"Mga kuya... Sige na ho, Parang awa n'yo na... Papasukin n'yo na ko. Kakausapin ko lang ho si Tito Rafael" Pagmamakaawa n'ya sa mga Guards ng Mansion na nasa harapan n'ya....
"Pasensya na bata,Pero hindi talaga pwede eh. Matatanggal kami sa trabaho. Isa pa, wala d'yan ang mga amo namin kaya wala kang makakausap" Sagot ng isa sa kanila.
Maya-maya pa ay dumating ang isang magarang sasakyan at bumaba ang isang babaeng nasa 30's.
Agad s'yang tumakbo at kinatok ang bintana ng sasakyan.
"Ikaw na naman'g bastarda'ng bata ka?!! Diba't sinabi ko na sayo na h'wag ka ng babalik dito?!!" Bulyaw nito sa kanya.
Lumuhod ito at niyakap ang mga binti n'ya..
"Ma'am... Parang awa n'yo na po, Manghihingi lang ako ng tulong sa inyo at sa asawa n'yo..." Humihikbi ito habang nagsasalita "Si Mama...Kailangan n'yang ma-operahan agad. Wala na ho akong ibang ma'hihingian ng tulong kundi kayo at si Tito Rafael..." Pagmamakaawa n'ya.
"Hampas lupa!! Parehas kayo ng Ina mo na mukhang pera at desperada!!! Gagamitin n'yo pa ang kabaitan ng asawa ko para makapang huthot?!!" Tinulak pa nito ang bata kaya naman bumagsak ito sa lupa..
Bumaba ang isang lalaki mula sa sasakyan...
"Tito Rafael!...Tulungan n'yo po si Mama...Tulungan n'yo po sya" Kagaya ng ginawa n'ya sa Ginang ay lumuhod at yinakap n'ya ang mga binti nito habang patuloy sa pag-iyak...
"Umalis kana...Wala ako'ng maitutulong sa'yo.Sa Tatay mo ka manghingi ng tulong..." Sagot ng lalaki at agad nag'iwas ng tingin..
"Pero Tito...." Nawalan na ng pag-asa ang bata....
"Umalis kana bago pa kita masaktan...." Pumasok na ito sa sasakyan at pinaandar..
"Kapag may nangyari sa Mama ko.Balang araw pagsisisihan n'yo ang ginawa nyo'ng ito!!!" Sigaw ng bata habang patuloy pa'din sa pag-iyak.
Tumayo ito at nagpunas ng luha tsaka naglakad pabalik sa Ospital kung nasaan ang kanyang Ina.
- - -
"Mama.... Sorry po, Wala akong magawa...Pinuntahan ko si Tito Rafael noong isang araw pero pinagtabuyan nila ako...Sila ng asawa nya..." Pagsasalita ng bata habang hawak ang kamay ng nanghihinang ina..
"Shana...Anak...Diba sabi ko sa'yo h'wag ka ng babalik sa Mansion na yun?" Tanong ng nanghihinang ina sa kanya...
"Pero Mama, Mamamatay kayo kapag wala akong ginawa.. Ayoko po Mama... Ayoko po'ng iwan n'yo ako..." Nagsimula na naman s'yang umiyak...
"Anak, hindi na magtatagal si Mama... Lagi mo'ng tatandaan ang mga bilin ko sayo ha? Aalagaan mo ang sarili mo'ng mabuti at h'wag ka'ng gagawa ng bagay na alam mo'ng makakasama sa iyo..Mahal na Mahal ko kayo ng Kuya mo, Shana..Anak.." Kahit hirap ay pinapangaralan n'ya ang Anak.
"Ma-..." Hindi nya naituloy ang gusto nya'ng sabihin nang biglang tumunog ang aparato sa tabi n'ya...
'flat-line'
Agad s'yang lumabas at tumawag ng nurse....
"Bata, Maghintay ka'na lang doon sa labas." Sabi ng isa sa mga nurse na nasa loob ng kwarto ng kanyang Ina.
Lumabas s'ya ng kwarto at nagdasal habang naghihintay...
'Papa Jesus,Iligtas n'yo po si Mama please.' Paulit ulit n'yang pagdadasal sa isip.
Napalingon s'ya ng may lumabas mula sa kwarto ng kanyang Ina.
"Asan na po ang Mama ko?" Tanong n'ya sa Doctor na kalalabas lang.
"Pasensya ka'na bata, Ginawa namin lahat pero hindi na kinaya ng katawan n'ya.Kung na-operahan sana s'ya agad ay baka nailigtas pa namin s'ya" Paliwanag ng Doctor habang hinihimas ang ulo n'ya.
"Po?" Nagsimulang tumulo ang luha n'ya at tumakbo papasok sa kwarto ng Ina n'ya..
Nakita nya'ng tinatanggal ang mga bagay na naka'kabit dito.
"Mama! Mama! Mama!" Sigaw n'ya habang ni'yiyugyog ang walang katawang buhay ng ina...
"Kasalanan nila to Mama..."
-
"Shana kumain ka naman,kahapon ka pa nagkukukong dyan sa kwarto" Ani ng Kuya nya.
"Ayoko, Kuya.Gusto ko si Mama"
"Shana. Wala na si Mama.Sa tingin mo ba matutuwa sya kapag nakita ka nyang ganyan? Papasok na ako sa trabaho.Kapag nagutom ka ay meron pagkain sa lamesa" Paalam nito.
Umiyak ito dahil naaalala ang Ina. "Mama, Miss na miss ko na po kayo..." Natigilan sya sa pagiyak ng may narinig na putok ng baril mula sa labas ng kwarto.
Marahan nyang sinilip ito at nakitang nakahandusay sa sahig ang walang buhay nyang Kuya. At tatlong lalaking malalaki ang katawan.
Nanigas sya sa kinatatayuan ngunit pinilit tumalikod at naghanap ng matataguan.Sumiksik sya sa ilalim ng aparador ng kanyang ina..
Napapikit sya ng madiin ng naramdama nya ang mga yabag papasok sa kwarto..
"Tawagan mo si Ma'am,bilisan mo!" Utos ng isang lalaki.
"Boss..Patay na po yung lalaki.Mukang wala po dito yung batang babae"
"Ano?!!! Ang Ta'tanga nyo talaga.Humanda kayo sa akin. Sige umalis na kayo dyan at baka may makakita pa" Bulyaw ng kausap nito sa cellphone.
"Pre..Tara na,lagot tayo kay Ma'am Lucyl"
Narinig ni Shana ang yabag ng mga lalaki paalis kaya dali dali syang lumabas at pinuntahan ang kanyang Kuya.
"Kuyaaaaaaaaa!!!" Yinakap nya ang duguang katawan nito.
"Kuyaaaa,Bakit naman pati ikaw?!!!Gumising kana dyan.Kakain na ko Kuyaa."
Wala syang nagawa kundi Umiyak ng umiyak....
"Dalawang Buhay..."
"Lucyl? Asawa ni Tito Rafael....."
"Pagbabayaran nyo ang lahat ng 'to......
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge
RandomKeep Calm,Be Patient and wait for the Story Twist and Kilig moments to happen❤