The Chen's Commandments

60.3K 2.1K 2.8K
                                    

~~If you want teasers, infos or just want to share thoughts. Feel free to like my official Facebook page and Serialreader's group. by going here....

http://www.facebook.com/SerialsleepersStories

http://www.facebook.com/groups/143493339136868/

or just simply click the external link

- - -  - -- - - - - - - - -

Third Person's POV

Tulong-tulong na binitbit ng mga lalakeng estudyante ang kanilang mga bagahe papunta sa loob ng mini-bus batay narin sa utos ng guro nilang si Mrs. Romulo. Samantalang ang mga babaeng estudyante ay nagk-kwentuhan lang sa di kalayuan maliban lamang kay Yohan na plastadong-plastado na ang pwesto sa loob ng bus.

"Ike dahan-dahan lang sa mga bagahe ko! Wag mo yang ilagay sa sahig!" Mandar ni Jarrel dito habang abala sa kanyang cellphone.

 

"Tch. pag ako napuno, ibabato ko to sayo" mahinang bulong ni Ike na naiinis na.

"Batuhin mo please? haha" Sabat naman ni Chase ng pabiro kahit nahihirapan na sa bigat ng kanyang mga dala.

"Bakit naman chase? Di mo ba type si Jarrel?" Damon

Napangisi na lamang si Chase"I hate liars" tipid ngunit makahulugang wika nito.

“You hate liars? Wag ganun Chase, Love yourself!” Biro ni Yohan na lumuhod pa sa kanyang kinauupuan para lang lumingon kay Chase sabay agaw ng baseball cap na suot nito.

Natigil sa paglalakad si Chase nang matanggal ang baseball cap nito. Agad niyang sinamaan ng tingin si Yohan na ngayoy suot na ang cap niya. “Wow oo yohan! ipapahiram ko sayo yan! Youre welcome ha?!” Sarkastikong sigaw ni Chase.

 

“Thanks Cha-cha I so love you.” walang emosyon tugon ni Yohan sabay belat.

Napa-pout si Damon at saka sumandal sa likuran ng upuan ni Yohan. “Eh ako di mo ako love? Unfair naman!”

 

"Mamaya nga ang daldalan, kumilos na nang matapos nato" Seryosong wika ni Noah na abala sa pag-aayos ng mga gamit sa likurang bahagi ng bus.

"Teka nasaan si Clark?" Biglang saad ni Damon

"Diba dapat Kuya Clark? Naku, pag yan narinig ni tito lagot ka talaga!" Pangaral ni Chase.

"Ay oo nga pala. hehehe" Wika ni Damon at bahagyang napakamot ng ulo niya sabay tawa.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon