Chapter 6 - #cluenumber2

32 1 2
                                    

Warning po ulit. Medyo kekerengkeng ng konti si Angel sa Chapter na to kaya if you are not comfortable, you can just skip the adult scenes. Thank you.

"Okay class. We are almost done with our production as your Final Exam. I just want to make sure that everything is ready. Ms. Angelica Paredes, how's our sponsors? Almost complete?", babaling ang tingin ng professor kay Angel.

Sisikuhin ni Beatrice ang kaibigan. Kanina pa nya ito napapansin na tulala pero nakangiti. Parang na-matanda lang.

Si Angel, lumilipad ang isip...

Papasok na siya for school kaninang umaga nang biglang mag-ring ang cellphone.

"Good morning, pretty girl!", pamilyar ang boses.

"Hi, Jeff! Ang aga mo naman tumawag. What's up?"

"Maaga kasi lakad ko ngayon e."

"Saan ba lakad mo?", sagot nya.

"May susunduin ako."

"Ah, okay. E bakit nakapatawag ka nga?", confused pa din sya.

"Bihis ka na ba?"

"Oo. Eto paalis nako ng bahay."

"Sige. I'll be waiting here. Andito ko sa labas ng bahay nyo. Hatid kita sa school."

Feeling nya nasa cloud nine na naman sya. 'Shet! Ang sarap ng feeling!'

"Ms. Paredes! Are you with us?"

"Ay, yes sir? Sorry. Can you repeat the question please?", bigla syang mapapatayo sa kinauupuan.

"Mukhang malalim ang iniisip mo Ms. Paredes."

"Sorry, sir. I'm not feeling well po kasi", yun na lang ang naisip nyang alibi.

"I was asking if you are done talking to our sponsors."

"Yes. Yes, sir. Ready na po lahat. I'll be presenting the report tomorrow sir."

"Good. Okay, class. See you tomorrow and prepare for your presentations."

.

.

.

Sa girl's restroom...

Beatrice: Huy! Ano ba? Anong nangyayari sa'yo? Bakit tulala ka kanina?

Angel: Huh? Wala. (nakangiti pa rin habang paulit-ulit na sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin)

Beatrice: Sus! Yang mga ngiti mong parang baliw na daig pa si Sisa, alam ko yang mga ganyan e. In-love ka na naman noh?

Angel: Hinatid nya'ko kanina, Bes.

Beatrice: Ah, so si Machete pala ang dahilan. Kanina mo pa nga yan inuulit-ulit. In fairness naman kasi. Nung pinakita mo sakin kanina yung FB profile nya, ang gwapo ha. Ang yummy!

Angel: Pictures pa lang yun, Bes. Hindi mo pa nakikita sa personal. (nakatingin pa rin sa salamin)

Beatrice: Hala! Ang bestfriend ko o. Parang na-engkanto o. (tulala pa din si Angel sa salamin)

Angel: Tsaka, oo. Yummy sya. (sabay hahawak sa mga lips nya)

Beatrice: (titili) Halaaaa! Nag-kiss na agad kayo???!!!

Angel: Ssshhh..Wag ka naman maingay. Baka me makarinig sayo. Umaalingawngaw ka pa dito.

Aakto pa lamang syang takpan ang bibig ni Beatrice, nang biglang magbukas ang pinto ng isang cubicle. Parehong nanlaki ang mga mata nila nung makita kung sino ang lumabas. Guess who...ang jowa lang naman ng ex nya...si Regina. Nakatingin ito sa kanila hanggang sa tuluyang lumabas ng restroom.

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon