Ito na nga yung sinasabi ko. Bumalik nanaman si Ivan sa buhay ko. Babalik nanaman yun dating ako, na hindi maka-move on sa t'wing nasisilayan ko siya. Para bang ayaw ko nang mawalay sa kaniya, gusto kong subukan na mahalin ulit siya, gusto kong ipaglaban yung feelings ko para sa kaniya, at gustong-gusto ko padin talaga siya. Pero ano na nga bang magagawa ko? Ikakasal na siya.
I can't get over from that horrible girl kanina. Ang sarap buhusan ng asido. Tama sila, sa teleserye lang nangyayari yung iiwanan, tapos babalikan. Ivan, dapat mong layuan yang babaeng iyan, hindi siya yung para sayo, at walang iba kundi ako.
Habang nakahiga ako sa tabi ni Francois, at habang siya'y tulog, pinagmasdan ko ito. Ngayon ko lang din napagtanto, na kamukha pala ito ni Ivan noong bata pa siya. Hinimas ko ito sa ulo, hanggang ngayon, hindi ko alam kung papaano ka sasabihin sa kaniya paglaki niya na kung nasaan ang ama niya. Alam kong mahirap mamuhay ng walang ama, "Anak, sorry. Sorry.. kung nagkakaganito tayo. Anak sorry kasi.. naging selfish ako, wala akong pakielam sa kung anuman ang nasa paligid ko, sige ako ng sige. Anak sorry, dahil unexpected kang nabuo, ni hindi nga natin alam diba kung sino yung tatay mo? Pero anak gagawin ko ang lahat para mahanap ito. Pangako ko anak, mahal na mahal ka ni mommy lagi mong tatandaan ha."
Iba yung feeling ng may anak, handa kang gawin ang lahat para sa kaniya. Bilang isang mabuting magulang para sa kanila, hindi mo hahayaang maging malungkot sila.
May tumawag bigla sa phone ko, hindi ko sana sasagutin kasi bad mood ako ngayon, pero dahil si mommy ito, dali dali ko itong kinuha. "Mom" sabi ko, "Oh , kamusta ka naman diyan? Nagpadala na ako ng pera para sa apo ko. Sige na't busy kami eh." Sabi ni mommy na tila nagmamadali. Si mommy talaga, kahit kailan.
Nag-ring nanaman yung phone ko, hay.. ano nanaman problema ni Mommy. "Hello mommy! Bakit po? Opo okay ako." I said in a little high pitched voice. "Mommy?" may sumagot na lalaki na parang may pagtataka, teka baka si Dad,"Oh dad, napatawag ka yata?" Sabi ko. "Dad? It's me, Ivan"
Napamura ko bigla nang dahil sa narinig ko, totoo ba si Ivan? Tinignan ko yung pangalan nung contact, si Ivan nga. "Ivan? Oh bakit ka napatawag?" Tanong ko, nanumbalik yung kalumbayan na nararamdaman ko. "Yes, Ivan Agoncillo. Ah wala.. kakamustahin ko lang. Pwede ka ba ngayon?" Sabi niya. Si Ivan kakamustahin ako? Mukhang nananaginip na ako. At anong ibig sabihin niya kung pwede ba ako ngayon? "Ah o-okay n-naman. Oo naman." Sabi ko, na medyo nauutal-utal pa. "Nasa labas ako ng bahay niyo." sabi niya. Really? Sumilip kaagad ako sa bintana. At oo, he was there. Pinapasok ko siya dahil hatinggabi na at nasa lansangan pa siya.
Umupo kami sa may sala, inalok ko siya ng makakain, pero ayaw niya, gusto niya lang daw makipag usap. "Sabi mo kanina diba na okay ka? Sa tingin ko hindi, you know Katrissa, listen up. Alam kong.. bad mood ka nanaman kanina. Bakit may mali ba sa mukha ko't nagbalak ka na lumisan kaagad?" Ni hindi manlang ako nairita sa mga sinasabi niya, gusto ko lang makinig sa boses niya. "Ah e ako ba? Kaya ako umalis kasi kailangan nang uminom ng gamot nung bata, medyo may sinat e." Pagsisinungaling ko. Hindi ako desedidong magpahalatang nagseselos ako dahil wala na akong karapatan. "Ah.. ganun ba. Pero, mukhang okay naman yung bata kanina ah. At nasaan ba siya?" Sabi niya. Nako ano bang isasagot ko dito, baka madulas ako. "Ah e.. nasa taas, tulog. Ah e kasi ano e.." Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko, hindi ko kayang magsinungaling sa taong mahal ko. "Ano nga? Sabihin mo na yung totoo, promise, I wouldn't be mad at you, whatever you say." Noong times na iyon. Hindi ko talaga alam kung sasabihin ko ba o hindi, pero sabi ko sa sarili ko,
Tama na, ayoko na, hindi ko na kayang magtago't magsinungaling pa dahil mahirap na
Oo, mahirap na talaga eh. Maluluha ka nalang sa sobrang hirap. Kaya, buo na din yung desisyon ko na ilalabas ko lahat ng hinanakit ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BAYARAN #WATTYS2016
Romance[ C O M P L E T E D ] A short story of Katrissa Rodriguez, a promdi girl, from the province of Bulacan, who's physically and mentally attracted to drugs. Because of overkilling herself, naubos ang pera niya, ni-sustento ng magulang niya, wala. Kaya...