"Can you be my textmate? Siya nga pala I'm Nina."
Another Textmate wannabe na ang ending e gustong maging ka-sexmate. This is the 10th time na meron nanamang anonymous female/gay texter ang gustong kunin ang atensyon ko. Dinelete ko kaagad 'yung message niya sabay lock ko sa 'king cellphone. I need to get a brand new sim card para tantanan na ako nung mga taong gusto akong katextmate. I'm not into flirting kase at wala akong oras para sa mga ganyan lalo pa't next year is my last year being a College student. Tutok ako sa pag-aaral at walang puwang muna sa 'kin ang love lalo pa't kaka-break lang namin ni Zerica 3 months ago.
"Infairness, hindi ka naman masyadong matagal? Hindi pa tayo late," sarcastic na pagkakasabi ni Zerica while I'm entering her car. Nagpapasabi talaga akong sunduin niya ako sa bahay namin tuwing papasok siya ng school tutal nadadaanan naman niya ang place namin. Wala pa akong Driver's License though ibinili na ako ni Mom ng kotse last month pa.
I checked my watch and 15 minutes na lang, late na 'ko. "Pasensiya. Nirepaso ko lang 'yung Homework ko sa Psychology, ang hirap kase nung binigay na assignment ng New Professor namin."
"Yan ba si Mr. Freak?"
"Mr. Freak?" tanong ko pabalik.
"Yeah! Si Frederico Dimapaslang!" she said with confidence sabay andar ng kotse.
"Si Mr. Dimapaslang! Why do you call him Mr. Freak?"
"Ano ka ba friend, pinangalanan siyang Mr. Freak dahil sobrang talino niya kaya nandun na siya sa state of being freakazoid. Tapos 'yung Surname pa niya is parang invincible, Dimapaslang," she giggled. "Don't tell me ngayon mo lang nalaman 'yung tag sa kanya?"
Magkaiba kami ng Department ni Zerica, siya kase'y nasa Business Administration at ako nama'y nasa College of Arts and Sciences. Magkaiba 'yun ng building kaya bihira lang kaming magkita ng lesbiyana kong Ex every week.
"Isang kilometro yata ang layo ng building niyo sa building namin kaya hindi pa natratransmit 'yung nametag niyo sa kanya sa Department namin," dipensa ko.
"Baka ibagsak pa nga niya 'yung mga Magna Cum Laude aspirants namin. Ang hirap niya kaseng magturo, 'yung parang siya lang ang nakakaintindi e andali dali lang naman ng subject. Nakakaloka! Sana hindi namatay si Mrs. Gutierrez para hindi na siya ang naging replacement."
Originally, si Mrs. Gutierrez ang Professor namin sa Psychology 4, na Psycholgy 3 naman sa BSBA Department. Unfortunately, na-tegi siya dahil sa heart attack kaya nag-hire immediately ang Campus in replacement to her...... at 'yun na nga, si Mr. Dimapaslang ang pumalit. Four days pa lang siyang nagtuturo sa 'min e kakakikitaan na siya ng pagiging sarcastic sa pagtuturo. Hindi siya 'yung tipong nambubully ng estudyante na Professor kaso masyado siyang malalim magturo. Ako nama'y gusto ko 'yung way of teaching niya dahil naaactivate talaga 'yung utak ko compared sa mga teacher na tamad na kulang na lang e matulog sa table nila tuwing magkaklase sila. Pero gayunpaman, naïf-feel ko 'yung intimidation specially all eyes talaga siya specially sa mga gifted ang intelligence gaya ko. Lagi niyang puntiryang sumagot ang matatalino, specially me.
BINABASA MO ANG
The Weird Thesis (Boyxboy)
Storie d'amoreSi Wesley ay isang kilalang matalinong estudyante sa University of Mt. Carmel. Hindi lang matalino, isa rin siyang "Campus Hearthrob" na kahit sinong babaeng gugustuhin niya'y maaari niyang mabihag sa isang kindat pa lamang. Hindi lingid sa kaalama...