*Klein Ethos*
Naglalakad nako malapit sa unit ko galing sa mga babes ko ng may makita akong babaeng tumatakbo palabas at mukhang ginahasa ang hitsura.
"Frianne?" Bulong ko.
Yun yung pinsan nila Jk ah?
Nagulat ako ng may lalaking lumabas mula sa isang unit na katabi ng akin at hatakin ang buhok nya at kinaladkad ito pabalik sa loob.
Parang pamilyar yung lalaki sakin eh?
Tatakbo na sana ako para tulungan sya pero napaatras nalang ako ng makita ko'ng lumaban sya.
Humanga ako sa lakas at galing nya.
Ang liit ng katawan nya kug titignan at hindi mo a-akalain magagawa nya yun.
"Pfffffffft" Muntik pa'kong matawa nung nakita ko'ng sinipa nya yung birdy nung lalaki.
Teka? Ganyan din yung ginawa nya sa'kin ah. Tignan mo nga naman to'ng babaeng to.
Habang ginagawa nya yun ay nakikita ko'ng punong-puno ng galit yung mata nya.
Parang gusto'ng pumatay eh.
Tumakbo sya papasok ng unit.
Lalapit na sana ulit ako dun sa lalaki ng lumabas ulit si Frianne at.....
May dalang kutsilyo?
Tinutok nya to sa leeg nung lalaki.
May sinasabi sya pero hindi ko marinig at maintidihan.
Dumugo yung leeg ng lalaki.
Wag nya'ng sabihing papatayin nya yan?
Sabagay. Pwedeng Self-defense tawagin yun.
Pero boyfriend nya kaya yun? Bakit kaya sila nagaaway? LQ pa ah?
Lumutang ako sa pag-iisip.
"Leaveeee" narinig ko'ng sigaw ni Frianne.
Tumakbo naman agad yung lalaki kaya nag kunyare akong nakatingin sa ibang direksyon.
Nagpalipas muna ako ng minuto at tsaka pumasok sa unit ko para masiguradong wala na si Frianne.
So kapit-unit ko pala sya? Watta coincedence! Baka nga Forever kami.
Naligo muna ako.
Di ko maiwasang hindi mag-isip ng nakahiha na'ko sa kama.
"Her big eyes.It's really attracting"
"The way she moves,It's amazing"
"I think I'am more than interesting to know her more"
- - -
A/n: Short update about
Klein's impressions towards Frianne be told :) ^_^Vote.Comment :*** ;)))
Love.Love.Love <3 :D
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge
RandomKeep Calm,Be Patient and wait for the Story Twist and Kilig moments to happen❤