Chapter 29 : Family Ties Part 1

49.5K 1.9K 1.5K
                                    

Robbie's POV

Nakaharap lang ako sa vending machine habang sumisipsip ng mainit na kape. Niluwagan ko ng kaunti ang kurbata ko at inisandal nalang ang ulo ko sa salamin. Nakakainis, Nalilito na ako sa kaso.

"Detective Chen?" Narinig kong tinawag ako ng pulis kayat agad akong umayos.

"Reese Marion Romano-Sanchez's lab results are here. Grabe! Haba pala ng pangalan ng lalaking to! Positive po pala siya sa test at may nahanap kaming trace ng hallucinogens sa system niya." Balita sa akin ng bagitong pulis kayat tumango nalang ako at nagpasalamat. Okay so kumpirmado ngang inosente tong binatilyong to. Hanep, nag-level up na pala ang spraypaint nila ngayon. Imbes na pampatulog dinagdagan pa nila ng hallucinogens; Ang drogang nagdadala ng hallucinations. Aalis na sana ako ngunit biglang bumalik yung detective. "Muntik ko nang makalimutan, Sa skwelahan kung saan nag-aaral ang mga biktima ay nagkaroon din ng pagpatay, yung pangalan ng biktima ay isang guro, Frank Torrevalo ang pangalan. Pamilyar po diba?" Wika pa niya.

Teka... Frank Torrevalo?

"Finnley Torrevalo" mahinang bulong ko.

Tumango yung bagitong pulis. "Binggo! Magpinsan po ang dalawa, Diba po ilang taon ng wanted yung Finnley? Eh kasi chineck namin yung files at may nakita kaming kamukha niya sa mga temporary employees. Sige ho mauna na ako" Paalam nung pulis at agad na binigay sa akin ang resume ng isang lalaking nagngangalang Jeffrey...

Nanlaki ang mga mata ko.

Unti-unti ko ng naipagtatagpi-tagpi ang mga tuldok sa misteryong to.

Napabuntong hininga nalang ako at agad na nilagok ang natitirang kape sa baso ko pagkuway agad itong initsa sa basurahan.

Bigla akong may naramdamang humihila sa pantalon ko "Tito gurang! Tito guwang!" At gaya ng inaasahan naririnig ko naman ang nakakainis niyang tawa sa akin.

Napakamot nalang ako sa ulo ko, "Hoy kutong lupa wag mo akong tatawaging gurang, cant you see that im hotter than hell?!" Wika ko at bahagyang yumuko upang maging magkalebel kami ni Damon; Ang anak nila Natalie at Pula.

Napailing-iling siya at napangiti ng nakakaloko. As usual nasa mood na naman ang batang tong mangulit.

"You look like a monkey already! have some lollipop!" Masigla at bulol niyang wika niya at ipinasok sa bibig ko ang lollipop na may wrapper pa. Jusko! Bakit ko ba natatagalan ang batang to?!

"Your dad is the monkey" pang-aasar ko sa kanya at agad na binalatan ang lollipop. 

Tumawa lang siya at napailing-iling. "He's not a monkey! Mama Natnat said Papa P is a gorilla!" Sagot nito at napahagikgik. Ay oo nga pala, Natatagalan ko ang pagbe-babysit sa batang to kasi nakakaliw siya at napaka-cute pa. Agad kong ginulo ang buhok niya. Kahit kailan nakakaaliw talaga ang kutong lupang to.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon