Thank you po sa mga naghintay. This Chapter is dedicated to my first follower Oreya. :) At sana dumami pa kayo. Hihi. Enjoy!
Sumikat na naman ang araw. Pinipilit kumawala ng kanyang katawan at kaluluwa sa kanyang malamig na
kama. Eto na naman. Hindi pa nya naimumulat ang mga mata nya, may parang kumikirot na agad sa kanyang dibdib...#angsakit, #stillnotover.Nakapikit ang mga matang pumunta sa banyo para mag toothbrush. Nagmumog at naghilamos. Hinubad ang suot na spaghetti sando ng mapalingon sa gawi kung nasaan ang toilet bowl.
Angel: (tili to the max) Aaaahhhhh! Tulong! Magnanakaw! Mamboboso! Bastos! Manyak! Gwapooo, este, akyat bahay! Mommy!!!
Aling Martha: (nagmamadali) Ano ba yung sinisigaw mo, ang aga aga?!
Angel: (isinara ang pinto ng banyo) Mommy! May nakapasok na magnanakaw! Tumawag tayo ng pulis!
Aling Martha: Ahhh! Si Jeff ba? Eh pasensya na. Hindi ko na nasabi sa'yo kasi tulog ka pa nga. Anak yan ni Mrs. Bermudez sa kabilang street. Eh marunong palang magkumpuni ng mga tubo at barado, eh syempre libre, kukuha pa ba ako ng tubero? Hoy, isa yang engineer. Siya ang gumagawa nung itinatayong condo sa labas ng subdivision. (pabulong) Ang gwapo pa o di ba?
Angel: Mommy, pa'no ako maliligo nyan?
Aling Martha: O e di dun sa kwarto ko. Tsaka teka, linggo ngayon Angelica! Wala kang pasok! Lutang ka na naman! Bumaba ka na nga at mag almusal.
Halos iumpog ni Angel ang ulo sa pader. "Angel, bakit naman kasi lutang ka? Tanga ka na nga, lutang ka pa?", iuumpog muli ang ulo.
Jeff: Ehem... Miss, okay ka lang ba?
Angel: (pasigaw) Ano bang problema mo?
Jeff: Eh mukhang ikaw yata ang may pinagdadaanan e. Uhm, i'm Jeffrey Bermudez. (ilalahad ang kamay)
Angel: Angel. Bababa na'ko. May kailangan ka ba?
Jeff: Actually, papa-test ko sana sa'yo yung flush kung okay na.
Napahinto si Angel. Noon lang tuluyang nagising ang kanyang ulirat. Ngayon lang nya na-realize na isang diyos ng mga katawan ang kasalukuyang nasa kanyang harapan.
Angel: (sa sarili) Oh my! Ang mga muscles, bakit ganyan? Ang mga abs, parang dinrawing. Ang dibdib, parang masarap sandalan. Hindi naman sya tisoy pero malakas ang sex appeal. Kahit madumi at puro grasa, gwapo pa din. At ang lips...
Jeff: Angel? Yung flush sana yung ipapa-check ko (pinipigilang ngumisi).
Angel: A oo. Sabi ko nga e. Eto na o (sabay punta sa loob ng banyo)
Angel: (sisilip sa labas) Okay na, Jeff (makikita si Jeff na naghuhubad ng sando).
Jeff: (lilingon) Okay na?
Angel: (mapapatulala at nanlalaki ang mga mata) Okay na okay.
Jeff: Sige. Aalis na'ko.
.
.
.
Bago bumaba para mag-agahan, habang hinuhubad ang pinantulog na damit, kausap na naman ang sarili, "Angel, tumigil ka! Yung matipuno at gwapong yun, tiyak may girlfriend o asawa na yun. Kung wala man, bading yon! Kaya wag ka na umasa. Magpapakatanga ka na naman. "
Nagbihis sya ng sando at boxer shorts. Teka, alam ko na kung ano ang iniisip nyo. Alam nya na panlalaki ang boxer shorts pero mas kumportable sya na iyon lamang ang suot kapag nasa loob ng bahay lalo na't sila lamang ng Mommy nya ang magkasama at isang kasambahay. Hindi sya nagsusuot ng bra lalo na kapag kakagising lamang.
Naghihikab pa habang pababa ng hagdan...syempre nakapikit.
Aling Martha: O anak! Halika na't sumabay ka na mag-agahan kay Jeff.
Napatigil sa paglakad, napatigil sa paghihikab.
Angel: (sa sarili). Oh my goodness! No way! No way he saw me yawning! And no way na hindi ako naka bra. Mommy naman kasi. Bakit di ka nagsasabi. Grrrr!
Aakto na babalik ng kwarto, "Ah, sandali lang po. May nakalimutan ako sa kwarto."
Aling Martha: A o sige. Mag bra ka ha at may bisita tayo.
Angel: (sa sarili) Mommy! Grrr!
.
.
.
Background music: Waiting for my Rocket by Jason Mraz
Diretso ang tingin, diretso ang takbo. Thirty minutes ng tumatakbo si Angel. At thirty minutes na rin tumatakbo si Jeff sa isip nya. Ang mga braso nito na parang kay sarap pisil-pisilin. Ang nagsusumigaw na dibdib na parang masarap amuy-amuyin. Ang malalaking mga kamao na parang masarap yumakap. Ang mga matang nakakatunaw tumingin. Ang mga labi na parang masarap humalik. Kanina pa kinakausap ni Angel ang sarili. "Why am i so attracted to him? Dahil ba kailangan kong mag-move on? Dahil nami-miss kong magka-boyfriend? Dahil wala akong kasamang manood ng sine? Dahil wala akong katext kundi ang mga ahente ng mga subdivision at mga condo sa Ayala at mga dealers ng mga pills na pampapapayat? Bakit? Bakit nga ba, Angel?"
Tumigil si Angel pagtapat niya sa bahay ng mga Bermudez.. Pamilyar ang may-ari ng matitipunong mga balikat na nakatalikod. Si Jeff. Biglang humarap. Bigla namang nagtago sa maliit na puno ng Yellowbell si Angel. Bumilis ang tibok ng puso. Nanginig ang mga tuhod. "Nakita kaya ako? Dyoskopo. Sana naman hindi." Biglang nag antanda. Walang ano-ano'y biglang nanlaki ang mga mata nya. "Si Jeff nga ba yan? May dalang flower vase at kipit-kipit nito sa kili-kili ang iilang stems ng mga dahon at bulaklak?" Kinausap na naman ang sarili. "Sabi ko sa'yo bading yan eh. Bading yan! Yan ba yung kanina mo pa pinagnanasaan? Sandali lang Angel ha. Medyo kadiri kasi." Kulang na lang iumpog nya ang ulo sa puno. Tinatalo na naman sya ng kanyang alter ego.
Maya maya ay lalapit si Mrs. Bermudez sa anak. "Anak, sabi ko naman sa'yo wag mo na akong tulungan sa pag-aayos ko ng mga bulaklak. Kaya hindi ka magka-girlfriend eh." Kunot ang noong sasagot sa kanyang ina, "Mama, ano namang mali sa pag-aayos ng mga bulaklak? And besides, I have a date this coming weekend."
"Ouch! May date siya? Sino? Bakit hindi ako na-informed?" Hawak-hawak pa ang dibdib at hindi maipinta ang mukha. Sayang naman. Kung alam lang niya na single ito at walang girlfriend, sana niyaya na lang niya nung pumunta ito sa bahay nila para mag-ayos ng flush, or kung ano-ano pa na pwedeng ayusin sa banyo nila.
"Ehem! Okay ka lang ba dyan?", nasa harap niya na pala ito.
"Ha? Sinong ka-date mo? Ah, este. Oo, oo. Okay lang ako," tarantang sagot niya. Sigurado siya na sa mga oras na ito ay pulang pula ang kanyang mga pisngi. "Sige, alis na'ko.
"Teka lang. Nandito ka na rin lang, maybe you can meet my Mom na rin", biglang pigil nito sa kanya. Biglang nag-iba ang paligid. Puro ulap na lang ang nakikita nya at si Jeff. Silang dalawa lang. "Mom? Mom nya? Ipapakilala na agad ako sa Mom nya? Oh my gosh! Ang bilis naman ata ng Macheteng ito?"
"Angel? Ok ka lang ba? Tsaka teka. Narinig mo kaming nag-uusap kanina about my date?" Ngingisi ito na parang nakakaloko.
Ramdam na ramdam pa rin niya ang init ng kanyang mga pisngi. Naka-kibit balikat si Jeff sa harap niya. Noon lang nya napagtanto na nakahubad ito. Well, almost hubad na dahil boxer shorts lamang ang suot nito. Sabagay, kung siya nga hindi siya nagsusuot ng bra kapag nasa bahay. "Oh, my gosh!" Juskolord, bakit ang buti buti nyo sa akin...", sabay kagat-labi.
"Ano? Tara na sa loob?", tsaka pa lamang bumalik ang kanyang diwa sa nangyayari sa kasalukuyan. Nakalimutan niya na naghihintay nga pala si Machete sa kanyang harapan. Hindi pa siya nakakasagot dito pero namalayan na lamang niya na papasok na sila sa garahe. Okay, fine. Why not? Ano bang masama sa pakikipagkilala sa Mom nito. Hindi pa naman sila mag-boyfriend. Wow! Teka. Hindi PA sila -mag-boyfriend. Hindi pa. So umaasa siya? Natawa na lamang siya sa sarili.
Eto na ba yon? Eto na nga ba ang sign na mag move on na sya sa past relationship nya? Si Jeff na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake nya?
(insert Kim Chiu singing "Mr. Right")
Thanks for reading! Wait lang po sa Chapter 3. Hihi. Please feel free to suggest or comment. :

BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not
RomansaPaano nga ba pumili ng papanain si Kupido? Ano ang basehan nya para pagtagpuin ang dalawang pusong nangangailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ng isa't-isa? Mapipilit mo ba sya na panain ang taong sa tingin mo ay nararapat sa'yo? Ikaw? Karapat-dapat...