Warning lang po. This Chapter contains scenes that are not suitable to young audiences. ;)
Medyo na carried away din ako kaya medyo humaba ang chapter na'to. Happy reading!
Text messages...
Jeff - Hi.
Angel - Hu u?
Jeff - It's Jeff.
Angel - Where did you get my number?
Jeff - From Tita Martha.
'Wow ha. Tita na ang tawag kay mommy.'
Angel - Why?
Jeff - I just want to thank you for having breakfast with me..and lunch..and meryenda.
Inis na inis sya. Naglabas kasi ang magaling nyang mommy ng madaming DVDs at popcorn at panoorin daw nilang dalawa ni Jeff. Ayun, nahiya pa nga e. Muntik ng abutin ng dinner sa bahay nila. Pero in fairness, na-enjoy nya ang time nya with Jeff. Sobrang witty ito at may humor pa. Maya't maya syang pinapatawa sa mga jokes nito.
Angel - Wala yun. Ang kulit kasi ni mommy e.
Jeff - So, napilitan ka lang ba?
Angel - Hindi.
Angel - I mean, ok lang.Wala din naman akong gagawin dito sa bahay e.
Jeff - Pwede ba kita makita ngayon?
'Wow ulit ha! Gusto nya akong makita? Parang hindi naman kami magkasama buong araw.'
Angel - Why?
Jeff - Para makatulog ako.
'Para makatulog? Bakit? Nasa akin ba kumot at unan mo?'
Jeff - Sorry. Nakukulitan ka na ba sa'kin?
Angel - Sige. Come over. Let's talk.
.
.
.
Mahangin sa terasa ng bahay nina Angel. Nakaka-hele ang lamig. Pero si Angel hindi mapakali. Dederetsahin nya na si Jeff about sa pakay nito at sa kung ano talagang totoong pagkatao nito.
Wala pang isang minuto syang nakaupo sa swing nila, nasa gate na agad si Jeff. May dala na namang bulaklak.
"Ano bang balak mo? Balak mo bang ilipat ang buong garden nyo sa bahay namin?", sabi nya dito after buksan ang gate.
Tahimik si Jeff. Seryoso ang itsura nito . Nakatingin lang ito sa kanya. Hindi malaman kung iiyak ba'to o ano. Basta hindi nya maipaliwanag ang facial expression na yon.
Papasok na sana sila sa pinto ng bigla syang hilahin ni Jeff papalapit sa katawan nito.
He cupped her face. "Angel, hindi ko alam kung anong nagawa kong masama sayo pero ramdam ko na inis ka sa'kin. Pero ang importante, nasabi ko sa'yo na gusto kita. Alam ko, kakagaling mo lang sa break up and i'm willing to wait until maging ready ka ulit pumasok sa isang relasyon. I have been so alone until makilala kita. Ilang gabi na'kong hindi makatulog. Ikaw lagi ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginamit mo sakin pero ikaw lagi ang hinahanap ko", hinalikan nito ang mga kamay nya.
Hindi alam ni Angel kung anong gagawin. Pero hindi. Tuloy pa rin ang plano. Gusto nya muna magkaron ng linaw ang hinala nya. Baka mamaya magka boyfriend pa sya na bading.

BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not
RomancePaano nga ba pumili ng papanain si Kupido? Ano ang basehan nya para pagtagpuin ang dalawang pusong nangangailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ng isa't-isa? Mapipilit mo ba sya na panain ang taong sa tingin mo ay nararapat sa'yo? Ikaw? Karapat-dapat...