************************************
I did this as a project in my filipino subject back in junior high school. Back when I was very much still hurting. This was my first spoken word poetry ever.
Ever had a relationship where you believed so much that the other loves you as well, but in the end you'll find out that it wasn't true at all? "Akala".. akala mo lang pala ang pagmamahal niya. Lahat ng sakit naibuhos na sayo ng salitang akala... At patuloy kang sasaktan nito hangang sa patuloy mo pang paninindigan ang akala mong pagmamahal niya para sayo.
Tigil na.. maintindihan mo sana na nakakamatay ang maling akala.
************************************
Gusto kong magsimula sa salitang AKALA
Akala ko, walang hanggan
Akala ko, wala na ang nakaraan
Akala ko, hindi ka na madadatnan
At Akala ko.. hindi na kita mahal.Matagal ko nang kinukuro
Bakit ba ko nagkagusto sayo?
Lahat nalang kasi ng bagay
Naisip kong ikaw
Mga litrato, salita, pelikula, libro at kung ano pa yan
Naihahalintulad ko iyon lahat sayo.Dati pa man ay aking kuro
Ikaw at ako
Kailan pa kaya magiging tayo?
Kung bawat galaw ng hangin
Bulong sakin
Sa iba ka daw nakatingin
Pero ikaw itong lumapit
Sakin motibo mo'y sumapit
Naramdaman ko ang kapit mong mahigpit
Na akala ko di mag mamalupitAng saya saya ko,
Yung akala mo mabubulag ka sa aking malapad na ngiti
Yung minamadali ko kasi baka tapos na sa isang saglit
Kaya akala ko di mo ko minaliit
At di mawawala ang iyong kapitPero sumakalawang araw
Na tayo'y mag kasama
Ako'y napuno na sa mas marami pang akala.Akala ko nandyan ka, kapag nalulungkot ako
Pero ikaw pa pala itong dahilan ng luha ko.Akala ko'y lambing mo ay walang hanggan
Pero ikaw pala itong, manlalamig na lamang.Akala ko, tulad ko, iniisip mo rin ako
Yung bawat segundo, ikaw lang laman ng puso't isipan ko.Pero yun pala, para kong utang, na matagal nang kinalimutan at binalewala.
At dumating ang panahon..
Yung panahong ang mga ibo'y nagsisigawan
Yung aking mga luha na kala mo dyamante sa kinang
At yung mga salitang ikaw lamang ang nagbitaw..Na ang pag-ibig mo'y akala ko lang pala.
At ngayon..
Yung mundo'y kala mo'y unos na
Yung karagatan kala mo'y lulunurin ka
Yung mga bundok kala mo'y tatabunan ka ng lupa
Sa galit at sakit.. na dinala ng yong mga salitaSobrang sakit.
Ang sakit sakit malulong sa akala.
Kaya mahal ko, pagbigyan mo ko sa madramang pagsagot sa aking mga kuro. Hayaan mo akong malasing sa pag iisip sa mga inakala ko sayo. At pakinggan mo ang mga huli kong salita para sayo.Ngayon, wala akong pakialam kung masaktan ako. Yung halos kapusin ako ng paghinga dahil sa pag abot sa puso mo, kahit nilulunod nako ng luha ko. Pero dapat ko lamang tandaan,
Na hindi lahat ng bagay, sa akala idinadaan. Kaya salamat aking mahal, sa pag tyaga sa pakikinig ng aking salita.. at sa pagparamdam sakin ng pag ibig at luha.. pero makakalimutan ko rin naman na ang pag-ibig mo'y akala ko lang pala.
YOU ARE READING
Hopeless (Collection of Poems)
PoesíaMost of them are in English. Pero may tagalog din. Hahaha