Eto na naman si Angel. Ang haba ng hair ng lola mo! Hahahaha! Enjoy reading po!
10:00 am. First class ni Angel. Kanina pa ngawa ng ngawa ang professor nya pero walang pumapasok sa utak nya.
"Paano kung hindi ako dumating? Hindi mo sya aawatin sa paghalik sa'yo?"
Parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak nya ang sinabi ni Jeff last night. Paano nga ba kung hindi dumating si Jeff, aawatin ba nya si Mike sa paghalik sa kanya? Na-miss nya ang mga halik na'yon, aminado naman sya. Pero bakit sa tuwing dadampi ang mga labi ni Mike sa mga labi nya, mas lamang ang kirot na nararamdaman nya. Kirot ng nakaraan. Kirot na masakit...pero masarap? Mahal pa nga ba nya ito?
'Bakit naman kasi bumalik balik ka pa? Lalo tuloy akong naguguluhan?'
Ichecheck ni Angel ang cellphone nya. Walang texts, walang missed calls. Mapapatingin sya sa wallpaper nya. 'Hanep! Ang sweet namin. Parang mag-jowa lang ah. Pero bakit di ka pa ulit nagpaparamdam Machete ko? In fairness, nakakamiss ka pala.'
Text message sent to Jeff. Syempre di na sya nakatiis.
Angel – Good morning!
1 minute, no reply.
2 minutes, wala pa din.
3 minutes, "Ms .Paredes! No cellphones during my class!"
Nagvibrate bigla ang phone nya. Too bad hindi na nya pwedeng macheck dahil baka mapalabas sya ng professor nya na parang ang laki ng galit sa lovelife.
Suddenly, the bell rang! 'Woohoo! Thank you, Lord!'
Papalabas na si Angel sa classroom para icheck ang cellphone nya nang biglang sumalubong sa kanya si Mike. Kanina pa pala nakaabang sa labas.
"Lunch?", maamo ang mukha nito pagsalubong sa kanya.
"Kanina ka pa ba dyan?"
"Yeah, actually. Kanina ka pa nga tulala e. May sakit ka ba?", sabay hawak sa noo at leeg nya.
Sweet pa din talaga ito. Isa ito sa mga nami-miss nya sa binata. Lagi itong nakabantay sa kanya. Lalo na pag may sakit sya. Mas nakabantay nga ito sa kanya kaysa sa mommy nya. Laging may flowers at fruits pag dumadalaw sa kanila. Minsan pa nga nitong dinala ang family doctor nila sa bahay nila nung masamang masama ang pakiramdam nya. Kaya ganun na lang ang sakit na dinanas nya nung magbreak sila. 'Shet! Eto na naman sya. Ang sakit na naman.'
"Saan mo gusto kumain?"
"Uhm, kahit saan. I only have 1.5 hours for my next subject."
"Let's go!"
.
.
.
Sa Yoshinoya sila tumuloy kung saan lagi silang kumakain nung sila pa.
"Okay ka na ba?", hindi nya alam kung bakit ba ito ang naitanong nya. Kung concerned ba sya o wala lang talaga sya maitanong. Pamatay dead air kumbaga.
"Well, coping. Thank you for spending time with me yesterday."
"Wala yon."
"Uhm, Angel. Yung nangyari nga pala kagabi..."
"Wag mo na isipin yon. "
"Kayo na ba nung lalaking yon?"
"Ha? Uhm...", biglang tutunog ang cellhone nya. Si Jeff.
"Hello?", casual na sagot lang ang lola mo.
"Hey", malamig ang tono ni Jeff.
"Nasan ka?", medyo excited ang tono ng boses nya.
"I brought your favorite Japanese food. Kaso late na ata ako. Na naman. Apparently, you are already having lunch with some faggot.", galit na sagot nito.
Pagtingin nya sa labas ng restaurant, nandun si Jeff. Nakatayo at matalim ang tingin sa kinaroroonan nila.
"Jeff, uhm..."
"Hey, no need to explain di ba? Akala ko lang kasi you miss me kaya ka nagtext. Anyway, I'll eat these by myself." Sabay alis.
"Nakabuntot na naman pala ang faggot na yan," nakita na rin ni Mike si Jeff sa labas.
'Wow ha! Parehong faggot ang tawag nila sa isa't-isa. Kayo na lang kaya. Tapos ang endearment nyo is "faggot".'
"Boyfriend mo na ba sya?"
"Uhm, sorry Mike. I need to go. Male-late na pala 'ko sa next class ko."
"Alright. Hatid na kita."
"No. Just finish your food. I'll be okay.", Sumabay sa pagtayo nya si Mike at binigyan sya nito ng mabilis na kiss sa lips.
Hindi nila alintana na nasaksihan pa ito ni Jeff na nakatanaw pa rin sa di kalayuan.
.
.
.
5:00 pm. Sa totoo lang ayaw na nya lumabas ng classroom. Natatakot na sya na baka nakaabang na naman si Mike sa labas. Dinukot nya ang cellphone nya. Agad nyang idinial ang number ni Jeff. Naisip na lang nyang magpasundo dito.
"Hello?", babae ang sumagot.
Natigilan sya. Hindi nya alam kung paano magrerespond. Na-comatose na naman sya. Pinindot nya ang end call. 'Bakit babae ang sumagot? Hindi naman yun boses ng Mama nya ah. Bahala na nga sya. Bahala na nga sila.'
Sumilip sya sa labas ng classroom and thankfully, walang tao sa labas. Walang Mike na naghihintay. Agad syang tumakbo palabas at pumara ng taxi.
.
.
.
Sa loob ng subdivision, mauunang madadaanan ang bahay nina Jeff bago makarating kina Angel. Parang may kung anong nag-utos sa kanya na tumanaw dito. Para namang sinasadya ng tadhana ang lahat. Nakita nya ang pagparada ng sasakyan ni Jeff sa tapat ng bahay nila. Nagmamadali itong bumaba from the driver's side para buksan ang passenger's seat.
Bumaba ang isang babae. Mukhang model. Maganda at sexy. Medyo tisayin ang dating. Hawig kay JessieMendiola. Ganun yung level ng ganda nung girl. Napasimangot agad sya. Dinukot nya ulit ang cellphone nya at idinial ang number ni Jeff. Pero makikita nya ang babae na hawak ang cellphone ni Jeff at iniaabot ito sa lalaki. Inend call na lang nya ulit.
'Bakit kaya non hawak ang cellphone ni Jeff? Ambilis naman nyang makahanap ng iba. Well, di nga pala kami. So wala akong karapatan and wala syang obligasyon para mag-explain.'
.
.
.
Sa bahay ng mga Bermudez.
"Ninang!", salubong agad ni Myra kay Mrs. Bermudez.
"Jusko ang inaanak ko! Ang ganda-ganda mo iha! Walang pagbabago!", magbebeso-beso ang dalawa.
"Kayo din po ninang. Kumusta po kayo?"
"Eto. Naku, andami kong mga biniling orchids from Bangkok. I should show you. Ang tagal mo na ring hindi nadalaw dito. Was it 5 years ago when we last saw each other?"
"Yes, tita. Na-miss ko nga po kayo e pati itong si Jeff. Super busy lang po talaga. Alam nyo naman sa New York. We never stop working even on weekends."
"Kaya nga iha, niluto ko ang mga paborito mo. I promised your mom that I will take care of you while you are here. Jeff, you should tour her around. O sya tara na sa dining area. I bet you're hungry ha inaanak?"
Naku si Jeff! Selos to the max na talaga! Pa'no naman kaya itong si Angel? Selos to the max din ang lola mo. Ano nga ba ang magiging papel ni Myra sa buhay ni Jeff? Tignan natin.
Thank you so much for reading this chapter! Keep on voting and posting your comments! Yun lang po ang nagpapagana sa'kin para magsulat. ;)
-madam_bipolar (pinalitan ko po ang pen name ko kasi may kapareho ako)

BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not
RomancePaano nga ba pumili ng papanain si Kupido? Ano ang basehan nya para pagtagpuin ang dalawang pusong nangangailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ng isa't-isa? Mapipilit mo ba sya na panain ang taong sa tingin mo ay nararapat sa'yo? Ikaw? Karapat-dapat...