Chapter 3: Weird Goodbye

10.8K 380 23
                                    

This is a very strange nightmare. I'm trapped inside the elevator together with my All-time Crush. As much as I wanted to feel 'kilig' at this moment, pinangungunahan ako ng takot because of the obvious reason na baka hindi na kami makalabas. I wanna get out of this hell and I don't wanna stay longer inside this dark metal box.

"THIS IS CRAZY!" bulyaw ni Brandon na halos ikabingi ko dahil sa lakas nang pagkakasabi niya. Paulit-ulit siyang nagmumura as if ang pagmumura niyang iyo'y makakatulong para makaalis kami ng lugar na 'to. It's a bit turn off pero hindi ko naman siya masisisi kung ganun 'yung reaksyon niya. Sino ba namang hindi maghihysterical sa ganung sitwasyon? Siguro kung ako lang mag-isa sa loob na na-trap baka kanina pa ako nagwawawala dito.

95% ng elevator ay covered by darkness nang mawalan ng electricity pero after mga 5 minutes e bigla na lang nanumbalik ito. I could hear the creaking sound of the light when it lighted up at agad akong tumayo.

"What's going on?" pabulong na sabi ko sa aking sarili. Napansin kong biglang umilaw ang mga pindutan ng elevator then suddenly ay umandar ito pataas. Medyo nawalan ako ng balanse dahil it's going up in an abnormal speed kaya medyo napaluhod ako to recover my balance. Si Brandon nama'y tumayo na nakuha pa rin ang balanse kahit hindi maayos na umaakyat ang elevator.

"Ting" tunog ng elevator at agad itong bumukas.

Para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan nang masilayan ang labas ng elevator. It travelled us sa 8th floor ng Building na isang Parking Lot sa may pinakataas nito. It's good to know dahil walang makakakita sa 'ming dalawa kung paano kaming miserableng nakulong ng palpapak na elevator sa loob ng ilang minuto.

Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Brandon na parang bineberipika ang nasa isip ng bawat isa sabay patakbong lumabas ng Elevator. We grabbed the chance na lumayo kaagad dito dahil baka 'pag tinopak nanaman ito'y bigla na lang itong mahulog pababa at sumama kami patungong hukay, which is the worst thing to happen.

"Wheeewww! That was hideous!" sambit niya habang nakapatong ang dalawang kamay sa kanyang dalawang tuhod na para bang agad na kumukuha ng hininga matapos ang mahabang marathon. Tumatagaktak pa rin ang pawis niya from his head down to his gorgeous body. Hindi pa niya sinuot pabalik ang kanyang sando at aninag ko ang napakagandang hubog ng kanyang katawan. Mas magandang view kapag nadikitan ng sikat ng araw.

"Pucha ano 'yun Pare? Did someone play a prank on us?" sabi kong medyo hinihingal din.

"I don't know.... ayoko nang ma-trap sa elevator na 'yan dahil baka maaga akong mamatay."

"Ako din, ayoko nang maulit 'yan. Baka hindi na ako sumakay ng elevator sa susunod. Maghahagdan muna ako."

Pinunasan niya ang kanyang katawan gamit ang kanyang sando. It feels like a bit of heaven seeing him doing that in front of me. It seems weird pero medyo tinigasan ako dun kaya what I did is I secretly looked at a different direction para hindi siya makitang pinupunasan ang katawan. Parang nang-aakit ba?

When I looked back, nakita ko nang sinusuot na niya ang kanyang uniform. Medyo gusot gusot na ito ngunit gayunpama'y hindi naman 'yun naging kabawasan sa kagandahang lalaki niya.

"Anong pangalan mo Brad?" tanong niya sa 'kin.

"I'm Wesley," pangiti kong sabi sa kanya.

"Wesley?" sambit niyang tila inulit lang ang sinabi ko. "Nice to meet you Wesley..... for the second time."

Napakunot nuo ako sa sinabi niya. Why did he say for the second time?

"Madalas na kitang makita sa University kaya pamilyar na ang mukha mo sa 'kin since Varsity ka. And maybe, ngayon mo pa lang ako nakita?" patanong kong sabi.

"Of course nakikita na kita sa Campus pero you grabbed my attention yesterday. So I think this is the second time na naencounter kita.... in a negative way."

Nawala 'yung ngiti kong bigla. Naalala pala niya 'yung ginawa ko sa kanya kahapon. Damn! What a turn-off!

"Yun ba? I'm sorry for what happened?" medyo apologetic kong sabi. "Nagmamadali lang kase ako nun, tapos nakaharang ka sa daan kaya.... hays, basta sorry. Not my intention Pare."

"No need to apologize," medyo sarcastic niyang sabi.

Nang matapos niyang ayusin ang butones ng kanyang uniform, he got closer to me. Na-shock ako at that moment dahil he placed his right hand over my left shoulder. I acted like a straight man dealing with his awkward gesture.

"I hope this will be the last time that I will see you. Totoo pala ang malas. 'Wag kang lalapit sa 'kin kung makita mo 'ko ha?" he said sarcastically. Nangingiti pa siya while I'm giving him a confusing stare. Hindi ko 'yun inexpect na sasabihin niya sa harap ko na ayaw na niya raw akong makita. 'Dun ako nawalan ng kumpyansa sa kanya. Sa isip-isip ko, 'You're a turn off Dude!'. Why is he even telling it to my face? Who the hell cares? Well, I care..... deep inside. But I need to act like a human being kaya sarcastic ko rin siyang sinagot.

"Ano namang tingin mo sa sarili mo Pare? Ginto ba ang katawan mo?" pasarkastiko ko ring sambit na ginagaya ang ngiting kambing niya. "It's a coincidence dude. The feeling is mutual. 'You're a badluck."

"H-he-he, that's better. I hate bad luck. Hope we don't cross our Path anymore. Bye!"

He just give me his last sarcastic grin at tinapik niya ako for the last time na medyo may kalakasan. Napalakas 'yun though hindi naman masakit pero alam kong medyo may pinaghugutan siya dun.

"You're a Hot Freak," pabulong kong sabi sa aking sarili nang makita ko siyang lumalayo. Sa totoo lang, hindi ko ineexpect na he will act that way after naming ma-trap sa elevator. I thought na atleast e he will find forgiveness sa nagawa ko sa kanya kahapon. Pero hindi e, ang tingin niya sa 'kiy malas. Ang saklap naman nun. Parang nabiyak 'yung puso ko ng slight. Kahit Crush mo lang 'yung tao tapos makita mo 'yung darkside niya ng slight rin e natuturn-off ka na, pero napaglaanan mo pa rin siya ng oras sa iyong utak kaya para ka na ring na-heartbroken kahit hindi naman kayo.

If that what he likes then go. Atleast, kahit medyo late na, e walang maging chance na maging kami ng Crush ko or even maging magkaibigan man lang. Wala talaga, and it's a bitter fact. He's very attractive and handsome but his attitude is not my cup of tea. Siguro it's time for me to forget him in the soonest possible time.

I got my Phone inside my pocket and went into the photo section. I only have one stolen photo of him na madalas kong pinagmamasdan tuwing nagma-'Man Session' ako. Pinakatitigan ko ang picture kung saan maganda ang kuha niya specially sa anggulo ng mukha niya while playing basketball.

"Makakalimutan din kita. It's time to be a Man. No Homo," I said to myself sabay delete ng picture niya sa Cellphone ko.

It's the right time para kalimutan ko na siya kahit hindi madali. Mahirap umasa kahit pa sabihing Crush ko lang siya. Dahil sa kakapantasya ko sa kanya, nakakagawa ako ng istorya gamit ang aking utak sa pamamagitan lang ng litrato niya. Ang weirdo ko pero ganun talaga ako, madali akong mafall in love gamit lang ang aking utak. Alam kong miserable na ako pero ang pagdelete ng picture niya sa Phone ko is the best way for me to move on and start all over again. Maybe hindi talaga ako para sa lalaki, para sa babae talaga ako?


**


This is a short update pero I need to know what's ur feedback in the story. Thanks po.

The Weird Thesis (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon