CHAPTER-19

81 3 0
                                    

*Frianne Graciana*

Nung isang araw pa nung huling magkita kami ni Zaren.

Kahapon nagkausap kami sa phone.Nalaman nya nga na samin napunta ang shares ni Mr. Tan.

I felt guilty.

Pero hindi naman sya nagalit sakin,o kahit kay dad dahil part daw ng business ang mawalan.

-

"Gaga ka talaga,behalf! Sigurado ka ba dyan sa pinag gagawa mo?"

Andito kami sa shop ni Blue.
Every morning ay nandito sya,tapos mga hapon aalis oara pumunta sa bar.

She said she doesn't want me to be alone.

How sweet of my bestfriend.

Kinukwento ko sa kanya yung tungkol kay Zaren Ashton.

At yun,isang tumatagingting na kaltok ang inabot ko.

"Oo naman" sagot ko.

Pero sa totoo lang,I felt guilty.Feeling ko mabait sa Ashton. Do I really need to include him with my revenge?

I dont know!

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang may pumasok na lalaki at may dalang kung anu-ano. Mukang manliligaw. Bibili siguro ng sweets.

"Ma'am paki-pirmahan nalang po dito" Lumapit sya sakin at itinuro sa papel kung saan ako pipirma.

Kumunot ang noo ko.

"Naku,kuya.Bawal sulisit dito" Singit ni Blue kaya siniko ko sya

"Para saan po bakit ako pipirma?"

Ini-abot nya sakin ang isang boquet ng red roses, isang life sized teddy bear at transparent bag na puno ng kung anu-anong chocolate.

"Delivery po para sa inyo yan ma'am.Bulaklak nga lang po ang i-dinideliver ko.Kaso malaki binayad ni Sir para ipadala na din tong teddy bear at tsokolate kaya tinanggap ko na."

"Ha? Para sa'kin? Galing kanino?"

"Naku,mam. Pasensya na pero hindi po pwede sabihin eh"

"Ah ganun ba?Sige ho"

Pinirmahan ko na lang yung papel tapos umalis na sya.

"Kyaaaaaaaaahhhhhhhh" Biglang tumili yung katabi ko.

"Ano ba,Blue! Anong meron?" Sigaw ko.

"Ang sweet naman kasi ni Zaren,behalf! Kung ako sayo seryosohin ko na pagiging girlfriend nun!" Sabi ng gaga habang kinukutkot ang pulang kuko nya.

"Zaren? Sigurado ka bang sya nagbigay nito?" Tanong ko.

Pero posible. Wala naman kasing iba eh.

"Alangan kay Cyrik? Eh diba nga sabi mo umuwi muna sya sa States?"

Tumango ako.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at nagtype.

To: Ashton
Thanks,ash.

Sms sent.

Maya-maya nag vibrate ang cellphone ko.

'Ashton Calling'

Lumingon muna ako kay Blue bago sana sagutin.

At ayun,kilig na kilig ang walangya.

("Hey,frianne. Thanks for what?")

"Sa mga pinadala mo"

("Huh? What do you mean pinadala ko?")

Nagtaka naman ako.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon