Hangang sa Muli

378 2 0
                                    

Isa lamang itong tula... na tungkol sa pagkakaibigan, na nadagdagan ng pag-ibig na hindi binalikan. Kinalimutan, binalewala, hangang sa magwala na ang nagmahal. Ngunit siyang nagtimpi at napansin, na isa pa lamang ito sa mga pagsubok na kanyang haharapin.

************************************

Noong minsan tayo'y nagkausap
Ang kalawaka'y natahimik sa iyong kagandahan
Ang tubig at hangin kumalma sa iyong lumbay
Wala nang marinig, ako sayo'y naghihintay

Iyong tinig lang ang narinig
Ano mang sabihin, sayo lang ako papanig
Ang boses mo'y walang katumbas
Kahit magdamag, hindi nakakatamad

Ako na iyong pinagkatiwalaan
Iyong mga duda, sa akin binalita
Sa mga paghihirap, ako'y iyong ginhawa
At ako nama'y unan sa iyong pagdurusa

Nang matapos ang usapan
Ako'y iyong nilisan
Ako'y nagwalang bahala
Parang di na ako nakilala

Ilang buwan ang lumipas
Ako'y kinalimutan na
Umagang bati'y hinahanap
Ako'y aasa nalang ba?

Pilit kang kausapin
Walang pakialam sa iba
Hindi na kayang magtiis
Ako'y nagwawala na

Ngayon ako'y nagtataka
Natuliro sa pag iisip
Di na mahanap ang sagot
Sino nga ba ko sa'yong tingin?

Ilang panahong lumipas
Tayo'y nagusap muli
Lahat ng iyong hayag
Ngayo'y binanggit sa akin

Lubos ang tindi
Ng sakit sa aking dibdib
Ako'y napatigil
Di na nakaimik

Noong minsan tayong nagkausap
Ang kalawaka'y natahimik sa iyong kagandahan
Pero ako itong hangang tingin na lamang
Nananatili sa isip na ika'y pangarap lamang

Sa bawat oras na ikaw laman ng isip
Pansin ng iba ang likod ng aking ngiti
Aaminin kong sa pag-ibig ako'y sawi
Ngunit ako sayo'y muling babawi

Marahil ngayon ay hindi pa panahon
Baka sadyang nagmamadali lang ako
Kaya ako sayo'y maghihintay
hangang ang tayo'y magbalik-buhay

Hopeless (Collection of Poems)Where stories live. Discover now