Maraming taon na ang nakalipas,
Ang puso ko'y iisa parin ang palabas,
Ang palabas? Ikaw.
Oo ikaw.
Ikaw na nagbigay ng ngiti sa aking labi,
Ikaw na yumakap sakin sa gabing malamig,
Ikaw na gumabay sakin pag ang damdamin ko'y yumayanig,
At ikaw, na naging dahilan sa pagluha ko gabi gabi,Parang tayo yung Jack and Rose sa titanic,
Yung hangang sa mamatay tayo ay mamahalin natin ang isa't isa,
Pero bakit parang ang namatay e ang konsensya ko?
Bakit parang ako nalang yung nagmamahal sayo?
Bakit parang hindi mo na ko kilala sa pagkakataong ito?Yung sakit na iniwan mo,
Nandito parin sa puso't isipan ko,
Pero alam mo?
Kahit na irapan mo ko harap-harapan
Kahit sabihin mo pang di mo na ko kilala
Kahit anong gawin mo saking masama,
Mahal parin kita.
Mahal na mahal na mahal parin kita.Tanga na kung tanga pero mahal kita.
Kahit maraming bago na sa aki'y naghihintay,
Kahit ang puso ko'y pilit mong pinapatay,
Kahit patuloy mong sabihin na sa puso mo'y di ako papantayMamahalin kita.
Ako na yung tangang nagmamahal sayo.
Ako na yung manonood ng palabas sa puso ko kahit bawal akong panoorin to.
Ako na yung bibili ng ticket kahit isang milyon ang presyo,
mahalin mo lang ako pabalik.Minsan nga tanong ko rin sa sarili ko e,
Kailangan pa ba ng 3D glasses upang maliwanagan ako sa katotohanan?
Kailangan bang IMAX theater ang papanooran para mas kita ko ang mga nakaraan?
Kailangan bang Blu Ray o DVD ang aking papanooran para maging malinaw sakin ang lahat?
Hindi naman siguro di ba?Pero mahal,
Maraming taon man ang lumipas,
Puso ko'y ikaw parin ang ipapalabas,
Ikaw parin ang pelikulang papanoorin ko,
Ikaw parin ang tanging artistang susuportahan ko,
Ikaw parin ang palabas sa dinarami raming commercial na hihintayin ko,
Ikaw, ang tanging taong mamahalin ko,Ako lang siguro ang taong bibili ng ticket sa sinehan kahit sa katotohanan ay bulag ako, pero ano naman? Ganun pag mahal mo eh.
YOU ARE READING
Hopeless (Collection of Poems)
PoetryMost of them are in English. Pero may tagalog din. Hahaha