Chapter 4 - #confused

19 0 0
                                    

Background music: "...ikaw na ba si Mr. Right?...ikaw na ba love of my life...ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?..."

Papalapit ng papalapit ang mukha ni Jeff sa mukha ni Angel. Kinakabahan sya, nanginginig ang mga tuhod. Pabilis ng pabiis ang tibok ng kanyang puso. Ang sarap titigan ng perpektong mukha ng lalaki pero gusto nyang pumikit dahil gusto nyang namnamin ang pakiramdam once na maglapat na ang kanilang mga labi. Malapit na malapit na. Naaamoy na nya ang mabangong hininga nito. Gusto nyang mahimatay sa sobrang kilig pero syempre sayang naman ang moment na yon.

Bahagya na nyang ibinuka ang mga labi nya sabay pikit. Suddenly, biglang tumigil si Kim Chiu sa pagkanta. Pagdilat nya, nakakunot ang noo ni Jeff na nakatitig sa sa kanya, "Teh,kulang yung lipstick mo. Lagyan kita?"

"Nooooooooo!"

.

.

.

" Anak! Anak! Gumising ka!"

Napabalikwas ng bangon, "Mommy. Nananaginip lang ako?"

"Oo. Kanina pa ako dito. Gigisingin na nga sana kita kaso natawa ako sayo. Kanina ka pa nakanguso eh. Para bang may hahalikan. Nagulat na lang ako bigla kang sumigaw. Okay ka lang ba anak? May lagnat ka ba? Hanggang ngayon ba may nightmares ka pa din sa Mike na yon? Anong gusto mo? Gumanti tayo? Naku, igaganti talaga kita anak. Hindi ko kayang nakikita kang nagkakaganyan. Naku..."

"Mommy, tama na po. Andami nyo po laging sinasabi. Quotang-quota na po talaga kayo. Ok lang po ako. Bad dream lang po."

"Okay, sige. Basta anak, nandito lang ako ha. Magsabi ka lang. O sya. Bumangon ka na dyan at nagluto ako ng agahan. Holiday ngayon. Magluluto din ako ng chicken arrozcaldo para sa meryenda."

"Sige po."

Pagkalabas ni Aling Martha, agad nyang kinuha ang cellphone nya.

Facebook Status: "Bad dream." - feeling sad (sad emoticon)

Bumangon na sya sa kama at agad na nagshower. Inisip na lang nya na baka sakaling ma-wash out na lang lahat ng disappointments nya.

Paglabas nya ng banyo, tumunog ang cellphone nya.

Facebook Notification: Jeffrey Bermudez sent you a friend request.

Namula na naman ang kanyang pisngi, 'ina-add ako ng bakla?'

Accepted Friend Request.

'Sige. Bababantayan ko ang wall nya. Siguro makakatulong to sakin para ma-confirm ko ang mga hinala ko.'

Facebook Notification: Jeffrey Bermudez commented on your post.

"Why sad?"

'Susme. Chismosong bading. Hmp!,' itinuloy na nya ang pagbibihis tsaka bumaba para mag-agahan. As usual, spaghetti sando and boxer shorts ang sinuot nya. Gusto nyang magrelax buong araw. Ita-try nya na wag na muna mag-isip ng kung ano-ano. Ilang araw na rin syang tulala at hindi makausap ng matino.

.

.

.

Habang pababa ng hagdan...

"Anak, ang tagal mo namang maligo. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Hindi mo ba ako naririnig?"

"Ho! E bakit ho ba?"

"O e ayan. May bisita ka. Jeff, dito ka na rin mag agahan. E ano ba kasing lahi mo? Yung intsik kasi tanghali manligaw, e ikaw ang aga-aga," biglang bubungisngis si Aling Martha.

"Mommy, hindi po nanliligaw si Jeff."

"O e para saan yung mga bulaklak o, ang dami. Ano yan? Ibebenta sa'yo? O iaalay sa'yo? Bakit? Poon ka ba?"

Tumayo si Jeff mula sa sofa, kinuha ang mga bulaklak at iniabot kay Angel, "Para sa'yo. Sorry, hindi ko alam yung gusto mong flowers kaya ito na munang Tulips ang dinala ko."

"Para saan to, Jeff?", hindi nya napigilang mapakunot ang noo dahil inis pa sya rito. 'Mapagpanggap kang bakla ka'.

"Hoy, kayong lovebirds. Dito nyo na sa hapagkainan pag usapan yan at ng makakain kayo. Ako'y aalis muna at bibili ng mga pang sahog sa Arrozcaldo mamaya. Jeff, maiwan ko muna kayo ha", ani Aling Martha.

.

.

.

Tahimik. Tanging kutsarita na naghahalo ng kape ang maririnig.

"Sugar?", alok ni Angel kay Jeff.

"Yes, please. Salamat."

"So, para saan yung Tulips?"

"Para hindi ka na malungkot. Remember, your FB status?"

'E ano namang pakialam mong bakla ka sa status ko sa FB? Why do you care?', kausap ang sarili.

"Thank you nga pala sa pag accept mo sa friend request ko. I was about to send you a PM kanina when i saw your post pero sabi ko mas maganda if pupuntahan na lang kita."

"Jeff, para saan ba'tong mga to? Yung tulips, yung concern mo? Hindi ko kasi ma-gets e."

"I want us to be friends."

Biglang natigilan si Angel. 'Narinig ko na to e. Ang huling nagsabi sa'kin ng ganyan ay yung magaling kong ex. Hmmm, baka naman friendship lang talaga ang habol nito. Naku ha. Baka maghiraman pa kami ng make-up nito. O kaya baka biglang manghiram sakin ng mga dress.'

"Pwede naman tayong maging magkaibigan ng hindi mo'ko binibigyan ng flowers di ba?," baling nya rito.

"Angel, i like you!", sabay hawak ni Jeff sa kamay nya. Dalawang kamay at inilapit nito ang kanyang katawan sa kanyang katawan. Paghawak ni Jeff sa mga kamay nya, hindi sinasadyang may masanggi na nagdulot ng matinding kuryente sa buong katawan ni Angel. Napatingin si Jeff sa dibdib ni Angel. Nasaksihan nito ang dalawang pasas na nakabakat sa sando nito.

Tumigil ang mundo ni Angel. Nanlaki ang mga mata nya. Ngayon lang gumana ang isip nya, 'Shet! Wala akong bra!'


Abangan po ang susunod na mga Chapters. Salamat sa pagbabasa. More votes po sana and comments. Thank you.

-msbipolar

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon