Zianne’s POV
Nakatingala lang ako sa kisame habang nakahiga. Hindi ako kompratableng marinig ang mga alon mula sa labas, kung ano-anong pumapasok sa isip ko; Natatakot akong biglang lumubog tong yate o di kaya may shark gaya dun sa mga pelikulang pinapanood namin ni Kuya noon. Medyo nahihilo na ako kayat tumayo na lamang ako upang kunin ang maliit na trash can just in case masuka ako.
Nasa ilalim ng study table na natambakan ng mga libro ang trash kayat nang kinuha ko nito aksidenteng nalaglag sa sahig ang mga libro.
“Tokneneng kayong mga libro” mahinang bulong ko at muling humiga.
Wala akong balak na pulutin ang mga librong nalaglag. Ang mga libro ang tangang nalaglag at hindi ako kayat sila na ang pumulot sa kanilang mga sarili. Tamad mode ako ngayon.
Muli akong nakipagtitigan sa kisame. Nakakainis, Mayat-mayang bumabalik sa isipan ko si Reese at ang mga sinabi niya. May nararamdaman ako sa lokong yun, ngunit gustuhin ko mang maniwalang inosente siya natatakot parin ako sa posibilidad na baka tama nga sila. May mga bagay akong nakalimutan sa labis na takot at ngayon lang ito naaalala....
Naalala ko nung oras na nagtatago ako sa loob ng cabinet; Matapos kong mapagtantong wala na Ike ay pumikit nalang ako upang mapigilan ang paglabas ng hikbi ko sa takot na matagpuan ako ng killer. Naghintay ako ng ilang sandali at muling idinilat ang mga mata ko, muli akong sumilip sa crack ng aparador at labis akong natakot nang makitang nakatingin sa direksyon ko ang salarin. Hindi ko nakikita ang mukha niyang natatakpan ng maskara ngunit alam kong nakatingin siya sa akin. Buong akala koy katapusan ko na ngunit nagulat ako kasi imbes na lapitan ako, Itinaas lang niya ang hintuturo niya at inilagay ito sa pagitan ng kanyang labi na para bang pinapatahimik ako. Matapos nun wala akong ibang ginawa kundi pumikit nalang at magdasal.
Hindi kaya si Reese talaga yung killer?
Hindi niya ako pinatay kasi he's the Reese who cares for me.
Tumagilid na lamang ako mula sa pagkakahiga. Aish! Zianne stop thinking about the past! Tinatakot mo lang lalo ang sarili mo!
Napabuntong hininga na lamang ako at Unti-unti kong ipinipikit ang mga mata ko ngunit biglang nakuha ng atensyon ko ang isang libro.
Gumapang ako papunta dito at pinulot ito.
“Faces of Evil, Written by Robbie Chen” basa ko sa nakasulat. Teka Robbie Chen? Base sa pagkakatanda ko ito ang tatay ni Chase ah?
Binuklat ko ang libro at ang mga pahina nito at napansin kong punong-puno ito ng mga vandals at highlights na para bang may nag-aaral dito at nagte-take notes. Wow ha? Kina-career ang pagbabasa?
Natigil ako sa pagbubuklat dahil sa mga litratong nakaipit dito.
“Shet so pogi”mahinang bulong ko nang makita ko ang picture ng isang lalaking singkit. Medyo chubby yung cheeks niya pero napaka-macho parin niya. Kasama niya sa litrato ang isang lalaking may Pulang buhok na skinhead style. Di ko maiwasang matawa dahil dun sa lalaking may pulang buhok mukha kasi siyang isang posporong nagkatawang tao. Yung pangatlo namang lalaki sa litrato, Kung makangiti labas lahat ng gilagid.
BINABASA MO ANG
Zugzwang: The Final Pact
Mystery / ThrillerPact Series #3 | "Think like a knight, act like a pawn"