Unexpected yung mga nangyayari saakin ngayon. Nagmukha tuloy teleserye ang buhay ko ng dahil sa lalaking iyon. Sana may karapatan akong agawin sa kaniya si Ivan. Hindi ganoon kadaling agawin si Ivan kay Solenn dahil ikakasal na sila. Oo si Ivan, kaya niyang hiwalayan si Solenn, pero si Solenn kaya? Kayang i-let go si Ivan? Gagawin ko ang lahat upang unti-unti kong maagaw si Ivan.
After nung nangyari noong gabing iyon, I felt so sick. Hindi padin maalis sa isipan ko yung sinabi ni Ivan na,"Mahal na mahal ko kayo ng anak natin, at maari naman tayong magsimula muli diba?", oo maaari pa, pwedeng-pwede pa.
Laking gulat kong may nag-text nanaman saakin, pero number lang yung sender, "Layuan mo lang si Ivan kung ayaw mong magkagulo tayo." Na-curious tuloy ako. Sino lang ba yung magsasambit saakin ng ganoon kundi si Solenn. Baakit? Sa anong dahilan? Bakit niya nakuhang sabihan ako ng ganoon? So I quickly replied to her, "For what reason? And what are you talking about, Solenn?" nagkamali siya ng pinagbantaan.
Simula noon, hindi na siya nagreply. Hindi ko din alam kung bakit, sa tuwing nakikita ko siya, para bang gusto niya kong lusawin sa sobrang sama ng pagkakatitig niya saakin.
Ginawa lahat ni Ivan para makipagayos at mapalapit lang sa anak namin. Kaya lagi siyang bumibisita sa bahay, kasama si Solenn. Hindi ko siya pinapansin, ngunit unti-unti na ding nagkakalapit ang loob ng mag-ama. Sobrang close na nila na parang nagkasama na sila simula pa noong iniluwal ko yung bata.
Minsan, hinihiram niya yung bata para igala, pero ako hindi ako sumasama, dahil lagi din nilang kasama si Solenn. Nainis ako kay Francois nung once na tawagin niyang mommy si Solenn. Kaya simula noon e hindi ko na pinayagang sumama muli yung anak ko sa kanila.
So halos linggo-linggo bumibisita yung dalawa sa amin para lang kay Francois, pero ito ang pagkakaalam ni Solenn, dahil unti-unti nadin kaming nagkakamabutihan ni Ivan. Minsan nga e hindi na niya isinasama si Solenn.
Pero habang tumatagal, nakakahalata nadin si Solenn. Hindi na siya pumapayag kapag ayaw itong isama ni Ivan. Since that day, nagsimula na siyang magpakita ng attitude, yung tipong pinariringgan niya na ako. "Babe, hindi ka ba nagsasawa dito, manong si Francois nalang ang dalin natin sa bahay, nakakaumay na eh." Sabi ni Solenn na siyang ikinainis ko. "Babe naman." Sabi ni Ivan. Napangiti nalang ako. Kahit anong sabihin ni Solenn saakin, basta ipagtanggol ako ni Ivan, okay na ako.
One time, nagluluto ako sa bahay dahil doon daw sila magdi-dinner. Habang nagsasaya yung mag-ama sa sala, bumungad naman si Solenn sa tabi ko. "Ahm, ano yang niluluto mo?" Tanong niya. Nginitian ko muna siya bago ako sumagot, "Ah adobong baboy. Wala na kasi akong ibang panahog kaya ito nalang yung niluto ko." Sagot ko, nagpp-plastic-plastikan nalang ako para hindi na magkagulo lalo na't nandito si Ivan.
Mas lumapit si Solenn saakin, at hinawi yung buhok ko. Si Solenn, ang pagkakaalam ko, is a half-pinay half-american, di hamak na mas matangkad siya saakin. At muli, siya'y nagsalita, "Kung dagdagan kaya natin ng mas maraming paminta 'yan? Para perfect, hindi ba?" Sabi niya, ayoko ng away, wag ngayon ag nandito yung mag-ama ko. "Ahm Solenn, please, 'wag dito."
"Wag dito? Iba ka rin 'no? Bakit ka ganiyan? Akala mo hindi ko napapansin?" She said in a high pitched voice. Ayoko, nagpipigil ako ng galit. "Solenn, nakikiusap ako." Pagmamakaawa ko. "Nakikiusap? Tama na Katrissa, tama na ang pagpapanggap, alam mo kala ko ang bait-bait mo, pero nakaka-shit lang." Sabi niya, sinisigawan niya na ako, nakakapanira na ng pagkatao. "Solenn.." pasalamat siya't wala talaga ako sa mood na makipagaway sa kaniya. Alam kong ako yung mali, 'yon nga ang sinasabi ko kay Ivan, na habang nagkakamabutihan na kami, may nadadamay namang iba.
"Alam mo Katrissa, nanghihimasok ka na ng buhay ng may buhay e. Katrissa, hindi ko alam kung bakit nagkaganyan si Ivan simula noong nauwi kami dito. At ang suspense ko ay, lahat ng iyon ay dahil sa'yo. Please Katrissa, hayaan mo na kami, tahimik na kami oh *ipinakita niya yung proposal ring niya na nakasuot sa daliri niya*" sabi niya, ayokong umiyak, ayokong magin-arte. Ako lang kasi yung magmumukhang kawawa dito e.
"Solenn listen up, *huminga ako ng malalim*, may alam ka ba't ganiyan ka makapagsalita? Solenn, mahal ko siya, at alam kong mahal din niya ako. Maniwala ka man o hindi e kaya kang hiwalayan ng future husband mo, maaaring hindi matuloy yun kasal niyo dahil lamang sa nararamdaman ng fiancé mo para sa akin. I'm sorry to say that, pero 'yon ang totoo." Sabi ko, hindi na mapigilang tumulo ng mga luha ko, dahil alam ko sa sariling kong dapat kong ipaglaban kung ano ang para saakin.
"Ang kapal mo din ano? Ang lakas nang loob mong sabihin yung mga ganiyang bagay? Isa kang ahas! Alam mo ba yung mga pinagaasabi mo? At bakit? Anong maghuhudyat sa kaniya na iwanan niya ako? Meron ba? Patunayan mo Katrissa?" Sabi niya, she grabbed my hand, at hinawakan niya ito ng pagkahigpithigpit.
"Oo meron! Dahil siguro mahal niya ako, at higit sa lahat, dahil siya... ang ama ng bata." lakas loob kong sinabi, tinanggal niya ang kaniyang kamay sa pagkakahawak saakin.
"What?" Sabi niya na tila walang masabi, at bigla din siyang naiyak.
"At hindi ko kasalanan kung bakit nagka-anak kami Solenn. Huwag kang magalit, dahil wala ka pa nung mga araw na kay saya saya namin. Solenn, hindi ko alam na hahantong ako sa ganito, at I never thought na babalik siya sa akin. Please, give us a chance na maging masaya ulit. Solenn, nagmamakaawa ako, tanging ang fianće mo lang ang muling magbabalik ng ngiti sa mukha ko. Sana maintindihan mo ako." Sabi ko, lumuhod na ako sa harapan niya kagustuhan kong maayos na ang lahat.
"Katrissa, sana maintindihan mo din ako, tao din ako, nasasaktan. Hindi na ganoon kadali hiwalayan si Ivan lalo na ngayo't mas napalapit na ako sa kaniya."
"Hindi mahirap Solenn, duwag ka. Dapat mong ipaubaya yung mga taong may halaga sa iba."
"You should stop your argument, please, nakakahiya sa bata oh." Sumingit si Ivan, kasama yung bata. "What is this all about ba?" Tanong ni Ivan.
"Ivan, isa kang sinungaling! May itinatago ka pala saakin na hindi ko alam, please tell me that it's not true, please babe." pagmamakaawa ni Solenn kay Ivan.
"Babe, listen up, I-im sorry. I didn't meant this to happen. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, you, both of you, ako yung may kasalanan kung bakit tayo nagkakaganito. Ang tanga ko kasi talaga eh, hindi ako nag-iisip. You know, pareho ko kayong mahal, at hindi ko alam kung sino yung pipiliin ko. Solenn, babe, she was right, Francois is my son, our son. And I really love them both."
Ngayon ko lang na-realize, na nahihirapan din pala si Ivan. I'm sorry Ivan, ipinaglaban lang kita. Masama ba 'yon? Ivan, sadyang napamahal ako sa iyo ng todo kaya nagkakaganito ako. Sabi nga nila, love isn't complicated, but people are. Tama nga naman, walang mali sa pagmamahal, kaso.. nagiging komplikado ito nang dahil saatin. Alam mo Ivan, kung tutuusin, ang swerte mo kasi may nagmamahal sa'yo na tulad kong ayaw ka nang pakawalan pa.
"Ivan, please hayaan mo muna kaming mag usap, aayusin ko ang lahat." Sabi ko. Tuluyang lumisan si Ivan kasama yung bata.
Habang umiiyak si Solenn, hinawakan niya yung mga kamay ko't sabay nagmakaawa, "Katrissa, please naman o. Nagmamakaawa na ako, hayaan mo na kami ni Ivan. Tahimik na kami, kaso nung dumating ka, naguho muli yung pagsasama namin. Hindi ko na din alam kung papaano na ito ngayon. Katrissa, intindihin mo naman ako, you know, he's my first boyfriend since then, at magandang panimula saakin na kung iisipin e ikakasal kaagad kami. Kaya kong gawin lahat Katrisaa, ipaubaya mo lang saakin si Ivan." Sabi niya, "Please Katrissa."
"Tama ka, naiintindihan kita Solenn, pareho lang tayong nagmahal at minahal. Tignan mo ako, may anak na ako. Kaya ko lang naman ipinaglalaban si Ivan, kasi.. ayokong lumaki ang anak namin ng walang kinikilalang ama. Magiging masakit para sa kaniya ito. Hindi ko din alam kung papaano ko siya papalakihin ng mag-isa. Sabi ko sa sarili ko noon, na hahanapin ko yung ama ng bata hanggang sa makakaya ko. Pero, ngayon, nandyaan na si Ivan, kaya ayaw ko nang pakawalan pa." hindi ko alam kung papaano ko ipaglalaban si Ivan mula kay Solenn dahil pareho namin siyang mahal, at pareho kaming nasasaktan sa mga nangyayari.
"Katrissa, may nabanggit na sa iyo si Ivan?" Tanong niya na siyang ikina-curious ko. "Ah wala naman, bakit? May itinatago din ba siya saakin?" Tanong ko din sa kaniya.
Nanghina ako ng dahil sa sinabi niya, nawalan na ako ng pagasa pa. Na-guilty ako sa mga pinaggagawa ko. Nakonsensya ako sa mga sinabi ko. Natanggal sa pagiisip ko yung ipinangako kong ipaglalaban ko si Ivan noong sinabi ni Solenn na,
"Katrissa, I am pregnant."
-
Im sorry to say pero mukhang ilang chapter nalang matatapos na tong kwentong ito. Para makabawo kayo saakin, hit the vote button nalang. Salamat.
BINABASA MO ANG
BAYARAN #WATTYS2016
Romance[ C O M P L E T E D ] A short story of Katrissa Rodriguez, a promdi girl, from the province of Bulacan, who's physically and mentally attracted to drugs. Because of overkilling herself, naubos ang pera niya, ni-sustento ng magulang niya, wala. Kaya...