CHAPTER 11 - #padudaypart2

14 1 1
                                    


Wag na po kayong magalit. Alam ko mag be-beast mode ulit kayo sa chapter na’to pero kelangan talaga sa story. Hehe. More comments and votes po, please. Thank you!

Warning: Adult scenes content


Maagang nagising si Angel kahit tanghali pa ang pasok nya. Kahit tatlong oras lang ang tulog nya parang gising na gising pa rin ang diwa nya.

Nag start na syang maglakad palabas ng subdivision. Sinadya nya talagang dumaan sa street nina Jeff. Wala pa rin ang kotse nito sa garahe. Nagpatuloy sya sa paglalakad. ‘Hindi ka pa rin umuuwi Jeff. Wala pa ring texts from you. Hindi ako sanay. Ikaw lagi ang nauunang mag good morning sa’ting dalawa tapos ngayon wala. Siguro nga girlfriend yung Myra na yon. Pero bakit hindi mo naman nabanggit sakin? Ano ba talagang meron?’

Poooot poot!!!

“Ay, kabayo!”

“Angel! Buti naabutan kita!”, si Mike.

“Mike?! Anong ginagawa mo dito?”

“Ihahatid kita sa school. Let’s go.”

Wala nang nagawa si Angel. Mas okay na yung ganitong may kasama sya para hindi nya maisip si Jeff.

“Nag breakfast ka na ba?”, si Mike.

“Yeah. Hindi naman pumapayag si mommy na umalis ako ng bahay ng hindi nag-aagahan. Alam mo naman yon.”

“Okay, then.” May aabutin ito sa likod ng kotse. “Here! For you.” Bouquet ng flowers.

“Para saan to, Mike?”

“Wala. Na-miss ko lang na bigyan ka ng flowers.” Sabay hawak sa kamay nya.

Hindi nga naman ito nakakalimot magbigay sa kanya ng flowers everytime na magkikita sila..nung sila pa. Hindi na lamang itinuloy ni Angel ang conversation kasi ayaw na nyang maungkat pa yung past nila.

8:00 in the morning, nasa Edsa na sila. Biglang tutunog ang cellphone ni Angel sa loob ng bag. Biglang lumiwanag ang mukha ni Angel. ‘Baka si Jeff!’

Text message:

Beatrice – Bes, are you up? Wala daw si Prof. Wala tayong pasok ngayon. Yipeee! Let’s go shopping!

Angel – What? Okay. Thanks for the heads up. Pass muna ‘ko. I’m not feeling well.

Beatrice – Okay. See you next week, Bes. Happy long weekend!  ;)

“Is everything okay?”, si Mike.

“Ha? A si Beatrice. Wala daw kaming Prof ngayon.”

“Really? Di ba sya lang naman ang subject nyo today?”

“Yeah.”

“Nice! Well, nandito na rin lang naman tayo. Let’s go somewhere else.” na-excite bigla ang mukha ng binata.

“Mike...”

“Oops! It’s not what you think, Angel. We’ll just relax today, okay?”

“Sige. Ikaw bahala.”

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon