Chapter 7 - #cloud9

26 0 0
                                    

Whew! Medyo nahirapan ako sa Chapter 6. Ang hirap talaga magsulat ng adult scenes. Hehe. Kaya medyo light lang po tayo ngayon. Kilig mode on! Enjoy reading!

"I love you, baby", ani Jeff sabay halik sa mga labi ni Angel.

Kanina pa sila nasa harap ng bahay nina Angel pero parang ayaw pa nyang bumaba sa sasakyan. Una, dahil gusto pa nya makasama si Jeff at pangalawa dahil nanghihina pa ang mga tuhod nya.

"Jeff, alam mo naman na..."

"Sshh...no need to answer right now, baby. Let me just show you how much i love you. okay?", halik ulit sa mga labi ni Angel.

"Thank you for tonight, Jeff."

"I had a great time being with you, Angel. Kung pwede nga lang iuwi na kita e. Isang kanto lang o", pilyong sagot nito.

"Bababa nako. Baka makita pa tayo ni mommy."

"Alright, we'll text all night right?"

"Okay." Matipid na sagot ni Angel.

.

.

.

Pagbukas ng pinto, madadatnan ni Angel si Aling Martha na nanonood ng paborito nitong teleserye.

"Sino po sila? Aba! Angelica, ikaw ba yan? Kelan ka pa naging prosti?"

"Mommy naman e. Masagwa ho ba?"

"Joke lang anak. Ang ganda mo nga sa damit na yan e. O e ano bang meron sa school at nakaganyan ka? Hindi mo naman sinabi na may program. E di sana napanood kita at nagpicture picture pa sana 'ko."

"Uhm, si Jeff po ang bumili nito. Nagdinner lang kami sa labas after nya'ko sunduin sa school."

"Aba! Napaka-sweet naman ni Jeff ano. Naku hindi iyan nagawa ng Daddy mo sa akin nung kami'y nagliligawan pa lamang. E isang tali ng sampaguita o kaya isang bagong pitas na gumamela e masaya na'ko. Alam mo ba noong bata pa kami ng Daddy mo..."

"Mommy, ilang beses nyo na'po nakwento yan. Aakyat na po ako at maliligo."

"O sya sige. Teka lang.", lalapit ito kay Angel at may tititigan sa bandang leeg. "Ano yang nasa leeg mo? Pantal ba yan?"

She blushed, 'Oh my. Kiss mark ata. Jeff naman kasi e.' "Uhm, lamok po siguro yan mommy, ang kati nga po eh. Sige na po. Makaligo na."

"O sige, umakyat ka na. Lagyan mo ng gamot yan ha. Baka magka-dengue ka pa. Aba e napakalaki namang lamok nyan ano!", hindi na nya nakita kung paano ang reaksyon ng mommy nya dahil agad na syang tumalikod dito sa sobrang hiya.

.

.

.

Mga 5 minutes na syang nasa ilalim ng shower. Wala syang ginagawa kundi nakababad lamang at ninanamnam ang malamig na daloy ng tubig.

'Oh my g! Nag momol kami.' Hindi pa rin nya makalimutan ang kuryente at kilig na naramdaman nya kanina habang kasama si Jeff. 'I felt like i am a princess. Sinamba nya'ko sa iilang oras na magkasama kami. Ang sarap sa pakiramdam. Natawag ko tuloy syang baby. I'm sorry, Jeff. Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Ayokong maging rebound ka lang. Gusto ko munang makasigurado sa feelings ko and sa...pagkatao mo. Hays, naguguluhan pa rin ako. Hindi mo naman kasi sinagot ang tanong ko.'

Text message from Jeff - I miss you already, baby.

Angel: Hmm...bakit di ka pa natutulog?

Jeff: Paulit-ulit ko kasi iniisip yung kanina. Sobrang saya ko, Angel. Ayoko na ngang matapos e. You have no idea how thankful i am sa traffic kasi ayaw pa kita ihatid sa inyo. Hehe.

Angel: Baliw ka talaga.

Biglang magri-ring ang cellphone niya.

"Jeff?"

"Hi, baby."

"Ano ka ba bakit ka pa tumawag?"

"I just want to hear your voice."

"OA ka na ha. Para ka ngang nagayuma. Hahahaha!"

"Baby, do you still believe in harana?"

"Huh? Okay lang. Bakit mo naman naitanong?"

"Hold on. I'll put you on speaker." Maririnig na lamang ni Angel na naggigitara si Jeff.

Loving can hurt, loving can hurt sometimes,

But it's the only thing that i know.

When it gets hard, you it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel alive.

We keep this love in a photograph,

We made these memories for ourselves

Hearts are never broken, times forever frozen still

So you can keep me, inside the pocket of your ripped jeans.

Holdin' me closer 'til our eyes meet

You won't ever be alone, wait for me to come home.

"Wow. Ang galing mo pala kumanta, Jeff. Ang lakas maka Ed Sheeran ha. Hehe."

"Nagustuhan mo ba, baby? Sorry ha. Yun lang nakayanan ko e."

"Wow ha. Ang yabang ha. Siguro andami nagkakandarapang mga girls sa'yo dati nung nagsu-school ka pa noh?"

"Actually...sa'yo ko lang to ginawa. Ikaw pa lang ang babaeng kinantahan ko."

She blushed again. "You're so sweet, Jeff. Thank you." Yun na lang ang nasabi nya.

"Anything for you, baby. I'm so glad you liked it. I love you."

"Goodnight, Jeff."

"Goodnight, baby. Sweet dreams."

Ang sarap na naman ng tulog ni Angel ano po? Hahahaha! Wait for the next Chapter. ;)

Please keep on voting and more comments po. Thank you!

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon