CHAPTER 13 - #kissandmakeup

37 1 1
                                    


Tanghali na nakabalik ng Manila sina Mike at Angel. Hinintay pa kasi nila ang driver nina Mike at pinaayos pa ang kotse.

"Thank you, Mike. I had a great time", si Angel habang pababa ng kotse.

"Anytime, Babe. Magmula ngayon, dadaanan na kita sa umaga, sabay na tayo papasok sa school at sabay uuwi. Just like the old days. Okay?"

"Gusto ko na lang muna magpahinga Mike. Medyo mahaba ang byahe."

"Okay, Babe. You rest well", hahalik ito sa noo ng dalaga.

"O iha! Mabuti at nakauwi ka ng safe", salubong ng mommy nya. "O Jeff, nandito na si Angel. Iiwan ko na muna kyo ha."

Biglang matitigilan si Angel. 'Bakit sya nandito? Hindi sila magkasama ng girlfriend nyang model.'

"For you", tatayo si Jeff with the roses.

"Umupo ka muna", Mapapansin nya na nangangalumata si Jeff. Parang walang tulog. "Napano yang kamay mo?"

"Wala 'to. Minor lang. Pwede ba tayo mag-usap?"

"Para san pa, Jeff?"
"Para sa'tin. Ambilis mo naman ata makalimot."

"Sino sa'tin ang mabilis makalimot, Jeff?"

"Sino ba unang sumama sa ex?"

"Binigyan mo ba'ko ng chance to explain?"

"Angel, you know much i love you right?"

"Really? Kaya pala natulog ka sa ibang bahay kasama ang ibang babae."

"Who told you about Myra?"

"Oh yeah. Myra nga pala is the name. Tinawagan kita. Sya lagi ang sumasagot. Kelan pa nya naging pag-aari ang cellphone mo?"

"Wala syang sinabi sakin na tumawag ka. I called you, too when you were with Mike sa Tagaytay."

"Wala rin sya nabanggit sakin."

"Angel, wait. Kumalma tayo pareho. I think this is a complete misunderstanding."

Kakalma ng konti si Angel, "Yeah, you are right."

Lalapit si Jeff kay Angel. Hahawakan nito ang dalawang kamay ng dalaga, "I missed you, baby. So much. You have no idea kung gaano ako kagigil nung nalaman ko na magkasama kayo ni Mike. Lalo na na magkasama kayo buong gabi."

"I'm sorry. Hindi naman namin ginusto na dun matulog e. Nasiraan lang talaga kami."

"Ssshh...no need to explain. Ang importante sa'kin ngayon, nandito ka na and nagkausap na tayo", yayakapin si Angel ng sobrang higpit. "I love you so much, Baby".

"So, who is Myra?"

"Ganito. Magbihis ka. May pupuntahan tayo."
.
.
.
Bumalik sila sa hotel kung saan nagsstay si Myra.

Pagbukas ng pinto, agad na yayakap si Myra kay Jeff at hahalikan ito sa lips. Naka spaghetti sando lang ito at panty, "Sabi ko na nga ba mamimiss mo'ko agad e." Late na nya mapapansin na nasa likod pala ng binata si Angel.

Agad kakawala si Jeff sa pagkakayakap ni Myra.

"Myra, this is Angel. Angel, this is Myra, kinakapatid ko. Ninang nya si Mama."

"Oh! Hi Angel. Come in, guys", bitch face.

Sa sala, darating si Myra na may dalang juice and cookies.

"Feel at home, guys."

"Thank you", matipid na sagot ni Angel.

"Oh, Jeff", may iaabot sa binata. "You left your credit card. Lasing na lasing ka kasi e", titingin ito kay Angel at ngingiti na parang nakakaloko.

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon