I can't understand why I'm feeling like this? Una, crush ko lang siya pero ngayon? Hindi ko ma-explain. I knew it's not in the degree of AFFECTION pero my heart beats so fast every time I'm with him. Yung simpleng 'pag smile at pagkindat-kindat lang niya sa 'kin e hinahaluan ko na ng mga malicious thoughts. I knew for the fact na, everything was fake but I can't help not to admire Brandon more. There was a simulated trap in front of me but I am tempted to fall from it. Just like that. I kept on shouting to the void that I'm in love with him, it's really not 'till I get sober. It's.... EWAN KO!
We kept on searching for my Mom and Kuya Arlan dahil naghihintay na 'yung boat na sasakyan namin papuntang kabilang isla. Mag a-islang hopping kase kami.
"I think pumunta sila 'dun sa kabila," I'm referring sa kabilang stretch ng beach. "Or sumakay sila sa ibang Bangka at iniwan na tayo"
"We need to wait for them, baka mag-alala pa 'yung mga 'yun pag nauna na tayo," Zerica replied. Wala pa namang signal sa lugar kaya hindi namin sila pwedeng i-text.
45 minutes na kaming nagwe-wait and naghahanap sa kanila pero hindi pa rin namin sila makita. Nasaan na kaya nagpunta sina Mommy at Kuya?
Suddenly, nakita namin si Kuya na tumatakbo papalapit sa 'min. He's wearing read boardshorts na akala mo'y lifeguard ng beach dahil sa aura niyang napakakisig at napaka simpatico.
"Where's Mom?" tanong ko kaagad sa kanya nang makalapit.
"Nakita niya 'yung mga amiga niya sa kabilang banda. Ayun, nagtsikahan pa.... Hindi muna raw siya makakasama. Kayo na lang..."
"Okay?" maikling sagot ko. "Tara guys let's go"
Isa-isa nang tumungo sa Bangka sina Brandon, Zerica at Norma. Kinausap ko muna si Kuya para kumbinsihing 'wag na lang sumama sa 'min.
"Kuya, bantayan mo na lang si Mommy, 'wag ka na munang sumama sa 'min?"
"Huh? Bakit naman Wesley?"
"Baka ma- OP ka lang. Dun ka muna kay Mommy"
Napangiti siya sa 'kin na medyo sarcastic. "Bakit, hindi ba ako na-OOP sa mga amiga ng nanay mo? Ikinahihiya mo ba ako sa mga kaibigan mo Wesley ha? Paano kung gusto kong sumama?"
"Please lang Kuya? Alam ko na ang iniisip mo. Pero simple lang naman ang rason e.... you don't belong to our group."
Napasimangot siya pero wala naman siyang nagawa. "Tsss... bahala ka, bahala ka..." he turned back at tumakbo papalayo.
Buti na lang at nakumbinsi ko siyang hindi sumama. Anong gagawin niya? Mang-aasar? Kakausapin sina Zerica at Norma para bitagin niya? Wala akong tiwala sa kanya kaya tama lang siguro ang ginawa kong pagpaprangka sa kanya.
Maliit lang ang bangkang sinasakyan namin dahil apat lang naman kami, plus the boatman. Malapit lang naman ang islang pupuntahan namin na kasing ganda rin naman ng wide stretch ng Mahabang Buhangin. Magkatabing nakaupo sa may unahan sina Zerica at Norma na walang humapay sa kaka-selfie while kami naman ni Brandon ay nasa may parteng gitna habang minamaniobra naman ng bangkero ang Bangka sa may parteng dulo sa likod.
Hindi kami nag-uusap ni Brandon, sobrang busy siyang magmasid sa kagandahan ng mga isla dito sa Calaguas habang umaandar ang Bangka. Maikukumpara mo talaga ang lugar sa bansang New Zealand dahil sa kakaibang pagka GREEN ng mga isla nito. I'm just observing Brandon and I observed a very positive cool dude. 'Yung simpleng pagngiti niya e sobrang naaappreciate ko. Ewan ko pero gustong gusto ko siyang nakikitang ngumingiti. Sobrang gwapo niya e. Gustong gusto kong makita na masaya siya kahit sa simpleng paraan lang. You know, kahit imposibleng maging kayo pero kakaibang klaseng feeling pa rin ang makita mong masaya ang napupusuan mo?
BINABASA MO ANG
The Weird Thesis (Boyxboy)
RomanceSi Wesley ay isang kilalang matalinong estudyante sa University of Mt. Carmel. Hindi lang matalino, isa rin siyang "Campus Hearthrob" na kahit sinong babaeng gugustuhin niya'y maaari niyang mabihag sa isang kindat pa lamang. Hindi lingid sa kaalama...