Third Person's POV
.
Gaya ng dati ay nakatambay na naman si Yohan sa itaas ng puno. Dinadama nito ang malamig ng simoy ng hangin at para bang napakalalim ng iniisip.
Napangiti si Damon nang makita siya at maingat na umakyat rin sa puno upang samahan ang kaibigan.
"Boo!" Sigaw ni Damon nang malapit na ito sa sangang pinapatungan ni Yohan upang gulatin ito. Ngunit taliwas sa inaasahan ang naging reaksyon nito.
"Booboo ka" Tugon ni Yohan at inisnaban lang si Damon.
Napasinghal na lamang si Damon sa inis.
"Yo anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Damon at agad na tumabi kay Yohan.
"Nanonood ng sine! Ang ganda ng pinapanood ko gago!" Sarkastikong tugon ni Yohan.
Bakit ba ako hindi nasasanay sa ugali ng babaeng to?
bulong ni Damon sa sarili at pinilit na lamang na magpasensya.
"Tara baba na tayo baka malaglag ka, patay ka talaga kay tito at tita" Damon
Napatingin si Yohan at kay Damon at biglang ngumiti.
Ikinagulat ito ni Damon dahil ito ang unang beses na nginitian siya nito.
"B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Takang tanong ni Damon sabay punas sa mukha niya gamit ang kanyang kamay sa pag-aakalang may dumi ang mukha nito.
"You look so stupid you idiot" Sabi ni Yohan at bahagyang tumawa.
"Wow ha! Stupid na idiot pa! Ikaw na!" Damon
"Hoy kayong dalawa bumaba nga kayo diyan!" Sigaw naman ni Chase na nasa baba pala at nakatanaw lang sa kanila.
"Akyat ka muna dito! Paker!" Panghahamon ni Damon kay Chase na agad namang ikinainis ni Yohan.
"Di mo ba alam? May phobia siya sa matataas na lugar! tsss" Asik ni Yohan at nauna na lamang bumaba.
"Malay ko ba sa kanya" mahinang bulong naman ni Damon sabay kamot ng ulo niya at sumunod na lamang na bumaba mula sa puno.
"O bakit?" tanong ni Yohan habang pinapagpagan ang suot nitong damit.
BINABASA MO ANG
Zugzwang: The Final Pact
Mystery / ThrillerPact Series #3 | "Think like a knight, act like a pawn"