Third Person’s POV
[Play the song on the multimedia box]
Abala sa pagk-kwentuhan sina Damon at Yohan habang nakasandal sa itaas na bahagi ng deck ng yate kayat hindi nila napansin ang pagdating ni Zianne.
“Ano ba kasing nangyari? Sigurado ka bang okay ka lang?” Tanong ni Yohan habang tinitingnan ang mga sugat ni Damon sa noo.
Ngumiti lang si Damon at tiningnan rin ang braso niyang napupuluputan pa ng benda. “Ako ang dapat magtanong sayo niyan, di mo nga gaanong magalaw ang braso mo.”
Unti-unting nililipad ng hangin ang buhok ni Yohan, Sumasagabal na ito sa bibig at mukha niya kayat napahagikgik si Damon, agad naman niya itong sinamaan ng tingin. Napailing-iling na lamang si Damon habang tumatawa at tumayo sa likuran ni Yohan. Laking gulat ni Yohan nang mapansing tinatalian na pala ni Damon ang buhok niya.
Nakangiting humarap si Damon kay Yohan nang maayos niya ang buhok nito.
“Bakla” mahinang bulong nito kayat agad nawala ang ngiti sa mukha ni Damon.
“Anong bakla?!” asik ni Damon sabay lapit ng mukha niya dito. Napakalapit ng mukha nila sa isa’t-isa kayat napalunok si Yohan. Mistulang nahimasmasan si Yohan kayat agad siyang napaatras. Naghahanap ng palusot sa awkward na sitwasyon, agad siyang humarap sa isang case ng fire extinguisher at nanalamin dito.
Nakunot ang noo niya nang mapansin ang pambatang hair clip sa kanyang buhok. “Hair clip with strawberry and hearts design, yeah youre not gay” Sarcastic na saad ni Yohan kayat tumawa na lamang si Damon sabay iling-iling.
“Alam mo ba, espesyal sa akin ang hair clip na yan” Wika ni Damon habang nakangiti ngunit kakaiba ang ngiti niya dahil ngayon ay bakas na dito ang lungkot.
“Bigay ng girlfriend mo?” Yohan
Napailing-iling si Damon at may kinuha mula sa wallet na nasa bulsa niya.
Nagtaka si Yohan nang biglang may inabot sa kanyang litrato si Damon, litrato ng isang batang babaeng may napakatamis na ngiti. Agad nakunot ang noo ni Yohan. “S-sino to?” tanong ni Yohan.
“Ang batang yan ang nagbigay sa akin ng hair clip na yan” Napatingin si Damon sa malawak na karagatan. “Alam mo ba, 10 years old lang ang batang yan pero napakarami na niyang pinagdadaanan sa mura niyang edad. Last year she was diagnosed with brain cancer, everyday parati ko siyang nakikitang nagdarasal sa diyos na sana mabuhay pa siya, everyday parati ko siyang nakikitang nagpapasalamat sa diyos dahil buhay pa siya. Everyday nakikita ko siyang naghihirap. Naaawa ako sa kanya kasi mahirap lang yung pamilya niya tapos may kuya pa siyang gago't walang kwenta” Unti-unting tumutulo ang luha mula sa mga mata ni Damon kayat dali-dali niya itong pinunasan gamit ang kamaong nakakuyom. “Bwisit, napakakapuling ang hangin dito. Hahaha” Palusot ni Damon sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Zugzwang: The Final Pact
Mystery / ThrillerPact Series #3 | "Think like a knight, act like a pawn"