6: His unexpected fianće

5.5K 186 16
                                    

Almost 2 years old na si Francois, pero hanggang ngayon, hindi ko padin mapagtanto kung sino talaga ang ama nitong batang ito. Nakalulungkot isiping lumalaki siya habang walang kinikilalang ama. Bakit ba kasi pinasok ko yung ganitong buhay? Kung alam ko lang na ganito yung magiging outcome, I shouldn't let myself not to control my own life. Sige lang kasi ako ng sige. Parang kinalimutan ko na kung sino at ano ba ako dati.

Sa ngayon, may better communication na kami ng parents ko. So ayos na ulit yung company namin. Nagtanong nanaman sila kung bakit ang tagal ko nanamang nawala, I tell them the truth, na I was pregnant that day and I'm scared to tell them that I would have my very own first child.

Malaki din yung galit nila saakin, dahil hindi ko manlang daw ipinaalam sa kanila yung mga kaganapan saakin. So dahil only child ako, medyo natuwa naman sila dahil magkaka-apo na sila. At nagagalit din sila because they were worried, na baka hindi ko naaalagaan yung bata, lalo na't noon eh hindi nila ako nausustentuhan.

They asked me who was his father. Then, naiyak ako bigla. I told them my story, bakit naman daw ba kasi hindi ako humingi ng tulong. Ang problema kasi saakin e, duwag ako. Kapag may nagawa akong mali, magpapaka-selfish nalang ako, kahit hirap na hirap na ako.

Sabi naman sa inyo e, na wala tala akong importance sa parents ko, noong araw na iyon, akala ko saakin sila nag alala, pero sa anak ko pala. Masaya naman din ako dahil natanggap pa nila ako. Sila nga, hindi ko padin alam kung tatanggapin ko sila sa kabila ng lahat. Nung mga panahong wala akong pera pantustos sa sarili ko. They don't even bother to call or text me, hindi sila gumawa ng paraan na makausap ako, palibhasa, masarap na yung buhay niya doon. Ako na nga lang yung nagsubok na tawagan sila, buti naman sinagot. Walang wala talaga ako sa kanila.

Alam niyo, kahit ugali ko, nabago ko dahil sa pinagdaanan ko. Hindi na ako katulad nung dati, na hindi mo mahahawakan sa sobrang arte. Yung mga times na ayaw kong magkayaya para lang mapansin ako nila Mommy. Kahit ano ginagawa ko, mapaalis lang sila lahat. Pero they don't even tried to go back here in the Philippines para saakin. Well, sanayan lang yan. Hindi ko akalaing mababago ko pa yung sarili ko sa kabila ng lahat ng pangyayaring iyon.

Nabalitaan ko ring pauwi na din ng pinas si Ivan. Ang dami kong pag a-assume, na sana ako padin, na sana wala pa siyang nahahanap na iba, na sana tanggapin padin niya ako even though may anak ako. Alam kong hindi niya padin ako nakakalimutan. Of course, never siyang nawala sa isipan ko.

Exactly that day, while I was scrolling on my Facebook, I saw his latest picture. Kaya napagtanto kong nandito na pala talaga siya. Napangiti naman ako dahil sa nakita ko. Kaya dali dali ko itong ni-like, dahil.. baka sakaling mapansin niya ko.

Gabi na nung mga araw na iyon, matutulog na sana ako, katabi si Francois ng biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ka ko ito, at bumilis yung pagtibok ng puso ko. Ivan just message me.

Hindi mo alam kung anong saya ang namuo sa damdamin ko. Na dati'y halos madurog na yug dibdib ko sa sobrang hirap na magtiis. Bumalik yung mga pag-asa ko na dati'y halos wala na kong tiyansang makausap siya. Bakit ganoon yung impact saakin  ni Ivan? Bakit?

Still, may galit padin ako sa kaniya, hindi padin ako pabor sa ginawa niya dati. Yung paglisan niya ang sumira sa pagkatao ko, at siya rin dahilan ng pagkalanta ko. Ivan, sana..

I quickly opened his message. "Kamusta." sabi niya. Hindi ko alam kung anong irereply ko. Para bang gusto kong sabihing okay ako, kahit hindi naman. "Ahm, okay naman ako." Hindi maalis yung pag-focus ko sa convo namin. Hinihintay ko lang yung bawat reply niy saakin. Gumuguhit sa mukha ko yung saya sa t'wing nag rereply siya. "Yung bata, kamusta?" Ani niya. Seriously? Alam niyang may anak ako? "Ah yung anak ko? Okay naman, eto, single parent ako." Sabi ko, ang dami kong gustong itanong sa kaniya kaso baka sabihin niya, masyado akong FC dahil ang tagal na nga naming hindi nag usap. "Oh? Talaga? Eh.. Nasaan yung tatay niya?" Tanong niya saakin. Ayokong magsalita tungkol sa nangyari sa akin kahit alam niya naman yung backgroun ko. "Mahabang kwento eh." Iyan nalang ang isinagot ko. Mahaba-haba yung naging paguusap namin. Siguro namiss namin yung isa't isa. Inabot na nga kami ng hating gabi eh.

Mas na fulfill yung kasiyahan ko.. ng ayain niya kong makipag-kita sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang makipag kita saakin. Dahil gusto ko din naman, pumayag kaagad ako. Nag-set siya kaagad ng date , nagulat nga ako e kasi kinabukasan na pala. Sinabi niya saakin kung saan kami magkikita, at ang huli niyang sinabi ay, isama ko daw yung anak ko.

Kinabukasan, because of excitement, napaaga yata ako, nauna pa nga ako sa kaniya e. Bihis na bihis ako, gusto kong maging presentable, dahil nagbabakasali padin akong lalo pa kaming magkalapit sa isa't isa.

Oras na ng pagkikita namin. Medyo nainip na talaga ako kasi nga I was too early that time. Si Francois, pinakain ko lang ng pinakain para hindi mainip. Tingin ako ng tingin sa entrance ng resto kasi baka nadiyan na siya.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko na siya. Grabe, ang laki ng ipinagbago niya, mas naging impressive yung itsura niya, at mas naging stylish. Sasalubungin ko na sana siya, kaso..

May..

May ka-holding hands siyang babae

Hindi ko alam, kung magba-backout ba ako sa nakita ko. Gusto kong umiyak, kaso nandiyan siya eh, ayokong maging emotera sa mga oras na iyon. Gusto kong magwala, kaso nasa public place ako, gusto kong tanungin kung sino yung babaeng iyon at magalit sa kaniya kung bakit niya kasama iyon, kaso ano bang KARAPATAN ko't wala na naman kami matagal na.

Napangiti siya noong nakita niya ako. Nginitian ko nalang din ito, kahit alam kong may sakit na gumuguhit sa dibdib ko.

"Hi, Miss- I mean, Mrs. Katrissa. Long time no see." Nakipagkamay siya, at tumango nalang ako habang nakangiti.
"Oh hi there little boy!" pagbati niya sa anak ko. "Oo nga pala, Katrissa, meet Solenn, my.." Napatigil siya sandali, dahil halata yung kalungkutan sa mukha ko, pero nung mapansin kong nakakahalata na siya, ngumiti ako sa kaniya kaagad. "Ahm, meet Solenn, my soon to be wife."

What? Wife? My heart was wrecked noong nag sync-in saakin yung sinabi niya. "Oh so nice to hear that, I'm happy for both of you."

Lagi naman eh. Ang hirap na magpanggap. Bakit? Napaka sariwa talaga nung feelings niya saakin na noon e tinapos na niya. Lalo't na ngayo'y magkaka-asawa na siya. Nakipag-kamay si Solenn, pero parang ayoko, kinamumuhian ko yung babae, kahit wala naman siyang kasalanan.

"Solenn, Katrissa is my friend. Noong nandito pa ako sa Pinas, lagi ko siyang kaagapay sa lahat ng panahon." Sabi niya, para bang sinaksak ako nung sinabi niyang 'friend'. Okay ngayon, naintindihan ko na, na friend lang talaga yung turing niya saakin, since that day na nakilala niya ako.

Grabe, nakuha niya kong painlove-in sa kabila ng lahat, tapos sasabihin niya saaking, friend lang pala niya ako. Ang sakit man kung tutuusin, pero kailangang tangapin.

"Oo nga pala, waiter, pakikuha yung order nila." Sabi niya. "Ahm no, no. Busog ako. 'Yun lang ba ang sasabihin mo?"  Sabi ko, hindi ko na kayang magpanggap. Tapos na ang lahat eh. Magkaka-asawa na siya. "Ah hindi pwede, kahit konti please? Minsan na ng lang tayo magkita eh, ikaw naman. Ah ikaw babe? What do you want?" Nawalan na ako ng ganang kumain, at nawalan nadin ako ng ganang makipagkita sa kaniya. It's better na umalis nalang ako kaysa nakikita ko silang dalawa at nasasaktan lang ako.

Nai-inggit ako tuwing tinatawag niyang babe si Solenn kaya final na talaga yung desisyon kong lumisan na. "Hindi talaga, busog na kami e, actually kanina pa kami dito kaya nauna na kaming kumain." Sabi ko. Hindi nalang ako nagpapahalatang nasasaktan. "Osige, sure ka ha?" Tanong niya, tumango nalang ako. "Lets go Francois. Let's go back home."

Tuluyan na kong lumisan. Nagmadali akong umalis mg resto. Ang sakit, napaka unfair talaga ng mundo saakin, simula pa nung una, hindi manlang ako nakaranad ng kaginhawaan. Bakit ba ang laki ng galit saakin ng mundo? Wala naman akong ginagawang masama ah? Ano bang kasalanan ko? Ba't nabuhay pa ko kung puro ganito nalang yung pagdadaanan ko?

-

Kawawa naman si Vote button walang pumipidot sa kaniya. Haha pindutin mo nga para sumaya siya kahit papaano.

BAYARAN #WATTYS2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon