Chapter 17: Weird MMS

8.3K 255 24
                                    


Brandon was obviously not in the mood dahil hindi sumipot ang girlfriend niyang si Hilary. I didn't know what happened sa pag-uusap nila but I still avoided asking him about their issue. Kumain lang kami at nagpakabusog sa mga pagkaing inorder namin.

"Mukhang mapapatagal ako sa Condo mo Brandon," Damien said habang pinupunasan ang lips niya with table napkin. "Parang gusto ko ulit mag-aral"

"May pa stop-stop ka pa kaseng nalalaman. Kung pwede lang maging 10 years ang College e hindi na ako magtatapos. I'm happy being a stude,..." pagputol niya. "Este, I'm happy as a Varsity Player"

"Hindi naman halata!" pagbiro ni Damien.

I felt a deeper connection between the two. Para silang magkapatid na dalawa. Dalawang napakagagwapong mga nilalang na di ko alam kung saan nila nakuha ang mga hitsura nila. Pero bigla akong napaisip. Alam na kaya nitong Brandon na 'to na his cousin is 'Pansexual'? Nakuha ko pa talagang i-google ang word sa phone ko to know its meaning. Nakakaintriga kase. Ang alam ko lang na gender preferences na nageexist are Straight, Lesbian, Gay and Bisexual pero ang isang 'toy masyadong out of this world.

"Siya nga pala Brandon, paano kayo nagkakilala ni Wesley?" Damien looked at me grinning. "Never heard of him before"

"Sa isang project. We are making a Thesis," respond ng crush ko.

"Really? About what?"

Medyo kinabahan ako sa tanong na 'yun dahil baka madulas itong si Brandon at maireveal nang di oras sa pinsan niya ang content ng Thesis namin.

"About.... Politics! Yeah Politics!"

"Geeezzz, Politics has a very wide scope kaya sigurado akong dumudugo na mga ulo niyo!" pangiting sabi ni Damien.

"May Point ka Brad," I replied.

"So, kailan pa kayo nagkakilalang dalawa insan?" tanong ulit niya kay Brandon. Mukhang nag-iimbestiga na ata ang isang 'to ah.

"This past few weeks nang maging kapartner ko siya sa Thesis. Ba't mo naman naitanong?- Brandon.

"Wala lang! I wanna know who your friends are para aware ako"

Yung mga tanong ni Damien ay alam kong may laman. As a Bisexual guy, curiosity matters kaya't alam ko kung ano ang nasa isip ng lalaking 'to.

Hindi rin naman kami nagtagal sa Resto. After the dinner e agad rin naman kaming nagdecide na umuwi. Pero itong si Damien e halatang dumadamoves sa 'kin. Instead kase na sumabay siya kay Brandon pauwi ng Condo, e nagpasabi siyang may pupuntahan lang. Mas naunang umuwi si Brandon using his Car at ako nama'y magtataxi na lang pauwi. Habang naghihintay ng taxi e dikit nang dikit itong si Damien sa 'kin.

"Uwi ka na kaagad?" tanong niya. "Do you wanna go somewhere?"

Sabi ko na nga ba?! Alam ko na ang gusto niya sa 'kin. Gusto niya akong maka-SEX. 'Yun lang naman yun e.

"May pasok pa ako bukas," matipid kong sagot.

"Let's have fun Wesley?! Tayong dalawa lang? Inuman then....."

Napailing na lang ako dahil sa sobrang persuasive niya. Kahit deep inside ay trip ko ang lalaking 'toy hindi pa rin naman ako ganun kabilis kumagat lalo pa't alam kong mapapahamak lang ako.

"No thanks Dude!"

'Di na ako mapakali. Ang mga mata ko'y malayo na ang nararating kakahanap ng Taxi. Ewan ko ba, madali lang makahanap ng Taxi sa lugar na 'to pero hirap ako ngayong makasakay.

The Weird Thesis (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon