Chapter 30: Missing

7K 262 28
                                    


"Okay ka lang ba Baby ko?"

My Mom interrupted me with my reverie. That signature 'Baby ko' has cringed me to death a million times, and it made me raise a brow to her.

I didn't reply.

"Kanina ka pa nakakulong diyan sa tent? Ano bang nangyayari sayo anak?"

After I woke up, para lang akong tangang nakaupo sa loob ng tent habang nililipadng isip ko sa kabilang ibayo ng mundo. Parang may nakataling kadena sa dalawang kamay at paa ko. Sobrang bigat ng pakiramdam. Tamad na tamad akong tumayo.

"I'm not in the mood..." I replied weakly.

"Last day na, mamaya aalis na tayo. Ba't di mo samahan ang mga kaibigan mo? Nandun sila sa beach. Atsaka napapansin ko kagabi ka pang ganyan? 'Di ko alam kung may sakit ka o ano..."

After I confessed my real feelings to Brandon, parang nawalan na ako ng gana. Medyo OA pero parang wala na akong ganang mabuhay. I'm the weirdest I guess, kung nasa tabi ko lang si Zerica baka kinotongan na ako ng martilyo nun. I should act normally nga eh, atsaka wala namang violent reaction si Brandon when I told him my secret pero why I am acting extremely strange?

"Napagod ako kahapon. Rest day ko na ngayon."

My Mom got inside the tent completely to check my temperature. She placed the back of her hand on my neck. "Wala ka namang lagnat."

"I know, pagod lang ako..."

"Bahala ka na diyan. After lunch aalis na tayo kaya ayusin mo na ang mga gamit mo."

As she left, I packed up my things to keep myself busy.

I instructed Zerica kagabi na 'wag muna niya akong kakausapin. I need space, sabi ko. Gusto kong mapag-isa, at mag-isip mag-isa. Her advice won't be making any sense to me dahil I'm still overwhelmed with my confession to Brandon. She respected my sentiments and approved my request.

Brandon didn't even talk to me either. He never initiated. Siguro nakahalata na siyang it's not the right time para kausapin niya ako. O kaya'y baka na-disappoint na siya nang tuluyan sa 'kin. I care less either way.

After our final lunch in the island, isa-isa na kaming sumakay ng Bangka. We will be leaving the island. Parang napaka iksi ng oras kung tutuusin dahil ang dami ko pa sanang gustong gawin na hindi ko nagawa. Everything was unexpected. My thoughts and feelings were random to the highest level.

I decided to sit beside Mom to avoid them; Kuya, Brandon, Norma and even Zerica. I acted na parang may sakit para hindi nila ako kausapin. Magmula sa Bangka, hanggang sa loob ng kotse eh hindi ako nagsasalita. I chose to sleep na lang on the way home.

**

Two days after the vacation, medyo mas kumportable na ako sa sarili ko. Nawala na 'yung bigat ng pakiramdam ko ng kaunti. Kahit wala naman kaming pinag-awayan ni Zerica, our communication had resumed. Medyo OA pero it took me two days to recover sa pagiging paranoid. Ganun ba talaga 'pag inamin mo sa harapan ng tao na gusto mo siya? In my state, lalaki ang gusto ko. Ganun ba talaga ang weight kapag umamin ang lalaki sa kapwa niya lalaki? Mabuti na lang my Ex understood my extraordinary predicament. 'Yun lang, hindi pa rin kami nag-uusap ni Brandon. I don't know kung ano nang estado niya today? Or kung ano na ang magiging estado ng relasyon namin bilang magkapartner sa Thesis?

It's weird na for the very first time, Mr. Dimapaslang didn't show up. Absent daw siya. I'm clueless kung bakit siya umabsent. Sa totoo lang, inaasahan ko siyang pumasok para lang makinig sa discussions niya, kaso mukhang hindi pa mangyayari.

The Weird Thesis (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon