 'kaw at ako,
Pag-ibig tumatagal tumibay lalo.Hiwalay, bigla sa 'tin nais mangyari,
Hangad ng magulang sa ikabubuti.
Sanggol, sa 'tin pumigil at umuugnay,
Salamin ng pag-ibig natin na tunay.Ina, sa kanya'y lumuhod at umiyak,
Inamin ang iwan kami'y hindi tiyak.
Ama, sa kanya'y humingi ka ng tawad,
Ako'y galak pagkat ika'y napatawad.Salamat, at ako'y iyong pinaglaban,
Salamat tayo'y muling nagkabalikan.
Ngayon, alay sa 'yo tulang ginawang 'to,
Nagpapasalamat sa pagmamahal mo.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga Likhang Tula tungkol sa pag-ibig na nawala at naibalik. O isang tulang nabigong pag-ibig at hindi naipagtapat.