Hi guys! I'll appreciate if you leave a comment hehe. Thanks for supporting!
"Please pass a two-page brief Introduction of your works. To be passed later 4pm at my office- This is your Psychology Teacher." 'yan ang unang mensaheng na-receive ko ngayong araw pagkagising ko. Your Psychology teacher talaga huh? Ayaw ba niyang i-mention ang pangalan niya o ang mapangahas niyang apelyido? Nagtaka ako nung una kung paano niya nalaman ang number ko, bigla ko ring naalala na nagpasa kami ng index card sa kanya stating our information including our cellphone numbers nung first meeting namin.
Of course, wala pa naman kaming nauumpisahan ni Brandon. Matagal pa naman ang pasahan kaya marami pa kaming time para gawin ang kalokohang thesis na 'to. Kaya ko namang repasuhin ang demand niyang two-page brief Introduction kaya hindi na ako umaktong nabigla, 'yun nga lang e hindi pa magkasundo ang brain cells ng utak ko kung ano na talaga ang final na decision ko about the plot.
Napansin ko ang aklat ni 'Raven Jade' na "How to Seduce A Hunk in 15 Days" sa aking study table sa may gawing kanang parte ng aking kama. Bumangon ako sa aking pagkakahiga upang kunin ang libro. May kung ano kaseng biglang pumasok sa isip ko na hindi ko matanto. Pinagmasdan ko cover nito ng masinsinan na para bang nakaisip ako ng magandang ideya ngunit hindi ko pa matumbok kung tama ba ang naiisip kong 'yun. Gagawa kami ni Brandon ng isang Lovestory para madipensahan ang isang napaka-wirdong titulo about the same sex relationship. Kung nakagawa ng isang kakaibang plot ang author ng aklat na ito upang mapanindigan na posibleng magka-inlaban ang dalawang straight na lalaki, maaaring duon din patungo ang magiging lovestory kuno namin ni Brandon. Pero ang akin lang, 'di naman ako straight, pero hindi naman kailangang malaman ng ibang tao na kakaiba ako. Kailangan lang kaming gumawa ng partner ko ng kakaibang istorya na posibleng mangyari sa pagitan naming dalawa ang 'Love and Attraction' to form a same sex relationship.
"Baby! Breakfast is ready! Bangon na!" sigaw ng Mommy ko. Nadiskaril ang utak ko nang marinig ko nanaman ang aking Mommy na tawagin akong Baby. Gosh, ang hirap talagang magpalaki ng nanay na may problema sa memorya. Wala namang amnesia o alzheimers ang Mommy ko pero lagi niyang nakakalimutan ang bilin ko sa kanya. Kainis, halos tumayo nanaman ang balahibo sa aking mga balat, lalo pa't nandidito sa bahay ang magaling kong KUYA SA LABAS.
"After an hour!" sigaw ko rin na sigurado namang narinig niya.
"Sabay na kayo ng Kuya mong magbreakfast!" pabalik niyang sigaw.
"I said after an hour!" pairita ko nang sigaw. Alam ni Mommy na inis na ako kaya hindi na niya nagawang tawagin akong muli. Nawalan na ako nang ganang mag-almusal nang mabanggit na naman niya si Kuya. Hay, ewan ko ba... abnormal na naman ang tingin ko sa sarili ko ngayon at puntirya na naman ng galit ko ang magaling kong Kuya.
Kailangang mag-take advantage ako sa sitwasyong ito dahil kung anu-anong ideas ang lumalabas sa utak ko pertaining to our topic. Nagmumog lang muna ako atsaka upo agad sa study table at binuksan ko ang laptop to type the brief Introduction of our research. Isinuot ko ang aking eyeglass atska urada nang nagtype. Parang 'yung mga daliri ko mismo ang may sariling utak dahil tuloy-tuloy lang ang pagta-type ko. It's like I'm writing a story kahit hindi naman ako magaling gumawa ng story about anything. Para nga akong naging instant writer dahil sa mga ideas na ngayon lang pumasok sa isip ko.
"We will show how Same Sex relationship could happen to different opposing entities that are being guided by various tapes and beliefs." Pabulong kong sabi while typing the whole sentence sa may kalagitnaan ng Introduction.
It took me for an hour exactly para matapos ko ang brief Introduction ng aming Thesis. I've read it twice and I'm beyond satisfied from what I've done. I'm born to impress people kaya sigurado akong maiimpress ang Professor ko 'pag nabasa niya ang Introduction ng project namin ni Brandon na naglalaman ng patutunguhan ng kabuuan ng kakaibang proyektong ito.
BINABASA MO ANG
The Weird Thesis (Boyxboy)
RomanceSi Wesley ay isang kilalang matalinong estudyante sa University of Mt. Carmel. Hindi lang matalino, isa rin siyang "Campus Hearthrob" na kahit sinong babaeng gugustuhin niya'y maaari niyang mabihag sa isang kindat pa lamang. Hindi lingid sa kaalama...