Thanks for waiting! I hope mag enjoy kayo sa Chapter na'to. :)
Sa loob ng bahay ng mga Bermudez, andaming mga bulaklak. Iba't-iba ang mga arrangements. Parang pro na pro ang gumawa. Naalala nya tuloy ang kwento ng mom nya na sobrang hilig ni Mrs. Bermudez sa mga bulaklak kaya nagtayo ito ng napakalaking garden sa harap ng kanilang bahay. Yung tipong kahit di mo ipagtanong kung saan ang bahay nila, basta hanapin mo ang bahay na amoy bulaklak, yun na yun!
'Aha aha! Ang ganda naman pala dito sa loob ng bahay nila. Masyadong malinis. Aba! At isa ngang Engineer ang gwapong si Machete', madadako ang tingin sa isang framed graduation picture.
"Angel!"
" Ay, Machete! A este, Jeff? oo, Jeff ikaw nga. Sorry ha. Magugulatin kasi ako e", Ramdam na ramdam na naman nya ang pagkapula ng kanyang mga pisngi.
" Pansin ko nga e. Sorry kung nagulat kita. Naghanda kasi si mommy ng Mango Graham. Sya mismo ang gumawa. Magmeryenda ka muna", sabay hawak sa kanyang kamay para alalayan papunta sa dining area.
Para bang may kuryenteng tumakbo mula sa dulo ng kanyang mga daliri, tumulay sa kanyang mga ugat papunta sa kanyang puso. Ang sarap sa pakiramdam. Yung moment na sana may lumabas na genie para magwish ka na ganon na lang kayo forever.
'Juskolord! Hinawakan ni Machete ang kamay ko! Oh, my gosh! Maghunus dili ka. Kumalma ka. Ang poise mo',pilit pinipigilang kiligin. 'At pinapatikim ako agad ng cake ng mom nya. Ano yon? Pumopogi points agad?', di na nya napigilang bumungisngis.
.
.
.
Sa hapag kainan...
" Iha, hindi ko akalain na lalaki kang napakaganda. Palagi kitang nakikita na nagjojogging sa village natin pero hindi kita masyado natititigan. Pag may gathering and party sa clubhouse hindi ka naman sumasama sa Mommy mo."
" Busy po kasi sa school, tita. Graduating na'po kasi ako. Totoo po pala ang sabi ni Mommy. Ang laki po ng garden nyo."
"Ah oo. Hobby ko kasi. Buti na nga lamang at tinutulungan ako nitong si Jeff. Daig pa ang babae e. Mas magaling pa nga sa'kin mag arrange ng flowers."
" Wala po ba kayong balak magtayo ng business like flower shop po. Malaki po yung garahe nyo. You can convert it into one."
" Alam mo kasi iha..." biglang magri-ring ang cellphone ng ginang. Makikita ang agad na paglungkot nito mula sa nakangiting mukha nung kausap si Angel. "Excuse me. Maiwan ko muna kayo ha." Agad itong aalis at papasok sa kwarto.
At syempre, silang dalawa na lang ang naiwan. Magkaharap sila ni Jeff na noon ay kumukuha ng slice ng cake. Parang gusto nyang itabi na lang yung cake at humingi na kanin. Nauna pa yung desert eh hindi pa nga nya nakakain ang ulam sa harap nya. Syempre wala namang kanin so itinuloy na lang nya ang pagkain ng cake. Hindi nya alam kung masarap nga talaga ang pagkakagawa ng graham pero parang mas naging malinamnam ito dahil sa taong nasa harap nya.
Nagfocus sya sa mga detaye ng katawan ni Jeff. 5'6 ang height nito na kitang kita kahit nakaupo. Lalaking lalaki. Sa tipo ng muscles at abs nito at nagsusumigaw na mga ugat sa mga braso, mukha itong laman ng gym. Parang ang tigas ng mga dibdib nito. Kesehodang walang kutson, dibdib pa lang nya, higaan na. Yung pag nakapatong sya sa'yo ang sarap hawakan ng ulo, kahit walang buhok. Ang lakas talaga ng dating sa kanya kapag kalbo ang lalaki. Derek Ramsey or Bamboo lang ang dating.
Napatuon ang tingin nya habang sumusubo ito ng cake, Juskolord! Paano po kyo nakagawa ng ganito ka-gwapong nilalang? Napaka perpekto ng kanyang mukha, mula sa pilik mata, sa ilong, sa mga labi..., natigilan sya sa kanyang nakita at nanlaki ang kanyang mga mata. Nabitawan nya ang hawak na tinidor at nagtalsikan ang mango graham sa table. Animo'y tumigil ang kanyang mundo.
"Angel, are you okay?", nakita nyang papalapit ang mukha ni Jeff sa mukha nya at worried na worried.
"Yeah, okay lang ako. Uhm, nakalimutan ko. Kailangan ko na nga palang umalis kasi may gagawin pa nga pala ako sa bahay. Sorry, uuna nako."
Tumayo si Jeff para alalayan si Angel, "Okay, then. Ihahatid na kita sa labas."
Hindi alam ni Angel kung paano sya nakarating sa labas ng gate ng mga Bermudez. Bumalik na lang ang kamalayan nya nung maamoy nya ang mga bulaklak sa hardin.
"Are you sure, you are okay? May nakain ka ba na hindi maganda? Hindi ba masarap ang cake ni Mama?", puzzled pa din ang reaksyon.
"Hindi, wala. Uhm, naalala ko lang talaga bigla yung gagawin ko. Nakalimutan ko may tatapusin pa nga pala akong paperworks."
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Hindi na, okay lang ako. Oo. Kaya kong mag-isa. Oo, mag-isa. Oo, ako lang," Hindi na nya namalayan ang mga salitang lumalabas sa kanyang mga labi.
"O sige, mag-iingat ka paglalakad ha. And, uhm, it was nice meeting you. I mean, thank you for letting me know you more."
"Sige, bye!" Iniwasan na nya itong tignan sa mata.
Pagtalikod na pagtalikod ni Jeff papasok ng gate, agad nagtago sa may halamanan. Inabangan nya ang mga susunod na kilos ni Jeff. At hindi nga sya nagkamali. Kitang kita ng dalawa nyang mata. May inilabas si Jeff sa kanyang bulsa at ipinahid sa mga labi. Agad syang napatakip ng bibig.
'Confirmed! Lip balm ba yon? Lip balm nga? Lip balm yon!", at may nadurog na naman na puso. Feeling nya dinukot sa dibdib ang puso nya, pinitpit ng palo-palo, binanlawan, pinigaan, kinula at isinampay sa init ng araw hanggang sa matuyo. Tuyo't na tuyo't na halos wala ng natirang dugo. Ganun kasakit ang naramdaman nya.
.
.
.
Hindi nya alam kung paano sya nakauwi sa bahay nila. Pinauulit ulit nya sa isip nya ang nakita nya sa mga kilos ni Jeff. Sobrang konti lang ang kilala nyang mga lalaki na naglalagay ng lip balm. At lahat yon, bading.
Bading? Bading nga ba si Jeff? Paano nangyari yon? Pano na yung mga muscles at abs nya? Ano ng silbi ng mga yon? Pero hindi. Naramdaman nya sa paghawak nito sa mga kamay nya. Pero hindi rin. Malay mo gentleman lang. Pero bakit ang galing nitong mag arrange ng mga flowers? Tapos naabutan pa nya ito kanina na may kipit kipit na flowers sa tagiliran.
'Juskolord, ano bang pagsubok ito. Wala namang mantikilya yung cake na kinain namin...bakit may mantikilya sya sa labi! Bakit???!!!'
"Anak!"
"Ay, mantikilya! Mommy naman. Nakakagulat ka naman e."
"Aba, Angelica! Kanina pa'ko dito sa harap mo. Sabi ko, anong gusto mong ulam? Tsaka ginabi ka na pagja-jogging. Baka naman napapabayaan mo na ang sarili mo. Hindi ka na kumakain. Sobra naman ata ang pag-eehersisyo mo."
"Okay lang po ako, Mommy. Maliligo lang po ako", wala pa rin sa sarili na pumasok sa kanyang kwarto.
.
.
.
Sa banyo, halos maubos na ang sabon sa kakikiskis nya sa katawan. Tulala pa rin, 'Kailangan kong makaisip ng paraan para maconfirm ang hinala ko kay Jeff. Hindi ako makakapayag na mawalan ng silbi ang mga muscles at abs na ilang gabi ng laman ng panaginip ko. Hinddeeeee!'
Ano nga kaya ang mga paraan na gagawin ni Angel? Magtatagumpay kaya sya o magtatayo na lang sya ng bakery ng hopia?
Thanks for reading! Sana po ay nag-eenjoy kayo sa mga kabaliwan ni Angel. Madami pang mangyayari kaya stay tuned. Hihi. :) Feel free to comment po your suggestions or reactions..para mas lalo pa akong ganahan magsulat.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not
RomancePaano nga ba pumili ng papanain si Kupido? Ano ang basehan nya para pagtagpuin ang dalawang pusong nangangailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ng isa't-isa? Mapipilit mo ba sya na panain ang taong sa tingin mo ay nararapat sa'yo? Ikaw? Karapat-dapat...