SPG 13: Warning guys
Hindi naman ako highblood pero parang tumaas ang presyon ko dahil sa pagka-ignorante nitong si Brandon. Alam kong there's a reason kung bakit gusto niyang i-divert ang initial plan to a different one. Kumpyansa naman akong hindi niya magagawa ang Thesis ng siya lang dahil sa unang banda, he didn't want to be a leader for something that has a controversial content. If he can't swallow same-sex romance, ba't nga naman niya gugustuhing mamuno? I felt he was just forced by some other external factors kaya he recommended a very annoying suggestion na hindi ko ma-consider.
I needed to go home early at kailangan kong mag-skip ng two subjects para makapag-prepare for our Getaway tomorrow. Pero before that, pumunta muna ako ng Mall to buy Paraphernalia na gagamitin ko. Hindi ako makapamili nang maayos dahil paulit-ulit na nagriring ang phone ko. Kanina pa tumatawag sa 'kin si Brandon pero hindi ko pinipick-up ang phone dahil ayaw ko na namang ma-badtrip. Ni hindi ko na nga kinonfirm ulit kung sasama siya sa Getaway dahil nawalan ako ng ganang iinvite siya for that specific reason.
"Hello," I answered the phone na medyo wala sa mood ang tono.
"Wesley Pare?! Galit ka pa ba?"
"No," I lied. "What for?"
"I know you're mad. Sorry if my suggestion didn't work for you"
"No need to apologize. Maganda naman ang naisip mong suggestion, but sorry if sa iyo ko na iaatas ang pagiging leader. I don't wanna go back from scratch," sarcastic na naman ang tono ko.
"Yun na nga e. Na-realize ko na we will go back from scratch, and since may nasimulan na tayo... 'yun na lang ang gawin natin. Susundin na lang kita"
My brows went arched. Pero expected ko rin naman na he will apologize for the reason na hindi niya kayang gawin ang project na siya ang mismong magcoconceptualize, and to act as a leader.
"So, what do you mean?"
"Wala nang babaguhin, ikaw pa rin ang leader Pare, susundin na lang kita"
"Well, nothing has changed kung ganun? I need to hang up the phone Bro... I'm busy"
"Oh, sorry for bothering you..."
"Not at all, Okay bye!"
That conversation was swift. He managed to say sorry pero he already set my mood to a bad one. May topak talaga ako when it comes to mood swings. Kahit si Brandon pa ang humingi ng sorry e wala akong pakialam. He already broke a part of my heart kaya I needed time to recuperate. May ganun talaga...
Parang nag-iba na ang tingin ko kay Brandon after he sent me his scandalous video. Like his girlfriend, parang bumaba ang trust factor ko sa kanya. What if kung naging kami at gawin niya ang mga bagay na ganun, or even worse? Kahit pa sabihing he has valid reasons to do that? Diba major turn off? Tapos gagatungan pa niya na kailangan naming i-revise ang Thesis based on his suggestions. Nakakawalang gana!
It's already 2pm in the afternoon. I went home earlier than expected. I wanted to sleep early para magising din ako kinabukasan with proper amount of sleep. I should be happy on our Getaway kahit a lot of negative factors were controlling my mind. Brandon earned negative points already, samahan pa ng pinsan niyang si Damien na naglalaro sa zero to negative ang score points, and most of all, si Kuya Arlan na mas mababa pa sa negative one hundred ang puntos ko sa kanya. His was a hopeless case na it's very hard to fix. I wanted to set aside those negativities for the meantime 'coz I wanted to enjoy the getaway tomorrow. 'Yun lang, hindi ko alam kung paano.
BINABASA MO ANG
The Weird Thesis (Boyxboy)
RomanceSi Wesley ay isang kilalang matalinong estudyante sa University of Mt. Carmel. Hindi lang matalino, isa rin siyang "Campus Hearthrob" na kahit sinong babaeng gugustuhin niya'y maaari niyang mabihag sa isang kindat pa lamang. Hindi lingid sa kaalama...