Chapter 26 : A blast from the Past

48K 2K 3K
                                    

{ Robbie's POV }

Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan namin. Hindi ang lugar nato ang destinasyon namin kaso nagka-emergency daw kasi dito at kailangan ng expertise ko kayat bigla akong pinapunta sa lungsod nato. Ano kayang klaseng emergency? Nak ng bwisit naman andami ko pang inaasikaso ngayon, wrong timing!

Sa kalapit na lungsod sunod-sunod ang pagkamatay ng mga babaeng prostitute. Linggo-linggo may prostitute na natatagpuan patay sa mga motel tapos ngayon dito naman. Teka ano kayang emergency sa lungsod nato at pinapunta pa ako dito? Jusko sana wag namang massacre.

Nagd-drive ako sa maulan na daan nang biglang tumunog ang cellphone ko kayat agad kong isinilid sa tenga ko ang isang bahagi ng headset. Nyeta, wrong timing tumawag.

Redentor na mukhang labrador calling

Ay nyeta. Kung sasagutin ko tong tawag nato for sure sisigawan lang ako nito at kukulitin tungkol sa anak niya kayat wag nalang. 

Pinundot ko nalang yung ignore. Bahala na. 

Muling tumunog ang cellphone ko. Pipindutin ko na naman sana yung ignore kaso nakita kong si Mack to. Sasagutin ko na nga lang. tsss.

"O anong meron?" tanong ko.

[Robbie there's been a problem, chippy's missing!] Bakas sa boses ni Mack ang pag-aalala. Tae, wrong timing mambwisit ni Chippy.

"Mack calm down. You said it yourself okay na si Chippy. Wag kang mag-alala baka saglit yung itinakas ni Kessler, alam mo naman yung mga loko-lokong yun" I said as i tried to calm her down.

[Last week sabi niya may surprise daw siya sa akin, Robs Masama talaga ang kutob ko dito, please find him.] Muling wika ni Mack kayat napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay, i'll find him dont worry. Im driving baka mabangga kami, i'll just call you later" Paalam ko at agad ko ng binaba ang tawag.

 - - - - - - - - - - -

Napatingin ako sa relo ko, Its 2:34 pm pero ang napakadilim parin ng kalangitan. Nyetang bagyo.

"Sir" Wika nung mga sumalubong sa akin at agad na nag-salute. Tumango lang ako at agad na nagtungo sa interrogation room kung saan naghihintay yung pai-imbestigahan nila sa akin.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa pulis na nasa likuran ko habang pinagmamasdan ko mula sa two-way mirror ang isang binatilyo. May highlights yung mga buhok niyang natatakpan ng hood ng jacket niya. Hawak-hawak rin niya ang ulo niya na para bang napakasama ng pakiramdam niya. 

"One word, Horrible. That kid killed his classmates pati yung teacher niya. Camping trip gone wrong, parang sa horror movies. Sound familiar?"

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon