CHAPTER-22

38 3 0
                                    

*Frianne Graciana*

Nagising ako pero wala ako'ng makita dahil sa piring sa mata ko.

Nasa isang upuan ako at nakatali dito ang mga paa at kamay ko.

"Pakawalan nyo ko dito!" sigaw ko. Nakailang sigaw na ko pero parang wala'ng nakakarinig sakin.

I want to cry right at this moment pero pinigilan ko. I have to be strong. Magbabayad ang gumawa nito sakin.

Maya-maya ay may narinig ako'ng mga yabag.Sigurado akong heels yun.

Babae? Narinig ko ang paglakad ng mga yabag tanda na papalapit na sya sa'kin.

Tumigil ito.
Halos mamanhid ang muka ko sa dalawang malakas na sampal na natanggap ko.

Nasundan ito ng ala demonyong tawa.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ang boses ng Demonya'ng pinaka-kinamumuhian ko sa lahat.

LUCYL HERRERA!

Naikuyom ko ang palad ko sa inis.

Ano naman kailangan nya ngayon? Malaking pera dahil pabagsak na ang kompanya nila?

Hinawakan nya ang muka ko at pinisil ito ng madiin.

"Ang lakas din naman ng loob mo'ng banggain ako,Frianne" pagsasalita nya.

Tinaggal nya ang piring sa mata ko.

"Surprise" she raised her two hands.

"Hayop ka! Pakawalan mo ko dito" sigaw ko.

"At bakit ko naman gagawin yun? Ano ako sira ulo?" nagsindi sya ng sigarilyo at isinubo ito.

"Sabihin mo kong magkano ang kailangan mo!"

"I'm sorry my dear. Pero hindi pera ang kailangan ko kundi buhay mo" sagot nya.

Inismiran ko sya.
"Kung buhay ko ang kailangan mo,edi patayin mo na ko.Mas gusto ko pa'ng mamatay kesa makaharap at makausap ka! Nasusuka ako sa muka mo! Mamamatay tao ka! Baliw! Mukang pera!"

Tinanggal nya ang sigarilyo mula sa bunganga at inilapit to sakin.
"Ooooops.Wrong choice of words" idinikit nya to sa binti ko.

Masakit at mahapdi pero pinigilan ko'ng umimik at tangi'ng ngiti lang ang ginanti ko sa kanya.

"Alam ko na,frianne! Ikaw ang pumatay kay Jaime Cruz! Ikaw ang dahilan sa likod ng shares ni Mr. Tan! At hindi malabo'ng ikaw din ang pumatay kay Mendoza at Galvez! Tama ako diba?" tuloy tuloy nya'ng pagsasalita.

Paano nya nalaman?

Hindi ako umimik.

"Pumasok ka" sabi nya na parang may inuutusan mula sa labas ng kwarto'ng kinaroroonan namin.

Pumasok ang isang lalaki'ng may takip ang muka.
Sino naman to?

"Baguhan ka lang.Matagal na ko'ng pumapatay ng tao.Hanga ako sa galing ng plano mo, pero mas magaling pa din ako sayo" naglakad si Lucyl papunta sa likudan ko.

Napatingin ako sa lalaki'ng nakatayo sa harapan ko. Tinanggal nito ang takip sa muka nya.

At hindi din ako pwedeng magkamali.
Sya yung binayadan at inutusan ko'ng magtapon ng bangkay at sasakyan ni Cruz.

"Lahat ng tao,may katapat na pera. Binigyan mo sya ng malaki para mapakinabangan,binigyan ko sya ng mas malaki para mas mapakinabangan" bulong nya sa tenga ko mula sa likuran.

Hindi,Lucyl. Hindi lahat ng tao ay may katapat na pera!

Nagkamali ako ng tao'ng pinagkatiwalaan.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon