Finale

57.6K 2.3K 2.6K
  • Dedicated kay All readers ♥
                                    

Third Person's POV

"So you really want to stay being a pawn?" Nakangising tanong ni Chase.

"Duh?!" mahinang bulong ni Zianne kahit na hinang-hina na. Mistulang nainis si Chase sa inasal ni Zianne kayat marahas niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito gamit ang isang kamay. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa huli at hinalikan ito. Walang nagawa si Zianne kundi mapapikit nalang kasi kahit na anong gawing pagpupumiglas ay wala siyang kawala dito. "Oh well, Pasensyahan nalang tayo Zee. Oras mo na" Pananakot ni Chase nang magkalayo ang mga mukha nila.

Walang ano-anoy isang malutong na sampal ang kanyang buong-lakas pinakawalan sa mukha ni Zianne. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa magdugo na ang ilong at mahimatay na si Zianne. Sinisigurado ni Chase na mahahagip sa camera ang bawat pananakit niya kay Zianne upang mas labis na masaktan si Reese oras na mapanood niya ito.  

Nakaposas ang mga kamay habang duguan, Walang nagawa si Zianne habang kinakaladkad siya ni Chase papunta sa deck. Mga paa lamang niya ang hawak ni Chase kayat napapaiyak na lamang si Zianne habang nakatingala sa kisame. Mayat-mayang nauuntog ang ulo ni Zianne sa poste ng bawat pasilyo ngunit imbes na maawa ay tawa lang ng tawa si Chase.

Tumigil si Chase sa pagkaladkad sa halos lupaypay ng si Zianne nang makarating sila sa Deck. Bahagyang dumungaw si Chase sa railings at dinama ang amoy ng dagat at ang napakalamig na simoy ng hangin. Napakadilim ng karagatan at talagang napakalalim nito dahil mag-aalas diyes na ng gabi.

"Zianne, dont worry, Im not going to kill you" Wika ni Chase at agad na napalingon kay Zianne. Napangiti si Chase at bahagyang napailing-iling nang makitang nagsisimula na palang gumapang si Zianne palayo sa kanya.

"Tsk, Tsk, kakasabi ko lang na hindi kita papatayin diba?" Malambing na sambit ni Chase habang hawak-hawak ang balikat ni Zianne. Bakas ang pagkalito sa mukha ni Zianne nang marinig ang sinabi ni Chase.

Tumawa lang si Chase at kaagad siyang kinarga sa kanyang mga bisig.

"Hindi kita papatayin kasi, Ang dagat o di kaya ang mga pating ang gagawa nun" Mahinang bulong ni Chase sa tenga ni Zianne at napangisi. Agad na nanlaki ang mga mata ni Zianne. Alam niyang kahit na anong oras ay maari siyang ihulog ni Chase sa dagat kayat agad siyang nagpumiglas sa abot ng kanyang makakaya. Si chase patawa-tawa lang, "Aish, ayaw mo nun maraming mabubusog na pating? Youre useless Zianne, atleast kahit papanoy mapapakinabangan ka diba?"

Akmang ihuhulog na ni Chase si Zianne sa tubig nang bigla na lamang may nagsalita.

"Kuya sa akin ka galit wag mong idamay si Zianne dito!"

Dahan-dahang napalingon sina Chase at Zianne, kapwa sila gulat nang makita nila si Reese na ngayoy kasama na nila sa yate. Basang-basa ito ng tubig dagat habang humihingal.

Nakunot ang noo ni Chase. "P-paano ka nakarating ---- Pfttt! Okay pinapabilib mo ako Reese" Wika nito na agad na nakabawi sa pagkabigla. Sarcatic na tumawa si Chase.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon