*Frianne Graciana*
35 missed calls.
Random missed calls from Mommy,Blue,Cyrik, and Rachelle.
11th Death Anniversary ni Mama ngayon, sa susunod na linggo naman ay kay Kuya Jhoms.
Andito lang ako sa Condo. I wanna spend all day here alone.
Niyayaya nila ko lumabas dahil alam nila'ng malulungkot lang ako.
Nagsimula ulit tumulo ang mga luha ko.
"Mama...Kuya.... miss na miss ko na po kayo" Basag na ang boses ko dahil sa pag-iyak.
Inalala ko ang mga masasayang araw namin ni Mama noon kasama si Kuya.
"Shana,anak. Anong gusto mo paglaki mo?"
Tanong sakin ni Mama habang pinapa liguan ako.
"Mama.Gusto ko po magpatayo ng tindahan ng iba't-ibang matamis.Tayong dalawa po ang mag ba-bake at si Kuya ang taga tikim" Sagot ko habang pinaglalaruan ang mga bula sa ulo ko mula sa shampoo.
"Naku,Mama.Kayo nalang po. Hindi naman masarap ang magiging gawa nyan ni Shana.Walang bibili" Pang-aasar ni Kuya na nasa sala at naghahanda ng tanghalian.
Ngumuso ako habang binibihisan ni Mama.
"Jhoms. Hwag mo ngang asarin ang kapatid mo.Humahaba ang nguso eh" Tumawa pa si Mama.
Lumapit naman si Kuya sa upuan na kinatatayuan ko.
Hinalikan nya ko sa pisngi.
"Sorry,bunso.Sige nanga masarap na ang magiging bake mo.Basta ako ang unang titikim lagi ha"
Ngumiti naman ako.
"Oo naman,Kuya.I love you,Kuya. I love you,Mama"
Lumapit si Mama at niyakap ako.
"I love you too shana. Kayo ng kuya mo ang buhay at kasayahan ko"
Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako.
-
*ding-dong* *ding-dong* *ding-dong* *ding-dong*
Nagising ako sa sunod sunod na pag doorbell.
Tinignan ko ang oras, 4:30pm.
Hapon na pala.Nagkusot ako ng mata at pumunta sa pinto.
Masamang tingin ang isinalubong sa'kin ni Blue.
"Oh? bakit ka ganyan makatingin?" Tanong ko at iniwanan sya sa labas ng pintuan.Sumunod naman sya papasok sa loob.
"Kanina pa ko tumatawag, hindi mo sinasagot"
"Halata naman kakagising ko lang diba?"
"Tara sa Bar ko"
"A-yo-ko"
"Frianne naman, kaibigan mo ko"
"Alam ko"
"Dadamayan kita"
"Okay lang ako"
"Okay? I know you're not.Tara na sa Bar."
"Ayoko nga sabi!" Sigaw ko.
"Kesa naman umiyak ka dito maghapon.Tapos mamaya iinom ka mag-isa"
"So?"
"Mamaya mag-laslas ka pa eh. Mamaya magbigti ka.Edi konsensya ko pa?"
"OA mo ha! Iinom lang ako muriatic acid"
"Shana!"
Uh-oh. Her warning tone and word."Okay,fine.Sabi ko nga sasama na'ko sayo eh.Kakain at Maliligo nako."
Ngumiti naman ang bruha ng pagka laki-laki.
Kumain na'ko at naligo.
-
8pm na nang makadating kami dito sa Bar ni Blue.
"Oh ayan. Inomin mo lahat ha" Inilapag ni Blue sa lamesa ang mga alak.
Nandito kami sa V.I.P's place sa taas. Tanaw mula dito ang mga tao mula sa baba.
Ang ingay.
Sabagay Bar to. What do I expect!Uminom lang ako ng uminom.
Si Blue nasa baba.
Sinama ako dito tapos iiwan ako mag-isa.Napakagaling.
Mag dadalawang oras nakong umiinom at medyo umiikot na ang paningin ko.
Maya-maya dumating si Blue.
"Behalfffffff" Tili nya.
"Ano ba?!! Muntanga naman to eh.Kalapit mo lang ako oh"
"Si Zaren Ashton Herrera, nasa baba" Sabay turo nya sa lalaking naka talikod at naka office suit pa.
Parang nabuhayan ako ng loob sa sinabi nya.
"Talaga?" Ngumiti ako at tumingin sa direksyon ng lalaki.
"Oo, alam ko yang ngiting ganyan. Ano'ng nasa-isip mo?"
Hindi ako sumagot at naglakad pababa.
Narinig ko pang tinawag ako ni Blue pero di ko sya pinansin."Hey.Drinking alone huh?" Tumabi ako sa kanya pero sa counter ako nakatingin at umorder ng light drinks.
"I'm not in mood to play and fling with you, Miss" Sagot nya ng nakatingin lang sa basong iniinuman nya.
Woaaaah.Malamang dahil break na sila ni Laica kaya nagla lasing to.
"Girl problem" I said at tinignan sya na naka side view.
"Alam mo miss---" Natigilan sya sa pagsasalita nang magtama ang mga mata namin.
He look so familiar...
Hindi ko maisip kung saan ko sya nakita...
Nung tumingin ako sa kanya ay sa baba na sya nakatingin at mukang malungkot.
"I'm sorry. I have to go" Tumayo sya at naglakad palayo.
Agad ko sya'ng sinundan.
"Hey!" Sigaw ko.
"Ano ba'ng kailangan mo?" Tanong nya at parang naiirita na.
"I can help you""Help me with what?"
"Moving-on" I simply answered.
He laughed sarcastically.
"You're crazy" Tumalikod sya at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"I'am Frianne Graciana Celestial. My father is your father's friend"Humarap ulit sya.
"Aissshhhh! Brat! Fine. Ano ba sa tingin mo ang maitutulong mo?"
"Be My Boyfriend and I can asure and help you with forgetting that Girl"
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge
RandomKeep Calm,Be Patient and wait for the Story Twist and Kilig moments to happen❤