CHAPTER-03

150 20 2
                                    


*Klein Ethos*

"Sir....Gising na po.Tumatawag si Mam Lucyl sa telepono."


Aissshhh! Letse tong katulong na'to kanina pa katok ng katok.

"Kapag di ka umalis dyan,  huling araw mo na dito sa mansion ko."

"Ganyan naman kayong mga lalaki eh! Basta kayo nagpapaalis kapag ayaw nyo na! Kapag nagsawa na kayo!" Sagot nya.

Aba teka?

"Tigilan mo ko sa pag hugot mo Kizelle hah! Umagang-umaga"

"Tigilan sir? Hindi! Hindi ako titigil.Ipaglalaban ko ang karapatan ko."

Di ko alam kung matatawa o maaasar ako dito eh.

Dahil nawala na ang antok ko, Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Fired!" I shouted at her.

"Kapag di kayo nakausap ni Ma'am, sisisantihin n'ya ko.Kapag pinilit ko kayo kausapin s'ya,sisisantihin n'yo ako.San ba talaga ko lulugar sir? Hirap na hirap na'ko! Hirap na hirap!"

Pumalakpak ako. Galing nung hugot nya'ng yun ah?

"Okay,then. You're hired again.Gusto ko yung hugot mo'ng yun"

"Ayy...weh? Micro ka Sir ha. Kunyari pa kayo di lang kayo mabubuhay ng wala ako eh. Yiiiie. Si sir,Inlove sa'kin"

Sinundot-sundot n'ya pa yung tagiliran ko.

"Gusto mo ma'fired ulit?!!"
"Ipaghanda mo na'ko ng almusal" Utos ko.

"Okay sir. Sasamahan ko ng pagmamahal yun. hehe"

Napakamot nalang ako ng ulo.

S'ya lang ang tumagal na katulong dito sa bahay ko kaya di ko sya magawang sisantihen. Okay naman sya,minsan nga lang hugot lordescxz.

Ako lang kasi mag-isa dito.Bumili ako ng sariling bahay. Ayokong makasama sa iisang bubong ang Kuya at Tatay ko! Pweeeh!

'Klein Ethos Herrera' that's my name. Gwapo no? Kasing gwapo ko. *smirked*

Herrera. Pero Corpuz ang pakilala ko'ng surname sa mga Chikabebes,middle name ni Mama. For sure kasi kapag nalaman nilang Herrera ako, Ikukumpara ako sa Kuya kong napaka galing. Besides, ayaw ko din naman sa apelyido na yun.

Ano kayang kailangan ni Mama? Matawagan na'nga.

("Klein! What's with you?! Tanghali kana naman gumising! I told you yesterday na umuwi ka na dito sa Mansion.Mag pakitang gilas ka naman sa Daddy mo,work on our Company!")

Hayyyy. Kulit! Ayoko ngang umuwi

"Ma, I told you,too.. Hindi ako uuwi dyan.Hindi ko kailangang magpakitang gilas kay Dad,Andyan naman si Zaren"

("Zaren? Edi tulungan mo ang Kuya mo.Sige na naman anak.Paano kayo mag kakaayos ng Daddy mo nyan? Paano ka nya pa'pamanahan?"

Psh. Mana na naman ba? I don't know what's with mama. Lagi nya nalang pinagpipilitan yung ganyang bagay.

"A-yo-ko. That's final,Ma. I'll hang up. Bye"

("No Kl-")

I ended the call.

Makakain na nga lang.

-
Boring naman! San kaya ako pupunta?

I typed a message.

'Hi Baby<3 Can you drop at my place?'

Sending to: Baby1,Baby2,Baby3,Baby4 and Baby5.

Sent.

Naalala ko yung babae kahapon sa mall.

Her Big eyes.... Dark and expressive.

Ganda nya sana, Kaso lanja! Amazona! Makita ko lang yung babaeng yun, hahalikan ko talaga yun! Ano kayang lasa ng labi nya?



Natigil ako sa pagiisip ng nag vibrate ang phone ko.

Sms from Baby4: Busy babe.Next time.Miss you.

Aish. Walang kwenta.

Sms from Baby2: Lunch with my family honey.Maybe tomorrow. I missed lying in bed with you.Hihi.

Miss mo muka mo!

Sms from baby5: Sure. Laters baby. I'll go to your condo nalang.Loveyou.



Orayyyyt. Rak later.











'I'am Klein Ethos Herrera, Proud Casanova *wink*'

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon