CHAPTER-12

71 11 7
                                    

*Frianne Graciana*

It's been a week since I accomplished things related with my Brother's killers.








Minsan ay pumupunta ako sa office ni Dad para turuan ng ilang bagay para sa kompanya. Pero sinabi nya na hindi pa ito ang tamang panahon para hawakan ko mag-isa ang kompanya.Bata pa daw ako at kailangan i enjoy ang mga bagay-bagay. Besides,malakas pa daw sya at maboboring lang kung mag i-stay sa bahay.







Kaya eto ako, sa Pastry shop ginugugol ang araw at minsan namamasyal.



"Good Morning Anne" Bati sakin ni Cyrik.



"Morning" Bati ko din tsaka nagbeso sa kanya.


"For you" Ini-abot nya ang isang boquet ng bulaklak.




"Sakin? Bakit?" Tanong ko.




Nakakatanggap ako ng bulaklak sa mga kamag-anak at kaibigan pero hindi galing sa lalaking kagaya ni Cyrik.Hindi pa naman kasi ako nag kaka-Boyfriend.




Kumamot sa Cyrik sa batok.



"Nakooo nakooo! Cyrik, liligawan mo ba ang Bestfriend ko? Wag kanang umasa dahil mag mamadre iyan" Singit ni blue tsaka bumeso sa'kin.



Kadadating lang nito pero kung anu-ano na sinasabi.



"Tumigil kanga dyan,Bakit ka'ba andito?" Tanong ko.



"Ah. Wala tinatamad ako sa restau. eh.Mamaya pa naman bukas ng Bar kaya patambay muna ako dito" Sagot nya tsaka kumindat.



Tutok din kasi Blue sa pag ma manage ng sariling Restaurant at Club nya. Hindi nya daw hilig ang Paperworks kaya hinding hindi sya magiging office girl.



"Ah,Okay"

Pumunta sya sa istante at kumuha ng cake.




Nilingon ko si Cyrik at hawak padin nito ang bulaklak.


"Ah. Salamat,cy" Kinuha ko ang bulaklak na hawak nya.



Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko diba?




Ginaya ko sya sa isang bakanteng lamesa at umupo din ako.




"Bango" ina-amoy amoy ko ang bulaklak na binigay nya.



"Ahmmmm, Anne?"


"Bakit?"



"Pwede ba?"



Kumunot ang noo ko.



"Pwedeng ano?"


Nag-iwas sya ng tingin.



"Manligaw?" Patanong na sagot nya.



  Ha? Manligaw?




Tumawa ako ng malakas kaya napatingin sakin yung ibang customers.



"Nice joke" sabi ko.



"Seryoso,anne"




"Eh?"






"Nung una palang kitang makilala sa States,nagka-gusto na ako sayo.Kaso palagi mong nababanggit na hindi ka muna mag bo-boyfriend kaya ipinagpaliban ko yung balak ko'ng panliligaw sayo. Ngayon graduate ka'na, naisip ko'ng sundan ka dito. Baka may pag-asa na.Baka may balak ka na. Gusto talaga kita,Anne" Mahabang litanya nya.





"Eh?"





Tumawa sya.
"Kanina kapa Eh ng Eh dyan Anne. Natatae kaba?"





"Eh kasi naman" umiwas ako ng tingin.




Ano ba'ng sinasabi nito? Aish. First time kasi may mag confessed ng feelings sa'kin kaya di ko alam ang isasagot. Eh?




"Give me a chance to prove myself,Anne"  hinawakan nya yung kamay ko.



"Pero--" sasagot pala'ng ako ng tumayo sya.




Akala ko galit.Akala ko aalis na.

Naglakad sya papunta sakin.




"Hindi mo naman kailangan sumagot eh.Oo o Hindi man ang sagot mo,Liligawan at Mapapa- Oo din kita"


Wow, Confidence to the highest level!


Hinalikan nya yung gilid ng ulo ko.





"Bye,Anne. Pakisabi nalang kay Asul umalis na'ko ah"





At ayun umalis na sya.

Naiwan akong nakatanga dito.






















"Ligaw? Nakakain ba yun o Nadodownload?"

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon