Sorry medyo natagalan sa pag uupdate. So eto na yung chapter 2. Sana magustuhan niyooooo
-
Wala akong kaalam-alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Yung tipong gusto ko nang bumitaw, mukhang wala na kong pag asa. Sabi nga nila, whatever happens, life must go on, pero sobra naman siguro 'to, hindi naman yata makatarungan 'tong nangyayari saakin.
Sana kaya kong ibalik yung nakaraan.. yung dati, yung tipong kapag wala akong candy, doon lang ako iiyak, doon lang ako masasaktan. Yung dating.. nakukuha ko lahat. Pero lahat ng iyan, puro nakaraan, nakalipas na, na tila hindi ko na maibabalik pa.
Sometimes, napapaisip ako kung bakit napaka unfair naman ng mundo saakin, na sa dinami-rami ng taong nabubuhay, saakin pa ipinaranas yung ganitong sitwasyon. Ano bang naging kasalanan ko? May dapat ba akong i-tama?
Nagset kami ni Ivan ng time and place. I told him na sa mansyon nalang, kasi I was the only person living in there, wala namang makakakita saamin, and I told him na it's better if none of anyone will know about this, pumayag naman siya.
Habang papalapit ng papalapit yung araw, mas lalo akong ninenerbyos, I feel so uncomfortable, parang gusto ko ulit umayaw. Pero how about me? Hahayaan ko nalang bang mamatay ako sa gutom? Hahayaan ko nalang bang mamatay ako sa uhaw? Hahayaan ko nalang bang maghapon at magdamag eh wala akong gagawin kundi tumunganga? Hindi diba? Miski ikaw, you will never ever put yourself to any kind of danger.
Binigyan niya muna ako ng allowance for 1 week, para kahit papaano daw eh may panggastos ako. He's as good as hell. Kahit papaano concern siya sa akin, kahit papaano pala eh may nakakaalala pa saakin. Ivan wrecked my heart, but in a good way, it's very heart warming, very unexpected, kahit ba kamo ganoon si Ivan.
Hanggang sa dumating na yung araw na kailangan ko nang mag-trabaho at kailangan ko nang kumilos. Hindi ako komportable noong araw na iyon, feeling ko katapusan ko na, feeling ko hanggang doon nalang ang kakayanin ko.
Narinig ko na yung pagtunog ng doorbell, at alam kong siya iyon. I told him na mas better kasi kung midnight na siya magpunta, kasi baka biglaang bumisita yung mga yaya ko, este mga bulok kong yaya.
Lumabas ako ng kwartong nakatapis lamang ng twalya. Nanginginig yung mga binti ko, hindi ako sanay ng lalabas ng kwarto habang ganito ang aking itsura.
Pagkabukas ko ng pinto, "Masyado ka namang mabilis", at tumawa siya. Bakit naman ako magiging mabilis? Eh hahantong din naman kami sa ganoong pangyayari kaya naman ganito na kaagad ang itsura ko.
May dala siyang mga alcohols, bihis na bihis siya, he was neatly dressed with red polo, black slacks at naka formal shoes din siya. Hindi mo mahahalatang papasukin namin yung ganitong sitwasyon. Siguro, galing sa trabaho. He grab his jacket, sabay isinuot saakin.
Bakit?
Tanong ko sa kaniya. He just chase me for a while, then suddenly, he smile. Tangina, ang gwapo pala niya. Sa pag-ngiti niyang iyon, mula sa pisngi niya, naglabasan yung nga naglulubugang dimples niya, na bumagay sa hugis at angulo ng mukha niya. Mahahabang mga pilik mata, makakapal na kilay, makinis na mukha, hindi mo siya mapagkakamalang adik.
Ibinaba niya muna yung mga hawak niyang alcohols, at hinawakan niya ko sa aking balikat, "Maupo ka muna." Sabi niya saakin.
Hindi ko alam na may ganitong side pala si Ivan. Hindi kapanipaniwala, dapat nga eh mas ma-attract siya saakin dahil nakatapis lang ako ng twalya, hindi ba? Pero hindi eh, yung sinuotan pa niya ako ng jacket, dahil mukhang ninenerbyos at nilalamig ako noon.
Umakyat ka muna, magpalit ka ng damit.
Napatanong pa nga ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, "Ako?". "Malamang, ikaw lang naman ang kasama ko dito." pabiro niyang sinabi saakin, natawa pa nga ako.
BINABASA MO ANG
BAYARAN #WATTYS2016
Romance[ C O M P L E T E D ] A short story of Katrissa Rodriguez, a promdi girl, from the province of Bulacan, who's physically and mentally attracted to drugs. Because of overkilling herself, naubos ang pera niya, ni-sustento ng magulang niya, wala. Kaya...