ANG PINILI
Nang minsang ginawa mo na ang lahat,
Pero hindi pa rin pala sapat.
Kahit alam mong hindi ka karapa't dapat,
Nagawa mo pa ring magtapat.Noong nabigyan ka ng pag-asa,
Nangako kang hindi siya magdudusa.
Kahit tadhana'y hindi magawang mabasa,
Umiikot sa tanong na; "Ako ba talaga at siya?"Ang matamis na sagot ay naibigay sa yo,
At, doon nagtapos ang iyong panunuyo.
Ito na ang relasyon niyo,
Magmamarka na ang salitang 'kayo'.Ngunit, ang buhay ay sadyang mapanubok.
Kailangan mong kumain ng maraming alikabok.
Ito ang sakit na sa puso mo'y tuturok,
Ihanda mo ang mga binti mong rurupok.Ito ang tanda ng kanyang pang-iiwan,
Nasaktan ka dahil siya ay lumisan.
Panghahawakan mo ang masaktan,
Ni wala siyang iniwan na dahilan.Pero dahil nakakatuwa ang tadhana,
Bumalik siya at pinili ka niya.
Dahil sa yo siya masaya,
Tatangihan niya ang lahat ng magiging mana.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoesíaMga Likhang Tula tungkol sa pag-ibig na nawala at naibalik. O isang tulang nabigong pag-ibig at hindi naipagtapat.