YOHAN'S POV
Pinagmasdan naming lahat ang mga kamay ni Sir Frank habang isa-isang isinasalang sa apoy ang mga papel namin.
"As the fire burns your paper, Isipin niyong ito yung mga agam-agam at hinanakit ninyo....Gaya ng papel ay mawawala na ito." Sir Frank
Napatingin ako sa dereksyon ni Ashley.
Nakita kong may tumulong luha sa mga mata nito. Agad namang hinawakan ng kasintahan niyang si Noah ang kanyang kamay. Anong meron? Feel na feel ba talaga nila tong pakulo ni sir?
Naramdaman kong biglang may umakbay sa akin. Si Chase
"Ano nilagay mo dun yo?" Tanong ni Chase
Saglit akong napatitig sa papel na kasalukuyang nag-aalab. "Am i supposed to write something there?"
"Idiot" Chase
"Idioter" I said and gave him a playful smirk.
"Idiotest" Chase
"RIP english" bigla namang sabat ni Clark
Napatingin ako sa dereksyon ni Damon. Malayo ang mukha niya sa damon na nakita ko kanina. Seryosong-seryoso siya gaya ng mga kaklase ko habang pinagmamasdan ang mga papel na sinusunog.
"Yung kapatid mo oh" pabiro kong saad kay Clark at agad na tinuro si Damon.
"Ano kayang sikretong tinatago nitong si Damon?" Chase
Agad kong sinamaan ng tingin si Chase. Ngumiti lamang siya at binigyan ako ng I know calm down-look at ginulo ang buhok ko gaya ng dati.
"Aanhin pa ang sikreto kung ipagsasabi mo lang to?" Biglang sabat ni Anika na nasa hindi kalayuan. Teka nakikinig ba siya sa usapan namin?
"Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Chase kay Anika sabay wink dito.
"Alam mo sa sobrang pagkindat mo, hindi ko alam kung pagpapa-cute ba yan o talagang may sira na yang mata mo" Anika.
Tumawa si chase at pabirong hinawakan ang dibdib niya. "My heart hurts babe how could you say that?"
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Anika at humakbang ito papalapit kay Chase "Call me babe again and i'll make sure your heart's not the only thing thats hurting." Banta ni Anika at agad na naglakad palayo ngunit bigla naman itong bumalik at binigyan kami ng isang pamphlet. "Nga pala sa darating na student council election iboto niyo ako as student council president ha? nakakasawa class president eh! hehehehe" She giggled
![](https://img.wattpad.com/cover/7201665-288-k657537.jpg)
BINABASA MO ANG
Zugzwang: The Final Pact
Mystery / ThrillerPact Series #3 | "Think like a knight, act like a pawn"